019

71 11 0
                                        

Dark Ramirez

Nagpaalam muna ako sa kanila, tumayo ako at lumakad papalapit kay Shawn. Tutok na tutok kasi siya sa phone niya.

"What are you doing?" Tanong ko.

Inangat niya ang tingin sa'kin saka niya inayos ang suot niyang specs.

"Sinusulat 'ko sa notes 'ko 'yung mga nakikita 'ko sa mga infected,"

Naupo ako sa tabi niya.

"Ano ba ang mga nakikita mo? Nakikita mo ba ang mga weakness nila?" Tanong ko ulit.

Humarap siya sa phone niya at nagtipa.

Sigurado akong may napapansin na si Shawn, habang patagal nang patagal malalaman din namin ang weakness nila.

Pagkatapos niyang magtipa ay binigay niya sa'kin ang phone niya. Binasa 'ko agad lahat ng nakasulat sa notes niya. Mahaba-haba rin.

Pagkatapos no'n ay tumayo ako at pumunta sa harapan.

"Attention, everyone," Tawag ko sa kanila.

Agad naman silang naglingunan sa pwesto ko.

"Shawn notice something on infected. Based here,"

Tumingin ako sa phone ni Shawn saka ko binasa. Pagkatapos ay tumingin ulit ako sa kanilang lahat, hinihintay ang sasabihin 'ko.

"The zombies are afraid of water, that's their weakness but we're not sure kung pangmatagalan 'yon,"

Lahat sila ay nabuhayan sa sinabi ko. Nagtaas ng kamay si Elyse kaya naman sinenyasan 'ko siyang magsalita.

"Paano nalaman na takot sila sa tubig?"

Lumingon agad ako kay Shawn. Sinasabing siya na ang magpaliwanag.

Nakuha naman agad niya at tumayo para pumunta sa tabi ko.

"The question is how did I know they we're afraid of the water?"

"The answer is. . . nakita 'ko. Nakita ng dalawang mata 'ko. Takot sila sa tubig pero hindi dapat tayo makampante dahil katulad ng sabi ni Dark, hindi tayo sure kung pangmatagalan 'yung kahinaan nilang 'yon,"

Tinapos lang namin 'yung discussion saka kami bumalik sa kaniya-kaniyang pwesto. Bago ako makaupo ay may kumapit sa braso 'ko, halos mapatalon ako sa gulat.

Sinamaan ko ng tingin si Celestine, nakangiti lang siya sa'kin. What's wrong with her?

"Oh, don't look at me like that. You're so pogi kasi,"

Naupo ako malapit sa pwesto nila Saichi at Dash. Naupo naman sa tabi ko si Celestine, nakakapit pa rin sa braso 'ko.

Tiningnan ko 'yung kamay niya na nakakapit sa'kin, inalis din naman agad niya.

"What do you want?"

"You. . . pwede?"

Inilingan ko siya.

"Why? I thought you're single, so pwede tayo,"

"Yes, I'm single but I'm into someone so step back, Celestine," Mahinahon kong saad.

Napailing na lang siya saka ngumiti na naman.

Creepy.

"Can I ask you something?"

Hindi na ako sumagot pero sumenyas ako sa kaniyang magpatuloy siya.

"Sino si someone? Kasama ba natin?"

Luminga-linga pa siya. As if naman na makikita niya.

"None of your business,"

Hindi naman sa ayoko siyang kausap. Gusto ko lang talaga mapag-isa ngayon.

"Wait, don't tell me ako 'yon?"

Humawak pa siya sa bibig niya.

No, hindi ikaw. Si Sai. . . no.

"Weyt, downt tel mi akow yown?" Panggagaya ni Saichi sa sinabi ni Celestine. Lumingon ako sa kaniya. Inirapan niya lang ako. Cute.

"That girl, so annoying. Gosh!"

Tumingin ako kay Celestine. Straight to her eyes.

"She's not annoying, just go to your friend and don't asking me about my personal life," Inis na saad ko. Hindi ako nakapagpigil.

Wala naman ginagawang masama sa kaniya si Saichi, she's just jealous of her because Saichi is always near me.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa phone ko. Pagbukas 'ko ay lumabas ang message from, 'ignore this mother fucker,'

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon