Saichi Salvatore
Napagisipan na lang ni Dark na magsama-sama na lang kaming lahat para maprotektahan daw nila.
Kaming mga babae ang nasa gitna. Si Yuan, Dark, Jinx ang nasa harapan. Samantala, si Dash, Cyan at Shawn ay nasa likuran. Si Jorji naman ang nasa unahan naming mga babae.
Umakyat kami sa isang building, hotel din ata 'to. Hindi ito 'yung hotel na tinuluyan namin, iba 'to.
"Hoy, Cyan!" Tawag ni Jinx.
Kulit talaga ng dalawang 'to. Kahit magkalayo na sila sa isa't-isa, nagkukulitan pa rin. Kaya siguro pinaghiwalay sila ni Dark para hindi na magkulitan kaso gumagawa pa rin ng paraan.
"Oh, ano?" Tugon naman nung isa.
Sinenyasan sila ni Yuan na manahimik.
Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kaming dalawang zombie kaya umatras kami.
"Putangina talaga, oh!"
Si Kylie ang unang nagreact. Napalingon ako sa kaniya, diretsyo lang ang tingin niya ro'n sa dalawa. Bahagya ring nakakuyom ang mga kamao niya.
"Napano ka?" Tanong sa kaniya ni Saji.
Tunog pangaasar.
Tumuro si Kylie ro'n sa dalawa.
"Hanggang dito ba naman sinusundan ako ng mga punyetang 'yan? Tangina talaga niyang Sumalangit na 'yan!"
Napakunot ang noo naming lahat. Sumalangit?
Sino naman 'yon?
Umatras pa muli kami dahil papalapit sila sa'min, 'yung mga lalaki na nasa unahan ay pumwesto na.
Teka, Sumalangit? 'Yon 'yung sinasabi niyang pinagpalit siya kay Kitty ba 'yon? 'Yung sausage ang tawag niya. Tangina talaga.
Hindi ko napigilang mapabungisngis kaya napalingon sila sa'kin, nung magkatitigan kami nila Saji at Astrea ay tumawa na kami ng malakas pero agad din kaming tumigil dahil baka may makarinig pa sa'min.
"'Yan 'yung sinasabi mong si sausage? 'Yung kasama niya si Kitty?" Tanong ni Astrea.
Tumango naman ang gaga.
Nagsimula na maglakad si Kylie pa una pero pinigilan siya ni Yuan.
"Delikado. . ."
Hindi siya pinansin ni Kylie kaya binitawan niya rin pero sumunod siya. Para kaming nanonood ng movie, putangina. Kung movie 'to, sana matapos na at sana panaginip lang.
Nagsimula na rin kaming lumapit baka kasi mapano pa silang dalawa.
"All-rounders yang dalawa, Yuan. Magingat kayo,"
Paano nalaman ni Dark na all-rounders si Kitty at Sausage?
"Ang astig ng mga all-rounders, 'no shawty?"
Nagulat ako nang bigla akong makaramdam ng init sa may tenga. Umabante ako, gago talaga 'to si Dash.
Lumingon ako sa kaniya.
"Paano mo nasabi?"
Umayos siya ng tayo at diretsong tumingin sa'kin. Ewan ko ba, kasi sa tuwing tinitingnan niya ako ng diretso sa mata parang nakikita 'kong kumikislap ang mga mata niya.
Sa tinagal-tagal na naming nakikipagbakbakan sa mga zombies ay hindi ko pa rin alam ang pinagkaiba ng all-rounders sa ibang mga zombies, basta patay lang ako eh. Pero mga zombie pinapatay 'ko, ha.
"Hindi mo ba napapansin? Tumingin ka ro'n sa dalawang zombies, shawty,"
Tumingin ako ro'n, para lang silang tao na nagkasalubong na magkakaibigan.
Magkakaroon ng chit-chat.
'Yung mga mata nila iba, hindi katulad ng ibang zombies. Sila ay parang tao talaga.
Gano'n pala ang pinagkaiba.
"Hi, Kylie. . ." Bati nung Sausage.
Tangina, tama ba 'tong naririnig ko? Zombies sila, 'diba?
Bago pa sila magsalita ulit ay binaril na sila ni Kylie.
Puno ng galit ang mga mata niya pero nakangiti siya.
"Tara na," Akag ni Dark.
Someone
Lumabas ako ng room kung saan ako nagtatago. Ang sariwa talaga ng hangin, ang sarap salubungin.
Habang naguunat ako ay nagulat ako dahil sa nakita ko. Kaharap ng building kung saan ako nakatayo ngayon ang taguan ng grupo nila Dark, tadhana nga naman.
Nilibot ko ng tingin ang buong building, nakita 'ko sa gilid ang isang zombie. Mabilis 'kong inangat ang sniper rifle 'ko saka 'ko siya pinatamaan. Tumba. Nice!
Dahil sa kanila nakatapat ang buwan ay kitang-kita ko. Nando'n silang lahat sa itaas at mukhang naguusap-usap.
Pumasok muna ako sa loob para kumuha ng maiinom. Naayos ko na 'tong pinagtataguan 'ko baka kasi sundan na naman ako. 'Yung mga bintana ay nalagyan 'ko na ng pantakip para hindi ako makita mula sa loob.
'Yung pinto sa unahan ay nakasara 'yon, nilagyan ko 'yon ng maraming harang para hindi sila basta-basta makapasok. 'Yung kisame naman ay nalagyan 'ko na ng kahoy para sigurado.
Lahat ng butas na pwede nilang lusutan ay natapalan ko na. Sa hallway naman ay naglagay na ako ng harang mula sa unahang pinto, kahit lumabas ako ng room ay hindi nila ako basta basta makikita kaya magaan ang pakiramdam 'ko.
Lumabas ako dala-dala ang isang tasang kape.
Bagay "to ngayong malamig ang panahon.
Sumilip ulit ako ro'n, nakita ko ang dalawang tao sa baba. Nakaupo sila habang nakatingala sa'kin. Kumaway ako, hindi 'ko ineexpect na kakaway sila sa'kin pabalik kaya medyo nagulat ako. Ilang sandali pa ay may isang lalaki ang tumabi sa kanila at tumingin sa pwesto 'ko.
Hindi ako gumalaw, hindi niya pwedeng malaman na may tao rito. Matagal-tagal din siguro akong nakatigil hanggang sa inalis na niya ang tingin kaya mabilis akong pumasok sa room at nagsara ng pinto.
Hindi niya pwedeng malaman na may namamalagi rito dahil baka puntahan nila ako.
Hindi ko pa natatapos ang plano 'ko.

BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...