Nandito lang kaming lahat sa hallway ng building. Hindi daw muna kasi kami lalabas sabi ni Dark. Kaya tambay muna kami.
'Yung apat na sila Dark, Dash, Shawn at Yuan ay nag-uusap ata sa mga magiging hakbang namin sa susunod na mga araw.
"Sean, gaano na kayo katagal dito?" Pagbubukas ng usapan ni Kylie. Lumingon naman sa kaniya si Sean na pilit kinukulit si Saji.
"Matagal na, mag-iisang linggo na kami dito bukas," Sagot niya. Lahat kami ay napanganga.
Natawa siya sa reaksyon namin.
Ang tatag talaga nilang magkakaibigan.
Mag-iisang linggo na sila rito pero wala pang nalalagas sa pagkakaibigan nila. . . na sana 'wag namang mangyari.
"Magkwento ka nga, about your experience here. So boring kasi," Maarteng saad na naman ni Celestine.
Ewan ko ba, kapag naririnig 'ko lang boses niya naiinis na kaagad ako. Abnormal na ba ako nito?
Pumayag naman si Sean sa sinabi ni Celestine.
"Simula umpisa, ha?" Paalala ni Kylie.
Tumango lang si Sean.
"Kaming magkakaibigan ang magkakasamang pumunta rito kasama rin namin ang parents nung kambal. Nung una, masaya. Umabot kami ng isang araw na walang ginagawa kundi mag-kwentuhan at magtawanan," Mababakas mo sa boses niya ang saya habang inaalala ang mga nangyari sa kanila dito. Pero nagbago agad 'yon.
"Lumabas kami para kumain ng breakfast pero may nakita kaming patay at doon na rin namin nalaman na may zombies kaya ayo'n, bumalik kami sa suite namin para magtago. 'Yon lang ang nagawa namin kasi wala pa kaming alam sa mga gano'n. Isang araw kaming nagtago, hindi kami lumalabas. Pero hindi din kami nagtagal kasi paubos na ang mga pagkain namin kaya doon namin naisipang magkakaibigan na lumabas para kumuha ng makakakin,"
"Mga kahoy palang ang mga bitbit namin panlaban, lumabas kami at humanap. Salamat dahil mga mahihinang zombies palang ang mga nakasalamuha namin kaya hindi kami nahirapan. Sayang-saya kami no'n dahil may mga pagkain na ulit kami kaso bigla din kaming nanlumo dahil pagdating namin sa suite, eh wala na roon ang parents ng kambal,"
"Hinanap namin sila sa kung saan-saan pero hindi talaga namin makita hanggang sa may nakita kaming tunnel doon sa likod ng resort. Pumunta kami roon at nakita namin ang butas palabas,"
"Bakit doon pa kayo sa tunnel dumaan kung pwede namang sa unahan kung saan kayo pumasok?" Tanong ni Astrea.
"Hindi pwede dahil may mga bantay na, kaya roon kami lumabas sa tunnel. Lumabas lang kami para kumuha ng mga armas sa Daddy 'ko, pagkatapos no'n ay pumasok ulit kami,"
"Bakit pa kayo pumasok kung nakalabas na kayo? Gusto niyo ba talagang magpakamatay?" Tanong naman ni Elyse.
"Bumalik ulit kami kasi hahanapin pa namin ang parents nung kambal, pinangako namin na sasamahan namin silang dalawa na maghanap," Paliwanag naman niya.
"Kung nakakalabas at pasok kayo sa tunnel ibig sabihin no'n, pwede tayo roon dumaan?" Masiglang saad ni Sage. Lahat kami ay nabuhayan doon pero nagbago ulit dahil sa hitsura nilang magkakaibigan. Hindi na talaga kami makakalabas?
"Nalaman ng gobyerno na may daan doon kaya pinaharangan na nila sa mga sundalo kaya hindi na kami pwedeng lumabas," Sagot ni Jinx.
"Ikaw, Jorji? Kasama ka nila?" Walang tonong tanong ni Saji. Lumingon naman sa kaniya si Jorji na nakahalukipkip.
"Hindi, doon 'ko lang sila sa tunnel nakilala. Palabas lang din sana ako noon nung malaman 'kong may daan palabas do'n kaso may harang na," Paliwanag niya.
Napa, "ahh", kaming lahat.
"'Yung bakod na nakaharang dito, sinong gumawa no'n?" Tanong ko. Hindi pwedeng nakatayo na talaga rito ang bakod na nakaharang kasi resort 'to, eh.
"Kaming walo amg gumawa niyan, sa kabilang building. . . kaharap nito. Doon kami namamalagi habang ginagawa namin ang bakod," Si Cyan naman ang nagpaliwanag.
"Hindi niyo pa ba nakikita ang parents nung kambal?" Tanong naman ni Edward.
Umiling si Sean, "Kung nakita na namin, edi sana kasama na natin 'diba?" Sarcastic na tugon ni Sean. Tumawa rin naman siya pagkatapos kaya tumawa na rin kaming lahat.
Hindi na rin namin natuloy ang kwentuhan dahil tinawag na kami ni Dash. May paguusapan daw.
"Anong pinaguusapan niyo kanina, shawty?" Tanong sa'kin ni Dash. Katabi ko kasi siya sa upuan. Ayaw niya raw humiwalay sa'kin.
Parang bata.
"Tungkol lang sa mga naranasan niyo rito," Sagot ko. Doon nakatingin kay Dark na napakaseryoso, parang laging kaaway ang kaharap.
"Napag-usapan naming apat na simula bukas ay mag hahanap na tayo ng mga survivors. Kapag marami ang nahanap nating survivors mas mapapaunti ang magiging infected,"
Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Dark.
"Bukas 'ko na kayo ia-asign kung sino ang magkakagrupo kaya sa ngayon, magpahinga na muna kayo," Tumango kami. Tumayo na rin kami para bumalik sa mga pwesto namin kanina.
Pinanood ko lang silang lahat na makipag-kwentuhan. Lahat sila ay nagtatawanan dahil kaya nagsama sila Kylie at Sean, tapos dumagdag pa si Jinx at Cyan.
Naisip ko nanaman sila Papa, kamusta na kaya sila? Kinuha 'ko ang phone 'ko sa suot 'kong pantalon.
Wala pa rin kasing signal kaya wala pang messages amg pumapasok sa'kin pero sigurado akong marami na ang message at tawag sa'kin nila Papa.
Sana naman hindi nila pabayaan ang sarili nila kasi dito, hindi ko pinababayaan ang sarili 'ko.
Lumalaban ako para sa kanila, para sa pamilya namin. Gusto ko nang mabuo kaming lahat.
"Ang lalim ata ng iniisip ng crush 'ko,"
Napalingon ako kay Dash na nasa tabi ko na.
"'Wag mo nga akong asarin," Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi naman kita inaasar, naninibago ka lang kasi ngayon ka lang magkaroon ng may crush sayong pogi," Kapal naman nito, marami na kayang nagka-crush sa'king pogi tapps may mga nanligaw na rin sa'king pogi. Pero hindi ko sila sinagot dahil nga trabaho palang iniisip 'ko nung mga panahon na 'yon.
"Mahiya ka nga," Tinalikuran ko siya pero talagang makulit. Pumunta pa sa harapan 'ko habang nakangiti.
"Bakit naman ako mahihiya? Totoo namang pogi ako," Saad niya kasabay ng pagtawa.
Hinarang ko ang kamay 'ko sa mukha niya.
"Kapag ako nainis sa'yo, bigla ka na lang tatalsik," Pananakot ko pero tuloy pa rin siya sa pangaasar.
"Hindi mo ba matanggap na may poging may crush sa'yo, ha shawty?" Hindi ko na lang siya pinansin at sinagot. Kapag sinagot mo pa 'to, lalo ka lang aasarin. Gusto 'ko ngang mapag-isa.
Pero wala talaga sakaniya 'yung hindi pagpansin ko at pagsagot. Kinulbit ako nang kinulbit nung kumag.
"Ayaw mo talaga akong pansinin, ha? Hindi na tayo bati," Para talaga 'tong bata. Napangiti na lang ako sa inasta niya.

BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...