038

59 10 1
                                        

Saichi Salvatore

Tawa lang ako nang tawa sa mga kwento sa akin ni Dash, kahit papaano ay nakalimutan 'kong nanganganib ang buhay namin.

Pagkatapos 'ko umiyak, tumatawa naman ako ngayon. Wala lang, ang saya kasi kausap nito ni Dash.

Hindi talaga siya nauubusan ng kwento, kahit nga 'yung pagkakapalit nila ng brief ni Dark ay nakwento na sa akin.

Napansin 'ko rin sa lahat ng kwento niya, palagi silang magkasama kapatid. Kung nasaan ang isa ay nandoon din ang isa.

Napansin 'ko rin na simula bata sila ay si Dark ang palaging nakasunod 'kay Dash.

"Kapag tumatae ako dati, siguro 6 years old na kami no'n. Talagang nangangatok siya ng pinto para pagbuksan 'ko at makapasok siya sa cr dahil gusto nga niya na palagi kaming magkasama,"

Tumawa ako kasi may action pa siya.

"Paano 'yon? Nakatayo siya sa gilid habang umiiri ka?" Natatawang tanong ko.

Parang wala lang sa kaniya 'yon kung tumango siya sa tanong 'ko.

"Nando'n siya sa may bathtub habang nairi ako, pinapanood niya ako,"

Naiimagine 'ko tuloy hitsura nilang dalawa.

Cutie.

Nung bata sila, si Dark ang palaging nakasunod 'kay Dash.

Ngayong malaki at may isip na sila, si Dash naman ang palaging nakasunod.

Kung ikukumpara mo ang batang Dash at Dark ngayon. Malaki na ang pinagbago talaga.

Ngayon kasi ay pinagmumura ni Dark si Dash sa tuwing sumusunod 'to sa kaniya pero mararamdaman mo pa rin naman ang pag-iingat niya para hindi masaktan ang kapatid sa bawat salitang bibitawan niya.

Ang saya siguro kapag may ganiyan kang kapatid, 'no? Only child lang kasi ako.

Palagi 'kong hinihiling kila Mama at Papa noon na bigyan na ako ng kapatid kaso nakunan ang Mama 'ko, natakot ako kaya simula noon ay hindi na ako humiling pa.

Masaya na rin naman na kami, eh. Kuntento na sa kung anong meron kami ngayon sa buhay.

"Hindi ka pa ba pagod, shawty?"

Nabaling ang atensyon 'ko sa kaniya.

Nakalimutan 'kong kausap 'ko nga pala siya, nabaon na ako masyado sa iniisip 'ko.

"Hindi pa naman, ikaw ba?" Balik tanong ko.

Kinuha niya sa akin 'yung pusa bago umiling at ngumiti sa akin.

Sa tuwing ngingiti talaga siya, mapapangiti ka na lang din.

'Kay Dash 'ko lang naramdaman magkaroon ng kapatid.

Kapatid na talaga ang tingin 'ko sa kaniya kaya nga nung umamin siya sa akin kanina ay nagulat ako. Hindi 'ko maipaliwanag ang magiging reaksyon 'ko sa mga sinabi niya.

Ang hirap isipin na magkakagusto siya sa isang tulad 'ko.

Pagkatapos nung mahabang lintana niya kanina ay iniba na niya ang usapan kaya nawalan na ako ng pagkakataon para sabihin sa kaniya ang mga gusto 'kong sabihin.

Mas okay na rin siguro 'yon para hindi ko siya masaktan masyado, 'no?

"Huwag mo nga akong titigan ng ganiyan, shawty. Naiilang ako," Nahihiyang bulong niya.

Tumawa ako dahil namumula ang magkabilang pisngi niya at pati na rin ang dalawang tenga.

Hindi pa man ako nakakapagsalita para sana asarin siya lalo ay may pumutol na no'n, isang malakas na sigaw.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon