036

60 11 0
                                    

Dash Ramirez

Hindi 'ko alam kung anong gagawin 'ko ngayon. Parang isang maling galaw 'ko lang ay patay kaming lahat.

Hindi 'ko talaga kayang magdesisyon na hindi kasama si Dark lalo na ngayon na maraming buhay ang nakataya sa desisyon 'ko.

Nandito lang kasi kaming lahat sa likod ng isang building na hindi 'ko na alam kung anong building 'yan basta nasa likod kami.

Kanina pa rin pabalik-balik sa harapan 'ko si Shawn, hindi siya mapakali na parang may iniisip siya.

Nilamukos 'ko ang mukha ko bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Ako ang pinagkatiwalaan ng kapatid ko sa mga kaibigan namin at lalo na sa babaeng mahal niya. . . na mahal 'ko rin.

Lumingon ako sa tabi 'ko, nakasandal ang likod niya sa pader at nakapikit.

Kahit na puro galos siya ay nangingibabaw pa rin ang kagandahan niya.

Sa lahat nga ata na makita 'kong magagandang babae ay mukha niya agad ang pumapasok sa isip 'ko.

Napailing ako at tumingin muli sa harapan.

Tumayo ako at lumapit 'kay Shawn. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.

Hinila 'ko siya sa may gilid kung saan kami lang ang makakarinig ng pag-uusapan namin.

Lumingon ulit ako sa pwesto ng mga kaibigan 'ko, ganoon pa rin ang pwesto nila kaya binalik 'ko ang tingin 'kay Shawn.

"Sasamahan 'ko kayong pumunta sa entrance, ihahatid 'ko lang kayo at aalis na ulit ako para balikan ang kapatid 'ko. Shawn, sa'yo 'ko sila ihahabilin kasi alam 'kong hindi mo sila pababayaan,"

Nakatitig lang siya sa akin at pinapakinggan ng ayos bawat salitang binibitawan 'ko.

"Kung hindi man kami makabalik agad, ikaw na bahala sa kanila," Habilin ko.

Ilang minuto siyang nakatitig lang sa akin bago bumuntong-hininga.

"Active na active na ang virus sa katawan nila, Dash. Aminin man natin o hindi, sigurado akong hindi kayo maliligtas kung kayong dalawa lang. A-Alam 'kong malakas kayo pero hindi niyo kakayanin lahat," May lungkot sa mukha niyang nang sabihin yon.

Tumango ako.

Alam 'ko, kita 'ko. Kung hindi man ako maligtas, at least ligtas sila. 'Diba? Hindi rin ako papayag na hindi 'ko mailigtas ang kapatid 'ko.

Kailangan siya ng lahat. Kailangan 'ko siya.

Tinapik 'ko na lang ang balikat niya at tinalikuran siya pagkatapos.

Kinuha 'ko na ang rifle 'ko bago maingat na tinapik si Saichi.

Nagmulat siya ng mata kaya kaagad 'ko siyang nginitian.

"Aalis na tayo," Nakangiting usal ko.

Tumango siya at inayos ang sarili bago sinabit sa balikat 'yung crossbow.

Binitbit naman niya 'yung rifle bago lumapit sa akin.

Lumakad kaming muli, ramdam 'ko na ang panginginig ng tuhod 'ko dahil sa pagod pero hindi 'ko ininda 'yon.

Kailangan 'kong maihatid na sila bago pa sumapit ang dilim. Mas mahihirapan kami.

Sa tingin 'ko ay nasa 12 na ng hapon. Tirik na tirik ang araw.

Bago pa man kami humakbang muli ay may narinig kaming dalawang boses na mukhang nagtatalo pa kaya nilingon namin 'yon pare-pareho.

Nagulat ako nang makita 'ko sa hindi kalayuan sila Sean at Saji. Naglalaro sila ng bato-bato pick.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon