009

120 14 0
                                        

Saichi Salvatore

Kung hindi pa awatin ni Dark itong si Dash at 'yung conyo na babae, hindi pa sila titigil.

"Kapag may isa sa ating infected na nakarinig, pareho 'ko kayong ipapakain," Seryosong saad ni Dark. Agree ako sa kaniya, ingay kasi ng dalawang 'to, lalo na 'yung conyo na babae.

"This is all your kasalanan," Paninisi pa niya kay Dash kasabay ng pagturo at pagtaas ng kilay. Kapag ako nainis dito, basta ko na lang 'to ihahagis doon sa pool.

Ang ingat naming lahat sa pagsasalita tapos siya lang magpapahamak sa'min? 'Wag gano'n.

"I said. . . stop," Mahahalata mo na sa boses ni Dark na pikon na pikon na siya sa babaeng kaharap namin.

Nahalata naman 'yon nung kasamahan nung conyong babae kaya inawat na nila.

"Okay, let me introduce myself first. I'm Celestine De Guzman, the one who may-ari ng isa sa mga bookstore," Pagyayabang niya.

Conyo talaga.

"Arte mo naman magsalita," Bulong ni Dash.

Katabi ko siya kaya ako lang ang nakarinig.

"Ako nga pala si Elyse Santos," Pagpapakilala nung naka white dress. Ang cute ng style niya kasi naka simple white dress lang siya tapos naka boots.

"I'm Jasmine Della Fuerte. . ." Saad naman nung isa. Medyo bad bitch dating niya pero mukhang mabait naman.

"Hello, ako si Marie Trinidad," Nakangiting pagpapakilala nung naka red na headband.

Mukha siyang si snow white sa style niya. Cute.

"I think kailangan na nating umalis, baka maabutan pa nila tayo," Mahinahong saad ni Sage. Nakita ko ang pagikot ng eyeballs ni Celestine 'kay Sage. Aba, pati kaibigan 'ko tinatarayan?

Hinila ko na si Sage para umalis, nanguna na kami. Baka pag nagtagal pa kami kasama 'yung babaeng 'yon ay masampal 'ko siya bigla.

"Wait!" Hindi ko pinansin si Dash.

"Nakita mo ba 'yung pagirap sa'yo ni Celestine na pinaglihi sa espasol?" Tanong ko at agaran namang tumango si Sage.

"Hayaan mo na, baka gano'n lang talaga siya. 'Wag na kayong mag-away, nasa kalagitnaan tayo ng mga zombies eh," Ito ang ayaw ko sa ugali ni Sage, eh. 'Yung tipong inaaway na siya, wala pa rin siyang pake.

"Bahala ka sa buhay mo, malaki ka naman na eh,"

Nagulat ako nang may biglang umakbay sa'kin, si Dash lang pala. Abot tenga ang ngiti niya, trip nito?

"Alam mo bang lalo kitang naging crush nung sungitan mo si Clestine?" Tumawa ako. Ang angas talaga ni Dash mag-joke, 'yung kahit walang nakakatawa. Natatawa ka pa rin.

"Anong nakakatawa do'n?" Nakangiting tanong niya. Siniko naman ako ni Sage, nang-aasar.

Sinamaan ko siya ng tingin, makuha ka sa tingin Sage.

"Nakita 'ko 'yung mga pagirap mo sa tuwing magsasalita si Celestine, kalma ka lang shawty,"

Lakas talaga mantrip nito ni Dash.

Pati mga pagirap ko nakikita niya, "Tinitingnan mo siguro ako, 'no?" Pang-aasar ko pero ikinagulat 'ko nang tumango siya.

'Wag ganiyan, Dash, "Oo naman, tinitingnan 'ko lahat ng magiging reaksyon mo," Agad ko siyang siniko kaya napabitaw siya sa pagkakaakbay sa balikat 'ko.

"Sakit no'n shawty, ha," Nagawa pa niyang tumawa? Sana pala mas nilakasan ko ang pagsiko, 'yung tipong pati laman loob niya tatalsik.

Nakarating na kami sa headquarters.

Pinagbuksan kami ni Yuan ng gate at siyempre nakabuntot sa kaniya si Kylie.

"May bago tayong kasamahan, nakita namin sila sa isang store," Bungad agad sa'min ni Saji.

Kasamahan? May nakita rin kaming apat na survivors tapos may nakita rin sila? So, talagang marami ang mga taong nakulong dito? Mga wala talagang puso ang mga gobyerno, dapat sa kanila ay binabaon ng buhay.

"Nasaan?" Tanong ni Dark, "Hindi ba infected?" Dagdag pa niya. Umiling si Saji.

Dumiretso kami sa isang kwarto. Doon ko nakita ang apat na mga kalalakihan. Mga babae ang nakita namin, samantala sila ay mga lalaki.

"May mga kasama rin kami," Anunsyo ni Dash.

Pumasok naman sila Celestine, siyempre nainis na naman ako nung makita ko ang napakaarte niyang mukha.

"Hello, I'm Celestine. . ." Kumaway pa siya.

Nagpakilala na rin ang kasama niyang tatlo na sila Jasmin, Marie at Elyse. After nila ay nagpakilala na 'yung apat na bagong mga lalaki.

"Ako si Edward Martos at sila naman si Kyle Lopez, Daniel Lim at Blaster Buenaventura," Pagpapakilala niya sa mga kasamahan niya.

Aaminin kong malalakas ang dating nilang apat, malalaki ang katawan nila pero wala atang paman ang apat na 'to roon sa kambal.

Mas maangas ang dating nung kambal, dagdag pa natin sa pagpapalakas ng dating nila is 'yung mga piercing nila. Ang hot lang tingnan pero walang malisya 'yon, ha.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon