Celestine De Guzman
Umaga na naman, so boring na talaga here.
Gusto ko na umuwi.
Umalis na ulit kami, naghiwa-hiwalay ulit. Ang sabi ni Dark hahanap kami ng pwedeng labasan.
"Kapag namatay ang isa sa atin. Iiyak ka?"
Tinarayan ko si Elyse. Kung anu-ano sinasabi, sakalin 'ko kaya siya? Walang mamamatay, 'no.
"Gusto mo bang sa'yo 'ko gamitin ang bala nitong hawak 'ko?" Pagbabanta ko.
Agad naman siyang lumayo sa'kin habang nakangiti.
May sumandal sa balikat ko.
"Pagod na ako, uwi na tayo," Ungot niya.
"Putangina mo talaga, Marie! Walang mapapagod!" Sigaw ni Jasmine.
Bumuntong-hininga na lang kaming lahat.
Matagal-tagal din kaming palakad-lakad.
Habang naglalakad kami ay may nakita kaming grupo ng mga zombies. Shocks! Gago, nakita kami!
Mabilis kaming nagtakbuhan. Hinawakan ko ang kamay ni Marie.
"AH!" Sigaw ni Elyse.
Nadapa siya. Mabilis na lumapit sa kaniya si Jasmine para tulungan.
"THE FUCK! BILISAN NIYO!"
Halos matanggal na ang litid ko sa lalamunan kakasigaw.
Mamamatay kami kapag hindi namin binilisan.
"TUMAKBO KA NA, MARIE! MAUNA KA NA RO'N KILA DARK!" Sigaw ko habang tinutulak siya.
Tumango siya at tumakbo, lumingon pa siya sa gawi namin. Sinenyasan ko siyang magpatuloy.
Lumapit ako sa pwesto nila Jasmine at Elyse, nilagay ko ang braso niya sa balikat 'ko. Bago 'ko siya itayo ay lumingon ako sa likuran namin. Pinana 'ko lahat na makakalapit na sa'min. Tangina, ngayon pa mauubos ang bala 'ko.
Mabilis naming tinayo ni Jasmine si Elyse.
Tumakbo kami hanggang sa makakaya namin.
"AH! ANG SAKIT!" Sigaw ni Elyse.
"Kaunting tiis lang," Saad ni Jasmine.
Tumitigil kami saglit para patayin ang mga sumusunod sa'min.
Hindi ko muna ginamit ang armas na hawak 'ko, paubos na kasi ang bala. Kailangan 'ko 'tong tipirin, may bala pa naman daw 'yung extrang rifle na dala ni Jasmine.
Nakarinig kami ng malakas na putok ng baril.
Rifle ang gamit ni Jasmine kaya walang tunog 'yon dahil may silencer.
'Yung shot gun ko naman ay hindi 'ko pa nagagamit. Hanggang sa sunod-sunod na putok na ang narinig namin.
Patuloy kami sa pagtakbo, baka sakaling makita namin kung sino man 'yon. Baka makahingi na rin kami ng tulong.
May nakita kami, grupo ng kalalakihan. Sa kanila galing ang tunog ng baril. Matutuwa na sana kami dahil may tutulong sa'min pero napalitan 'yon ng pagaalala ng makita namin si Marie, hawak-hawak nila sa buhok si Marie. . . ang kaibigan namin.
Umiiyak siya habang nakatingin sa'ming tatlo.
Tumigil kami dahil ubos na ang mga zombies na humahabol sa'min.
Dahil ubos na, lumapit na sila sa'min.
"Marie. . ." Tawag ko.
"Bitiwan niyo siya," Awtoridad na saad ni Jasmine.
"Kuya?" Tawag naman ni Elyse. Lumingon ako ro'n, nakita ko nga ang Kuya niya. Nasa likuran siya nung lalaking may hawak 'kay Marie.
Mukhang nagulat din siya.
"Elyse? Kumusta ka?"
Napa-ismid na lang ako. Dito pa nila nakuhang magkamustahan.
"Magkapatid kayo?" Maangas na tanong nung I don't know.
Mukhang siya ang lider sa grupo dahil siya ang nasa gitna, maayos pa ang hitsura niya.
"Siya ang Kuya 'ko," Sagot ni Elyse.
Nakita ko ang pagngisi nung lalaki.
May binigay siyang baril do'n sa Kuya ni Elyse.
"Patayin mo na,"
Halos malaglag ang panga ko sa narinig.
Patayin? Who? What? Why? He's crazy!
"Hindi mo papatayin? Papatayin mo o ikaw ang papatayin namin kasama yang kapatid mo at yang tatlong babae?"
Gusto na siyang sugurin ni Jasmine pero pinipigilan siya ni Elyse, nakatutok kasi sa'min ang mga baril nila.
Hindi sumagot ang Kuya ni Elyse. Kinasa niya ang baril saka dahan-dahang inangat.
Napaatras kaming tatlo. Naramdaman kong kumapit sa braso 'ko si Elyse, nanginginig siya.
"Kuya. . ." Bulong ni Elyse. . . nagmamakaawa.
Isang minuro rin kaming naghihintay na iputok niya ang hawak niyang baril.
"Gago, boss. Hindi pa ata kaya ni David. Akala ba namin matapang at magaling ka?" Pangaangas nung may hawak kay Marie.
"Hindi mo kaya?" Nanunuyang tanong nung tinawag nilang boss.
Sumenyas siya, mabilis na tinulak nung lalaki sa pwesto namin si Marie.
Inalalayan ko agad siyang tumayo, patayo palang sana si Marie nang makarinig kami ng putok.
"KUYA!" Umiiyak na saad ni Elyse.
Tumgingin ako ro'n, binaril nung boss nila ang Kuya ni Elyse.
"WALA KANG AWA! GAGO KA!"
Papanain sana ni Elyse 'yung boss kuno ay naunahan na siya.
Binaril niya si Elyse! Lalapit palang sana kaming tatlo sa kaibigan namin nang may sumunod na naman.
Si Marie naman ang binaril niya. Sinalo ko siya.
"Marie. . ." Tawag ko.
Umiiyak siya habang hawak-hawak ang kanang dibdib niya.
"Celestine?" Tawag niya sa'kin.
"DAPAT SA'YO PINAPATAY! WALA KANG KWENTA!" Sigaw ni Jasmine.
Babarilin niya sana 'yung boss pero naunahan na naman siya.
Binaril siya sa kamay kaya tumalsik ang hawak ni Jasmine na baril.
BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Ciencia FicciónWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...