Epilogue

103 10 0
                                    

Dark Ramirez

Kitang-kita 'ko sa side mirror ang napakaraming sasakyang nakasunod sa amin.

Mas binilisan 'ko lalo ang pagpapatakbo 'ko ng sasakyan, nakita 'ko sa peripheral vision 'ko ang ayos ng upo ni Dash.

Tumawa ako ng malakas dahil halos ilubog na niya ang sarili sa upuan.

Hindi nga pala siya sanay na ako ang driver ng sinasakyan niyang kotse.

"Bagalan mo naman, twinem. Nasa highway na tayo, baka hulihin nila tayo kasi lampas na sa bilis ng sasakyan. Sige ka, ikaw din ang mawawalan ng lisensya," Pananakot pa niya.

Mas mariin 'kong tinapakan ang gas kaya halos sumuot na siya sa ilalim ng upuan.

Tumawa ulit ako.

Tumigil lang ako sa pagtawa nang makita 'ko na ang warehouse na sinasabi ni Tito Simon.

Itinigil 'ko 'yon sa isang tabi.

Pagtigil ay bumaba na ako at sumunod naman si Dash.

Hindi 'ko inalis ang tingin sa may pintuan ng warehouse, bukas 'yon pero hindi mo masiyadong maaaninag ang nasa loob dahil walang kahit na anong ilaw.

Hindi na kami nag-aksaya ng oras ng kapatid 'ko, lumakad na kaming sabay papasok sa loob.

Kinapa 'ko ang dinadaanan namin hanggang sa may makapa akong switch. Pinindot 'ko 'yon dahilan ng pagbukas ng ilaw.

Hindi pa ako nakakalingon ay may kumulbit na sa akin sabay tawag ng pangalan 'ko ni Dash.

Humarap ako sa kaniya pero hindi rin nagtagal 'yon dahil may itinuturo siya kaya nilingon 'ko 'yon.

Nakita 'ko ang isang babaeng nakahiga sa sahig, sa pag-aalala ay tinakbo 'ko agad 'yon.

"Hey, Miss. Wake up,"

Tinapik-tapik 'ko pa ang pisngi niya pero hindi siya nagmulat kaya kinuha 'ko ang palapulsuhan niya para malaman kung may pulso pa ba siya.

Pinakiramdaman 'ko lang 'yon, nang maramdamang may tumitibok ay binalingan 'ko ulit ang mukha niya saka marahang tinapik ang pisngi niya.

Nakailang tapik pa siguro ako nang magmulat siya.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at lumayo sa akin.

"Sino ka?"

Lumingon siya sa paligid kaya lumingon din ako.

Nakita 'ko na ang mga pulis na nakatutok ang mga baril sa babae.

"Sino kayo?" Sigaw ng babae habang nanlalaki ang mga mata.

"Calm down, hindi ka namin sasaktan," Mahinahon kong saad pagkatayo.

Tumitig lang siya sa akin kaya tumango akong hindi namin magagawa 'yon.

"Nandito kami kasi rito raw nakatira si Saint Ramirez," Singit ni Dash.

Tumingin siya 'kay Dash bago sinabunutan ang sarili.

"Umalis siya, pupunta na raw ng Hong Kong. Hindi 'ko na napigilan dahil bigla na lang niya akong tinulak kaya napatama ang ulo 'ko sa dulo ng lamesa,"

Mabilis akong lumingon sa kakapasok na si General Mercedes.

"Hindi pa 'yon nakakatagal, ipasarado niyo ang flight papuntang Hong Kong!" Sigaw ko.

Tinitigan niya muna ako bago niya kinuha ang phone niya.

"Hello, magpadala ka ng mga tao natin sa airport. Ipasarado niyo ang flight papuntang Hong Kong. Maglagay din kayo ng check point pati na rin sa daungan. Track niyo rin ang sasakyan ni Saint Ramirez,"

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon