Celestine
Kami ng mga kaibigan ko ang naunang bumalik sa headquarters, wala rin kaming nakitang mga survivors pero zombies. . . oo, marami.
"Hindi ba nakakahiya na tayo ang naunang bumalik?" Mahinahong tanong ni Elyse.
Tumingin ako sa kaniya habang nililinis ko ang mga nails 'ko.
"Hindi 'yan and maraming zombies ang humahabol sa'tin, so tama lang ginawa natin,"
Nakatuon lang ang tingin ko sa mga nails 'ko.
Paglabas namin ay ipapaayos ko agad 'tong mga nails 'ko. Nasisira na sila dahil sa mga ginagawa namin.
Hindi din naman nagtagal ay dumating na sila Saji, Cyan at Jinx. Lumingon ako sa likuran nila. . . si Sean? Wala akong nakitang kahit na anong bakas ni Sean.
Tumingin ako ro'n sa tatlo, pare-pareho silang sad. Oh my god? What's happening? Don't tell me? No! No!
Hindi ko muna sila nilapitan. Sunod naman na dumating ay sila Edward at Blaster. Kulang din sila.
Ang nawawala ay sila Kyle at Daniel. What the hell?
Tumahimik na lang muna ako. I'm sure napapansin na rin ng mga kaibigan ko 'yung mga kulang at sure rin akong iniisip na nila 'yung mga iniisip 'ko.
Sumunod naman ay sila Shawn, Yuan at Kylie.
Nakahinga ako ng maluwag nung hindi sila nagkulang.
And sunod ay sila Jorji, Hades, Monica, Sage at Astrea. Wala rin ata silang nakitang mga survivors.
Naghintay din kami ng limang minuto bago dumating sila Dark, Dash at Saichi. Mukhang may napansin na agad si Dark.
"Nasaan ang iba?" Tanong agad ni Dark.
Sumunod kami sa kaniya papasok sa isang room. Walang sumagot.
"Si Sean? Kasama niyo 'yon, Jinx, Cyan at Saji. 'Yung dalawa mong kaibigan, Edward?"
Wala pa ring sumagot. Sigurado akong naiinis na si Dark sa inaasal namin.
"Walang sasagot?" Napataas na ang boses ni Dark.
Lahat kami ay napapitlag nung makarining kami ng pagsuntok sa mesa. Sinuntok ni Dark ng dalawang beses 'yung mesa.
"Kalma ka lang, Dark," Awat sa kaniya ni Dash.
"Bakit ba ayaw niyong sumagot?" Inis na tanong ni Dark.
Tumayo si Blaster kaya sa kaniya kaming lahat napatingin.
Nakatungo lang siya.
"Patay na sila Kyle at Daniel,"
Napahawak ako sa bibig ko, for real?
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umupo na siya pero nagsalita rin si Edward.
"Pinatay 'ko sila, ako ang may kasalanan kaya sila namatay," Umiiyak na saad niya.
Mabilis na hinawakan ni Blaster ang kwelyo niya kaya napatayo silang dalawa.
"'Diba sabi 'ko sa'yo wala kang kasalanan? Ginawa mo lang 'yung nararapat!" Diin na saad ni Blaster habang patuloy na tumutulo ang kaniyang mga luha.
Inawat sila ni Yuan. Napahilamos lang si Dark sa narinig.
Tama nga ako, na wala na 'yung dalawang kaibigan nila base sa mga mukha niya. Pero si Sean? Lumingon ako ron sa tatlo, mga nakatungo lang sila. Sana hindi, sana mali ako.
"Si Sean?" Tanong ni Dark.
Tumayo naman si Saji.
"Wala na si Sean, dinumog siya sa ng mga infected sa loob ng grocery store,"
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil aa narinig, tama ba?
Inaamin ko na naging mabait sa'min si Sean, lalo na sa'kin. Naging crush 'ko siya pero nawala rin 'yon. Hindi 'ko matanggap ang lahat.
Sinuntok na lang bigla ni Dark 'yung pader, lahat kami ay naalarma dahil dumudugo na ang kamao niya. Kaniya-kaniya kami ng awat pero ayaw niya papigil.
"Tangina, Dark! Ano ba? Tumigil ka na nga!" Sigaw ni Dash.
Ngayon lang siya sumigaw.
Tumalikod sa'min si Dark at lumabas, tumingin sa'ming lahat si Saichi.
"Susundan 'ko lang siya,"
Tumakbo na siya palabas sumunod naman ay si Dash.
Kaming lahat? Nganga, hindi makapaniwala sa mga nangyari.
Lumapit ako kay Edward at Blaster.
"Condolence,"
Ngumiti lang sila.
Sunod naman ay lumapit ako kay Saji, tinapik ko ang balikat niya. Ilang oras palang kaming nagkakasama pero parang alam 'ko na ang lahat.
Si Saji kahit na hindi aminin ay may gusto siya kay Sean, si Sean naman ay halata mo na mahal na talaga niya si Saji and si Jorji? May gusto 'kay Sean pero hindi naman alam nung lalaking yun dahil 'kay Saji lang nakatuon lahat ng pansin niya.
Si Kylie, halata mo na may gusto kay Yuan. Ito namang si Yuan, pakipot pero kapag hindi niya kasama o katabi si Kylie. Palagi namang nakatitig.
'Yan palang ang mga nakukumpirma ko, sa iba, wala pa.

BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...