014

92 12 0
                                        

Dash Ramirez

Tumayo na ako at lumapit sa kanila.

"Anong nangyayari rito?" Tanong ko.

Nagkatinginan silang dalawa saka sabay na tumawa.

"Nagiinarte ang kakambal mo tapos ako pa sisisihin," Pagbibiro ni Saichi.

Ngumiti ako.

"Grabe ka naman, twinem. Dapat sa'yo pinapabagsak na, eh,"

Tumawa kaming tatlo.

Mula rito ay kitang-kita ko ang kislap sa mga mata ni Dark, hindi dahil nakatingin siya sa ilaw ng poste kundi dahil inlove siya?

Lumingon ako kay Saichi, kinuha niya ang phone sa bulsa niya, nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya nung tingnan niya 'yon.

Hanggang ngayon pa rin ata walang pa ring signal.

"Picture nga tayo," Akag ni Saichi.

Lumingon ako sa kaniya, pareho kami ni Dark.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako.

Tinapat sa'kin ni Saichi ang back camera ng phone niya, ngumiti ako kahit na ang bilis ng tibok ng puso ko. Ginawa 'ko lahat ng makakaya 'ko para kalimutan ang nararamdaman 'ko.

"Isa pa, magpose ka," Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagsexy pose ako. Ito 'yung mga pose na nakikita ko sa mga magazine models.

Tumawa si Saichi.

Sunod naman niyang hinarap ang camera ay kay Dark, nakatalikod siya sa'ming dalawa.

Sigurado akong iniisip na naman niya 'yung nangyaring trahedya rati.

"Harap ka naman, Dark. Maganda nga katawan mo pero gusto 'ko nakaharap ka," Pangaasar ni Saichi.

Napakunot na lang ang noo ko.

Binaon na namin sa limot ang lahat, lalo na ako. Sana gano'n din si Dark pero imposible dahil hanggang ngayon ay takot pa rin siya sa camera.

Hindi siya humarap kaya kinailangan pang tumayo ni Saichi para lang makuhaan siya ng mga shots.

Nung una ay hindi ako natutuwa dahil takot pa rin si Dark. Naaawa na ako sa kaniya.

Hanggang sa naghabulan na nga silang dalawa kaya ako, tawa nang tawa. Kahit papaano nakalimutan ko 'yung sakit na nararamdaman 'ko kanina nung magkayakap sila at 'yung trahedyang nangyari dati.

Kita kong hingal na hingal silang dalawa kaya naupo na sila.

Ako naman ay hingal na hingal na kakatawa.

Tiningnan ni Saichi 'yung mga pictures, bahagya kaming sumilip ng kakambal ko.

Nakita ko ang napakapogi kong mukha, walang pinagbago. Pogi pa rin.

Hanggang sa nakita ko 'yung 'kay Dark, kambal nga kami. Parehong pogi.

Busy kami sa kakatingin ng mga picture nang biglang may magsalita sa likuran namin, lumingon kaming tatlo ro'n. Nakita ko si Yuan na papalapit sa pwesto namin.

"Tama na muna ang kasiyahan niyo, kakain na tayo," Akag niya.

Tumayo kaming dalawa ni Dark, nagulat ako dahil pareho at sabay pa kaming nagabot ng kamay kay Saichi.

Nakita kong naguluhan si Saichi sa inasal naming dalawa ng kakambal 'ko, kahit ako.

Parehong tiningnan ni Saichi ang kamay namin. Kinakabahan ako.

Hindi na ako nagulat nung maglahad din ng kamay si Yuan. Sigurado akong may alam na siya.

"Sa'kin ka na lang humawak, 'wag ka munang pumili sa dalawa baka mag bugbugan pa 'yan dito," Pagbibiro niya.

Napangisi na lang ako kasabay ng pagkamot nung tanggapin ni Saichi 'yung kamay ni Yuan.

Pareho kaming nahuhuli sa paglalakad ni Dark.

"Hanggang ngayon pa rin ba takot ka pa rin?" Pagbubukas ko ng topic.

Hindi siya lumingon sa'kin, nagpatuloy lang siya sa pag-akyat. Nagkibit-balikat na lang ako at sumabay sa kaniya.

"Kahit sino, matatakot do'n. Gusto 'ko na kalimutan 'yon pero talagang bumabalik-balik pa rin. Ayaw akong lubayan,"

Nag-alala agad ako.

Matagal na nangyari 'yon at tapos na. 25 na kami pero hindi pa rin niya nalilimutan. 21 years na 'yon.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon