013

86 12 0
                                    

Saichi Salvatore

Nakita ko si Dark na nakaupo sa labas.

Lumapit ako at naupo rin sa tabi niya.

Nakatungo lang siya at parang may kinukuting-ting sa kamay niya.

Tumingala lang ako sa kalangitan, kahit ako nasasaktan din ako sa nangyari kay Sean.

Mabait siya at kung hindi dahil sa kaniya, patay na kaming magkakaibigan.

Siya ang nakakita kay Saji at siya rin ang may gawa kung bakit kami nabubuhay at patuloy na lumalaban.

"Malamig na rito sa labas, pumasok ka na ro'n,"

Lumingon ako sa kaniya. Nakatingala na rin siya sa kalangitan. Makikita mo sa mukha niya ang lungkot.

Ang weird lang kasi, nasasaktan ako ngayon sa hitsura niya. Ano ba nangyayari sa'kin, ha?

"Ayoko pa, sasamahan kita," Saka ako ngumiti.

Ang tagal din siguro naming tumayo ako sa harapan niya at binuka ko ang mga braso ko. I just want to comfort him.

"What?" Naguguluhang tanong niya.

Nagkibit-balikat ako.

"When I'm sad, my Mom always hugs me. Gumagaan ang pakiramdam 'ko kapag may yumakap sa'kin or kayakap 'ko si Mama,'

Tumango siya.

Hindi ko na siya pinagsalita dahil niyakap 'ko na agad siya.

"Pwede kang maglabas ng sama ng loob sa'kin. Makikinig ako," Saad ko habang hinihimas ang kaniyang malambot na buhok.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala, bakit si Sean? Bakit nawala siya? Bakit gano'n?"

Yumakap na siya sa'kin. Nakabaon ang mukha niya sa tiyan ko. Umiiyak na siya.

'Yung malakas na Dark na nakilala ko?

Umiiyak na ngayon sa harapan ko habang yakap-yakap ako.

"Sige lang, labas mo lang. Nandito ako, makikinig,"

Nahahawa na ako. Parang maya-maya, tutulo na rin luha ko.

"Tinuring 'ko na siyang kapatid, eh. Nangako pa ako noon sa kaniya na lalabas kaming lahat, ilalabas 'ko sila kahit na isakripisyo 'ko sarili 'ko basta mailabas lang sila. Okay lang. Pero, bakit siya? Bakit siya ang nagsakripisyo para sa'ming lahat?"

"'Wag mo o niyo na sayangin ang pagsasakripisyo ni Sean, lumaban kayo para makalabas,"

"Ano bang sinasabi mo? Lahat tayo lalabas, hindi lang kami," Saad niya kasabay ng pagkurot sa braso ko.

"Aray! Sakit mo naman," Bulong ko. Tumawa kami pareho.

"Salamat dahil napagaan mo ang pakiramdam 'ko,"

Naupo na ako sa tabi niya. Tumango lang ako.

Masaya ako na ako mismo ang gumawa nang paraan para mapaayos ko ang pakiramdam niya at masaya rin ako dahil okay na siya kahit kaunti.

"Wala 'yon, 'wag ka na iiyak ha? Nakakahawa ka,"

Tumawa ako. Napailing siya habang nakangiti.

"Nag-iisa kasi ako rito tapos lumapit ka pa,"

Ako pa? Wow, sige ako na nga.

Natahimik kami, nakakabingi ang katahimikan.

"Anong nangyayari rito?"

Lumingon ako ro'n. Si Dash lang pala.

Umiling kaming pareho ni Dark saka sabay na tumawa.

"Nag-iinarte kakambal mo tapos ako pa sisisihin," Pagbibiro ko.

"Grabe ka naman, twinem. Dapat sa'yo pinapabagsak na, eh,"

Tumawa kaming tatlo.

Kinuha ko ang phone 'ko sa bulsa 'ko, wala pa rin palang signal.

"Picture nga tayo," Akag ko. Pareho silang napalingon sa'kin. Para naman may sinabi akong masama.

Tinapat ko ang camera 'ko kay Dash na nasa kaliwa 'ko. Ngumiti naman agad siya. Cute.

"Isa pa, mag-pose ka,"

Tumawa ako dahil nagsexy pose siya.

Sunod ko naman hinarap ang camera kay Dark. Nakatalikod siya sa'kin, grabe takot na takot ah?

"Harap ka naman, Dark. Maganda nga katawan mo pero gusto 'ko nakaharap ka," Pangaasar ko.

Hindi siya humarap kaya kinailangan ko pang tumayo at kuhaan siya ng mga shots. Tumagal kami sa paghahabulan nang mapagod ako ay tumigil na ako.

Tawa pa rin nang tawa si Dash, tuwang tuwa ah?

Tiningnan ko 'yung mga pictures, ang cute talaga ni Dash. Sunod 'ko namang tiningnan ay 'yung 'kay Dark. Ang hot naman.

May mga blur dahil ayaw niya talaga pa-picture, nagandahan lang ako ro'n sa isa ay 'yung nakatayo siya at nakaharang ang kamay niya. Hindi naman sakop ang buong mukha niya, bahagya rin siyang nakangiti.

"Tama na muna ang kasiyahan niyo, kakain na tayo," Tawag sa'min ni Yuan.

Tumayo si Dash, patayo na sana ako pero nagulat ako dahil dalawa silang nakalahad ang kamay sa harapan ko. What's the meaning of this?

Tinitigan ko lang ang kamay nila, sino pipiliin 'ko? Ano ba 'to?

Mas lalo akong nagulat dahil naging tatlo na ang kamay sa harapan ko kaya tiningala 'ko kung kanino 'yung isa, 'kay Yuan. Tumatawa siya.

"Sa'kin ka na lang humawak, 'wag ka munang pumili sa dalawa baka magbugbugan pa 'yan dito," Pagbibiro niya.

Inabot ko ang kamay niya saka tumayo, 'yung dalawa ay napakakamot na lang sa batok nila.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon