Maaga akong nagising. Siyempre, ginawa ko na ang araw-araw 'kong ginagawa sa umaga.
Naligo ako, nagbihis at nagayos. After kong magayos ay hinila 'ko na ang maleta 'ko at isinabit 'ko na sa balikat ang dala 'kong sling bag. Paglabas 'ko ng kwarto ay naamoy 'ko na agad ang fried rice, bacon at kung anu-ano pang favorite 'ko.
Nilagay ko muna ang gamit 'ko sa sala at dumiretso sa dining, nakita 'ko nga do'n nakahain lahat ng favorite 'ko. Si Papa ay nagbabasa ng dyaryo.
Umupo ako, "Good morning po, Papa," Masiglang bati ko. Inangat niya ang tingin niya sa'kin, "Good morning, Sai-Sai," Nakangiting bati niya.
"Good morning!" Mas mataas siguro ang energy nang nasa likuran ko, lumingon ako at nakita 'ko si Mama na may dalang mga plato at ang nasa likuran niya ay si Manang na may dalang pitsel ng juice.
"Kumusta ang tulog mo, Sai-Sai?" Tanong ni Mama. Sinubo ko muna 'yung hotdog bago ako sumagot, "Maayos naman po, kayo po?" Hindi nakasagot si Mama kasi si Papa na ang sumagot.
"Siyempre, ano pa nga ba?" Tumawa si Papa.
Pakiramdam ko walang sense sasabihin ni Papa, "Maayos ang tulog namin kasi cuddle cuddle with your Mama," Napasampal na lang ako sa sarili kong noo. Sila talaga ni Mama parang teenager.
"'Wag mong intindihin yang Papa mo, kumain ka na lang. Damihan mo," Tumango na lang ako sa sinabi ni Mama.
Natapos din naman agad ako. Pumunta na ako roon sa sala para do'n na maghintay sa mga kaibigan ko.
Hindi din naman ako naghintay ng matagal kasi dumating din sila agad, "Alis na po ako, Ma, Pa, Manang!" Sigaw ko. Hihilahin 'ko na sana maleta 'ko pero kinuha na 'yon ni Papa.
Ngumiti na lang siya at tumango, pumayag na lang din ako. Paglabas ko ng gate nakita 'ko silang lima, nakatayo. Sinilip 'ko ang unahan, ngumiti sa'kin si Hades na siyang nakaupo sa driver seat.
"Good morning po!" Sabay-sabay na bati nung anim. Inayos ni Papa ang gamit ko sa likuran.
"Mag-iingat kayo," Paalala ni Mama. Tumango lang kaming lahat at saka sumakay. Doon ako pumwesto sa likuran ng passenger seat, ang nakasakay doon ay si Sage ang may-ari ng van.
Kumaway lang kami bago umalis, "Excited na ako," Saad ni Kylie na nasa tabi ko, "Ang sarap sa pakiramdam, kumpleto na ulit tayo," Nakangiti si Monica habang sinasabi yon.
"'Buti na lang talaga hindi ako stress ngayon dahil do'n sa nangyari kahapon," Napalingon ako kay Kylie. Lahat kami ay napakunot ang noo, "Anong nangyari?" Tanong ni Saji.
"Si Sausage kasi, pinagpalit ako roon sa napakaarteng si Kitty," Hindi ko alam kung matatawa ako. Si Saji ang tumawa ng pagkalakas-lakas, "Seryoso ka ba diyan, Kylie?"
Lahat kami ay natawa na nung tumango siya.
"Sausage kasi favorite niya kaya sausage tawag 'ko pero real name niya ay Jeremy Sumalangit," Hindi ko na napigilan. Tumawa na ako nang tumawa.
"Ay, lakas ng tawa niyo ah?" Hindi pa rin kami tumigil sa pagtawa, "Hindi sa langit mapupunta 'yon panigurado," Pang-aasar ni Astrea.
BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...
