005

217 22 0
                                        

"Sino ka?" Tanong ko. Naguguluhan pa rin talaga ako. Sinilip 'ko ang mukha niya, nakangisi siya.

"Wala akong facebook account pero may instagram account ako", Sinabunutan ko siya.

"Aray! Binibiro ka lang, eh!" Pagmamaktol niya.

Nagawa pa talaga niyang magbiro, eh halos baliin ko na ang buto niya sa likod at braso para lang magseryoso siya.

"Sino ka?" Pag-uulit ko. 'Yung iba kapag narinig 'yung ganitong tono ng boses 'ko ay tiklop na agad pero ang isang 'to? Nagagawa niya pang magbiro.

"Baby, bitiwan mo muna ako. Pwede? Nahahalikan 'ko na ang sahig, eh," Lalo ko siyang sinubsob sa sahig. 'Yung ayoko talaga ay 'yung pinaghihintay ako.

"Sino ka at anong nangyayari?" Doon siya natahimik. Ano nga ba ang nangyayari? Bakit wala akong makitang ibang tao? Saan galing 'tong lalaking 'to at bakit bigla na lang siyang sumulpot? Bakit may baril siya? Bakit puro dugo at sugat 'yung lalaki kanina? Napakarami kong tanong pero ni isa wala pang nasasagot.

"Ako si Sean, Sean Seiko. Kung anong nangyayari dito ay hindi 'ko rin alam,"

Napakunot ang noo ko. Hindi 'ko pa rin maintindihan.

"Bakit may ganito?" 'Yon lang ang naitanong ko. Umiling siya, "'Wag ako ang tanungin mo, baby. Kasi bobo ako mag-explain," Nakagat ko na lang ang sarili 'kong labi sa sobrang inis.

Kailan ba mag-seseryoso 'tong lalaking 'to?

Hindi na ako nagsalita dahil may dumating na tatlo, katulad sila ni Sean na may hawak na baril. Isang babae at dalawang lalaki. Nagulat sila nung makita nila 'yung lalaki na sinasakyan 'ko. Kasamahan siguro nila 'to.

"Anong nangyayari dito, Sean?" Tanong nung babae, tatlo silang nakatutok sa'kin ang baril.

"Nagmamahalan lang kami, Jorji. Don't worry," Saad nitong Sean habang tumatawa, naudlot lang 'yon nung higpitan ko pagkakahawak sa buhok niya.

"Sino kayo? Anong nangyayari?" Paulit-ulit na lang ang tanong ko, "Bitawan mo muna si Sean, Ms. Beautiful", Siniko nung isang lalaki 'yung naka-black na t-shirt na lalaki, "Akin si Baby, so back off, Cyan". Tangina talaga, nagawa pa nilang magbiruan.

Binitawan ko si Sean, agad siyang nilapitan nung dalawang lalaki at inalalayang tumayo.

'Yung Jorji naman ay nakatutok pa rin sa'kin 'yung hawak niyang baril, kinuha ko 'yung inagaw 'kong baril 'kay Sean at itinutok sa kanilang apat.

"Easy, baby," Kapag talaga ako napuno rito sa Sean na 'to. Bigla ko na lang 'to sasampalin, 'yung tatalsik 'yung ulo.

Hindi ako nagsalita dahil dumating na 'yung mga kaibigan ko. Nakita 'ko agad sa mga mata ni Sage ang takot, alam 'kong takot siya sa baril, 'buti na lang at niyakap agad siya ni Saichi.

Kinulbit ako ni Kylie. "Anong nangyayari dito? Bakit may hawak kang baril at sino sila?"

Nagkibit-balikat lang ako.

"Ibaba mo ang hawak mong baril pagkatapos ay ibababa rin namin ang hawak namin,"

Hindi ako sumunod. Baka kapag binaba ko ang hawak 'ko ay gantihan nila ako sa ginawa 'ko roon sa kasamahan nila.

"Jorji, Sean, Jinx and Cyan?" Tawag ng kung sino. 'Yon pala ang pangalan ng apat na 'to.

Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses ng isang lalaki.

Nakita ko ang dalawang lalaki, magkamukha silang dalawa. Kambal siguro. 'Yung isa ay walang ekspresyon sa mukha. May piercing siya sa may kilay.

Habang 'yung isa naman ay mukhang mabait at friendly. May piercing din siya pero nasa may labi ang kaniya at tenga. Sa tingin ko ay dalawa lang ang nasa tenga niya.

Lumingon sa'kin 'yung walang ekspresyon sa mukha, may mga galos siya pero hindi siya katulad nung lalaking puro dugo kanina.

"Anong nangyayari?" Tanong ko. Mukha namang matino siya kausap. Pero imbes na siya ang sumagot, ang sumagot ay 'yung kakambal niya.

"Siguro wala tayo sa tamang lugar para pag-usapan kung anong nangyayari ngayon," Nakangiti siya habang sinasabi 'yon, napansin ko rin ang pagsulyap niya 'kay Saichi.

"Sumama kayo sa headquarters at doon namin ipapaliwanag kung anong nangyayari," 'Yung walang ekspresyon sa mukha naman ang nagsalita.

Lumingon ako sa mga kaibigan ko. Lumapit ako sa kanila, bahagya 'ko rin silang hinila palayo para hindi marinig ng mga 'yon ang pag-uusapan namin.

"Sasama ba tayo?" Tanong ni Saichi. Nag-isip muna ako ng ilang segundo. Marami akong gustong malaman.

"Sasama tayo at para na rin malaman natin ang totoong nangyayari. Mukha namang mapagkakatiwalaan 'yung may hawak na baseball bat," Patungkol ko roon sa lalaking walang ekspresyon sa mukha.

Sumang-ayon sila sa sinabi ko, alam 'kong malaki ang tiwala sa'kin ng mga kaibigan 'ko kaya hindi 'ko sila bibiguin.

Humarap ako roon sa kanila. Lahat sila ay nakatingin sa'min, hinihintay ang sasabihin namin, "Sasama kami," Saad ko. Napatango 'yung lalaking walang ekspresyon sa mukha, 'yung Jorji naman ay masama pa rin ang tingin sa'kin.

Habang 'yung tatlo na sila Cyan, Jinx, Sean at 'yung mukhang friendly na kakambal nung lalaking walang ekspresyon sa mukha, silang apat ay masaya.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon