006

187 20 0
                                    

Saichi Salvatore

Nagsimula na kaming maglakad, yakap-yakap ko pa rin si Sage dahil natatakot siya doon sa mga may hawak ng baril.

Tumabi sa'kin 'yung kakambal nung masungit na lalaki, "Hi, ako nga pala si Dash. Ikaw, shawty? Anong pangalan mo?" Lumingon ako sa kanuya. Nakangiti siya habang nakatingin sa'kin.

"Saichi, Sage naman ang pangalan nitong nasa tabi 'ko," Pagpapakilala ko sa'ming dalawa ni Sage. Tumango si Dash.

Sumingit sa'min si Kylie, "Ako naman si Kylie, kung nahihirapan kang bigkasin ang Kylie. Pwede mo akong tawaging love," Nakangiting saad niya. Napailing na lang ako.

"Monica at Hades naman 'yung pangalan nung dalawa sa likuran namin," Si Kylie ang nag-pakilala sa dalawa pa naming kaibigan.

"Ikinagagalak 'kong makilala kayong lahat,"

Grabe naman ngiti nito. Parang walang problema sa buhay, ah?

"Si Jorji 'yung babae, si Sean, Cyan at Jinx naman 'yung tatlong katabi nung kaibigan niyo. Dark naman ang pangalan nung kakambal 'ko," Napatango kaming dalawa ni Kylie.

Matagal tagal din ang nilakad namin, "Bakit hindi na lang tayo gumamit ng sasakyan papunta roon sa sinasabi niyong headquarters?" Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala na totoo at meron ngayong mga zombies.

Napapanood ko lang naman 'yon sa mga movies.

"Hindi pwede, shawty eh. Kapag gumamit tayo ng sasakyan panigurado susundan tayo ng mga zombies," Napabuntong-hininga na lang kaming dalawa.

Lumipas ang anim na segundo ay natanaw ko na ang napakalaking bakod na bakal, sa loob ng bakod na 'yon ay makikita mo ang malaking building. Mukhang luma na.

Lumapit kami sa bakod, habang tinatanggal ni Jinx ang kadenang nakatali dito ay inilibot ko ang paningin 'ko sa lugar.

May nasa likuran namin, sila Jorji at Cyan. Sila ang nagbabantay sa likuran baka kasi may biglang sumulpot na zombies. Nasa gilid naman ay si Sean at Dark, katabi 'ko si Dash.

Nang mabuksan na ni Jinx ay pumasok na agad kami. Sinara ulit 'yon ni Jinx saka kami sumunod kay Dark papasok ng building.

Masiyadong magulo sa loob mukha talagang may nangyaring masama.

Umakyat kami sa pang-apat na palapag, "Base daw sa observation ni Shawn, ang mga zombies ay matatalino. Maraming klase daw ang mga zombies," Paliwanag ni Dash habang naglalakad kami sa hallway ng building.

Pumasok si Dark sa isang room, sumunod kami sa kaniya. Nakita namin ang dalawang lalaki na nakatingin sa'min. 'Yung isa ay may suot na salamin, mukhang friendly. Habang 'yung isa ay halatang masungit, sa mukha palang alam mo na.

"Type 'ko 'yung katabi nung nakasalamin," Bulong sa'min ni Kylie, "Anong pangalan no'n?" Tanong niya kay Dash habang nakatuon ang tingin doon sa lalaki.

"Siya si Yuan, 'wag ka diyan. Babarahin ka lang niyan," Tumawa si Dash pagkatapos niyang sabihin 'yon pero ang gaga ay tuloy pa rin.

Tumabi siya doon sa Yuan, mukhang nagulat si Yuan sa biglaang tabi niya.

"Okay, attention everyone. Meron tayong bagong kasamahan kaya sana pakitaan niyo sila ng magandang asal," Sumang-ayon kay Dark ang lahat.

"Aalis din kami dito bukas ng umaga," Singit ni Saji. Halatang nagulat ang lahat maliban lang kay Dark na walang pinagbago ang pagmumukha.

"Hindi na kayo makakaalis, nagpapapasok sila pero hindi na sila nagpapalabas. Napuntahan na namin lahat ng pwedeng daanan dito palabas pero nagkalat 'yung mga sundalo."

Nganga lang ako sa sinabi ni Dark, seryoso?

Hindi na kami makakalabas dito?

Paano na 'yung pamilya 'ko na naiwan sa labas? So, rito na kami habangbuhay? Ang sarap magdabog buong taon.

"Kahit sabihing may mga zombies dito sa loob, hindi pa rin nila tayo papalabasin?" Tanong ko.

Hindi pwedeng hindi kami makalabas dito.

Kahit magmakaawa ako para lang makalabas, gagawin ko basta hindi kami makulong dito kasama ang mga zombies.

Umiling si Dark at Dash, so hindi talaga?

Tangina, naging sundalo pa sila kung gano'n din ang gagawin nila. Kapag talaga ako namatay dito dahil sa zombies, sila ang ang una kong mumultuhin, hindi 'ko sila titigilan hangga't hindi sila nakokonsensya sa ginawa nila sa'ming lahat.

Kaya pala ang creepy nung ngiti nung guard, kapag talaga ako nakalabas dito sasakalin ko siya. 'Wag ako, bitch.

Naupo kaming lahat, "Kahit nga mamatay na tayong lahat ay hindi pa rin nila tayo papalabasin," Bakas sa boses ni Dash na gusto na talaga niyang lumabas.

"Gano'n ka-gago ang mga sundalo?" Inis na tanong ni Saji. Heneral ang tatay niya kaya siguro ganiyan na lang ang inis niya. Pero sigurado akong kapag nalaman ni Tito na kasama si Saji na nakulong dito ay gagawa 'yon ng paraan para mailabas ang anak niya.

Hindi pa kami nagtatagal dito ay nakikita ko na agad na mahihirapan kami sa sitwasyon namin.

"Kung hindi tayo makalabas thru land, baka pwedeng thru water?" Nabuhayan kaming lahat sa sinabi ni Monica pero nabawi 'yon nung makita namin ang mga mukha nila Dash.

"Na-try na namin 'yan, eh. May mga nag-babantay doon na mga coastguard at navy," Gusto kong magdabog. Ano bang plano nila sa'min? Ipapaubos nila kami sa mga zombies? Ano 'yon? Alaga nila 'yung mga zombies dito sa loob?

"Tangina, sadya ba 'to?" Saad ni Kylie. Nasa tabi pa rin siya ni Yuan.

"Base sa mga nakita 'ko, sinadya ng gobyerno 'to. Kung hindi nila sinadya, maghihirap ba tayo rito? And, hindi nila tayo pababayaan. Papasok sila rito at tutulungan tayong makalabas pero anong nangyari? Sila pa mismo ang nagkulong sa'tin dito," Mahinahong saad ni Shawn.

"Ano na ang gagawin natin kung gano'n?" Tanong ko. Napalingon silang lahat sa'kin.

Hindi sila sumagot dahil nakarinig kami ng tunog, tunog bakal na parang kinakalabog.

Agad na sumilip si Cyan sa bintana.

"Madilim na kaya nagsisilabasan na sila, tayo na," Akag ni Dark. Anong gagawin?

Kaniya-kaniya sila ng dampot ng mga armas.

Hindi ko alam kung anong kukunin 'ko, natatakot akong humawak ng baril baka kasi hindi zombies mapatay 'ko, baka tao.

May tumapik sa balikat ko, inabot sa'kin ni Dash ang rifle, "Tara na, hindi naman tayo lalabas sa bakod. Pipigilan lang natin silang makapasok dito sa loob," Paliwanag niya.

Natatakot ako pero kailangan kong lakasan ang loob 'ko. Lumabas kami, bumungad sa'min ang mga nagwawalang zombies sa labas ng bakod. May mga umaakyat pero hindi din sila nakakapasok dahil naguumpisa na 'yung grupo ni Dark mamaril. Wala namang tunog ang mga hawak namin dahil silencer.

Pumwesto na silang lahat, mga nakabilog dahil meron din sa gilid. May mga nasa likod din dahil may mga nangangakyat din daw doon.

"Kaya mo 'yan, shawty. 'Wag kang matakot, nandito lang ako," Pag-papagaan ng loob sa'kin ni Dash.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinutok sa isa sa mga infected. Ramdam 'ko na ang hininga niya sa tenga 'ko.

"May iba't-ibang zombies. May tinatawag na Intelligence Zombies dahil matatalino ang mga ito. Nag-iisip muna sila bago umatake sa target," Bulong niya sa'kin habang bumabaril gamit ang hawak kong rifle.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon