033

58 11 0
                                    

Dash Ramirez

Sigurado na ako sa desisyon 'ko, lalapitan 'ko sila. Sa ayaw o sa gusto ng mga kaibigan at kakambal 'ko.

Wala na akong pakialam.

Mabilis akong umalis sa harap ng bintana at lumapit sa pintuan pero nang pipihitin 'ko pa lang ang door knob ay may humawak na sa kamay 'ko.

Lumingon ako ro'n at nakita 'ko ang kapatid 'kong namumula na ang mga mata. Malapit na ring bumagsak ang luha niya.

Kinagat 'ko ang pangibabang labi 'ko bago tumulo muli ang luha 'ko sa mga mata.

"Pwede bang kahit ngayon lang? Ako muna ang magdedesisyon para sa sarili 'ko? Ako muna ang masusunod ngayon? Kahit ngayon lang?" Desperadong pakiusap ko.

Parang dinudurog ako sa nakita 'ko.

Umiling siya at doon na sabay-sabay na tumulo ang luha niya.

"Dash, mapapahamak ka," Muntik pa siyang mautal.

"Wala akong pakialam. Gusto 'kong lapitan sila, gusto 'kong sabihin na mahal na mahal 'ko sila. Gusto 'ko silang yakapin, gusto 'ko na ulit maramdaman ang presensya nila. Dark, nangulila ako ng sobra nang mapahiwalay tayo sa kanila. Isip bata man 'to pero. . . 'yon talaga ang naramdaman 'ko. Hindi 'ko kayang mahiwalay sa kanila, Dark,"

Napaupo ako at napasandal sa pintuan. Hindi 'ko na sila makita ng ayos dahil napuno na ng luha ang mga mata 'ko.

Naramdaman 'ko na lang na kinulong ni Dark ng dalawang kamay niya ang mukha 'ko at pinunasan ang luha :ko na kanina pa bumabagsak.

"Gusto 'kong sumama sa kanila, ayoko nang mahiwalay. Dark, please," Pagmamakaawa ko pa.

"Fuck. . ." Dinig kong bulong niya.

"Ikaw na lang ang natitira sa akin, Dash. Huwag ka nang sumama sa kanila. Tayong dalawa na lang ang natitira kaya please, para sa kanila. Lumaban tayo. Para na rin sa mga kaibigan natin, kailangan nila tayo Dash. Lumaban ka, 'wag kang susuko,"

Hindi ako sumagot at umiyak lang nang umiyak.

Huminahon naman na ako kaya umalis na sa harapan 'ko si Dark. Nakaupo siya sa isang tabi habang nakayuko sa mga tuhod niya.

"Okay na ako. Pwede na tayong umalis para hindi tayo abutan ng sobrang dilim,"

Madilim na rin kasi nang matapos akong umiyak.

Siguro pasado 8 pm na.

Tumayo naman agad 'yung apat.

'Kay Dark lang nakatuon ang paningin 'ko, hindi pa rin siya tumatayo. Umayos ng upo, 'yung medyo nakatalikod sa akin saka gumalaw ang mga kamay niya papunta sa mukha. Pinupunasan siguro ang luha niya.

Pagkatapos no'n ay tumayo na siya at maayos na tingnan nang humarap sa akin. Makikita mo pa rin naman na umiyak siya pero ginawa niya best niya para hindi magmukhang mahina.

Gumalaw na kaming lahat at handa nang lumabas.

Si Dark ang unang lumabas saka sumunod si Shawn at 'yung dalawang babae, pagkatapos ay ako.

Tumingin muna ako sa paligid. Wala na sila.

Umalis na.

Masakit man sa loob 'ko ay nilisan na namin 'yung lugar na 'yon.

'Yung ibang mga kaibigan namin ay hindi na namin alam kung nasaan o ligtas ba sila.

Simula kanina ay hindi pa nagsasalita si Dark, kapag tatanungin ay iling at tango lang ang ginagawa. Kapag ituturo ang dadaanan namin ay tumuturo na lang.

Nahihirapan man kami sa set-up na ganito ay hindi na nagreklamo, siguro ay naga-adjust pa siya sa nangyari kanina.

Sa hindi inaasahang dahilan ay nakita namin 'yung kaninang gustong-gusto 'kong lapitan.

Nandoon sila sa harap ng poste at parang may hinihintay.

Hindi mo talaga iisipin na infected sila dahil parang tao kung kumilos. All-rounders.

Hindi 'ko na napigilan ang sarili 'ko at tumakbo ako papalapit sa kanila. Hindi 'ko pinansin ang tumatawag sa akin at basta na lang tumakbo sa kanila.

Kahit naman ganito ay hindi :ko pa rin nakakalimutan ang sitwasyon nila ngayon.

Tumigil ako sa harapan nila.

Dahil nakatayo ako ay kinailangan pa nilang tumingala para makita ang nasa harapan nila.

Bumuhos na naman ang luha 'ko nang makita ang hitsura nila. Para silang bata na kakatapos lang pagalitan ng magulang.

"Hi. . ." Humihikbing usal ko.

Walang sumagot sa kanila at nakatingin lang.

"After so many weeks, nagkita na po tayo ulit. Hindi 'ko nga lang po inaasahan na ganito ang pagkikita natin, na ganito kasakit,"

Lumuhod ako sa harapan nila, kulang na lang ay sambahin 'ko sila. Sumusunod lang ang tingin nila sa bawat galaw 'ko.

"Sa loob ng napakaraming linggo ay hindi 'ko po kayo nakakalimutan, palagi 'ko po kayong sinasama sa panalangin 'ko na sana ligtas po kayo na sana mabuo po ulit tayo. But. . . I guess, wala nang pag-asa pang mabuo ulit 'yon. Hmm?"

Hindi nakaligtas sa paningin 'ko ang panginginig ng kamay ng Mommy 'ko.

Pinipigilan niya ang sariling hawakan ako, lapitan ako.

Halata namang infected na rin sila. Visible sa kanila ang mga sign na umepekto sa kanila ang virus. Pero. . . halatang bago pa lang sila.

Na kakaumpisa pa lang umepekto dahil nacocontrol pa nila ang mga sarili nila.

"Mahal na mahal 'ko po kayo. Alam ng Diyos na gustong-gusto 'ko pong lumapit sa inyo ngayon at sumama na,"

Napakabilis ng pangyayari. Parang kanina lang ay nasa harapan nila ako at umiiyak.

Ngayon ay nandito na ako sa mga kaibigan namin at nasa unahan 'ko ang kakambal 'ko habang pinapanood ang pagharang ng magulang namin sa mga zombies na gustong lumapit sa amin.

Lumingon sa direksyon namin si Mommy 'ko.

Kita 'ko ang pagbabago ng hitsura niya, ang paglabas ng mga ugat sa mukha niya.

Pero kahit na ganoon ay nagawa niyang ngumiti.

Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na kahit na anong boses doon.

Kahit na walang boses 'yon ay naintindihan 'ko.

'I love you,'

'Magiingat kayo,'

'Yon ang huling pagkikita namin dahil pagkatapos noon ay tumakbo na kami.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon