023

72 11 0
                                        

Blaster Buenaventura

"Gago ka, 'tol. Saan tayo pupunta?" Nagaalalang tanong ko rito sa kaibigan 'ko. . . si Edward.

"Tangina mo, 'wag ka nga maingay," Sagot nito.

Lihis kami sa plano ni Dark. Lumingon ako sa paligid, wala akong nakikita pero iba ang pakiramdam ko.

Sabi ni Dark ay do'n lang kami sa headquarters pero ang kulit ni Edward, lumabas siya kaya sinundan ko.

"Gago, baka kasi hanapin na nila tayo. Bumalik na kasi tayo," Pangungulit ko pero tiningnan niya lang ako ng masama.

"Naduduwag ka na?" Inis na tanong niya sakin.

Mabilis akong umiling.

"Gano'n naman pala, 'wag ka na lang maingay para walang makakita at makarinig sa'tin,"

"Saan 'ko ba kasi nakita 'yon? Tanda mo pa ba kung saan natin nakita 'yung parang butas na pwedeng labasan?"

Nakisilip ako sa tinitingnan niya.

"Hindi na, pero ang alam 'ko sa may damuhan 'yon," Sagot ko.

Tumulong na rin ako sa kaniya sa paghahanap.

"Kapag nahanap natin, Edward. Tawagin natin sila Dark para makalabas na rin sila," Suggest ko pero siniko niya ako kaya napalingon ako sa kaniya.

Wala naman akong sinabing masama, ah?

"Tanga, kahit tawagin natin sila ay hindi sila aalis. Narinig 'kong hinahanap pa nila 'yung parents nila ni Dash, panigurado magpapaiwan 'yung mga 'yon,"

Buhay pa kaya parents nila? Sana, naging mabait naman sa'ming magkakaibigan 'yung grupo na 'yon kaya tinuring ko na silang kaibigan.

"Tumulong ka kaya? Hindi 'yung nakatulala ka lang diyan,"

Tumulong na lang ako sa kaniya sa paghahanap.

Saan banda nga namin nakita 'yon? Malapit yun sa puno, eh.

Naghanap ako ng puno, may nakita akong dalawa kaya lumapit agad ako ro'n. Hinawi ko lahat ng dahon para makita ang butas pero wala akong nakitang butas.

Lumipat ako sa isang puno at hinawi ko rin ang mga nagkalat na dahon. Laking tuwa 'ko dahil parang nadama 'ko na ang butas kaya agad 'kong tinawag si Edward.

"Edward!" Masigla kong tawag sa kaniya.

Mabilis naman siyang lumapit sa'kin.

Nakangiti siyang tumingin sa'kin at ginulo pa ang buhok ko.

Pinagtulungan naming tanggalin ang mga dahon. Pareho kaming napahawak sa ilong nang may maamoy kaming mabaho.

"Ano 'yung mabaho?" Tanong ko.

Halos masuka na ako sa amoy. Umatras ako ng ilang hakbang.

Nagpatuloy pa rin siya sa pagtatanggal ng dahon, dahil lalong lumalala ang amoy ay hindi muna ako tumulong sa kaniya.

Hanggang sa napasigaw siya kaya lumapit ako sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita 'kong may kumagat sa kaniya.

Napaatras ako sa takot.

"BLASTER! BLASTER!" Tawag niya sa'kin.

Natataranta ako, hindi ko alam ang gagawin 'ko.

"TANGGALIN MO, BILIS! MASAKIT!"

Sinipa ko ng malakas 'yung zombie na kumagat sa kaniya. Sumirit 'yung dugo dahil natanggal ang ulo niya.

Hindi ko na pinansin 'yon at lumapit na ako 'kay Edward.

"Gago, 'tol. May kagat ka!" Bulalas ko.

May kagat siya sa kamay niya.

Sumenyas siya sa'king 'wag maingay.

"Umalis na tayo, bumalik na tayo kila Dark," Saad niya.

Hindi ako kumilos o gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi pwede, may kagat siya. Infected na siya maya-maya. Dalawang minuto lang daw ang itinatagal.

Hindi ko siya pwedeng isama sa headquarters at hindi rin ako pwedeng magtagal dito dahil baka makagat niya ako pero kaibigan 'ko siya, hindi 'ko siya pwedeng iwan dito.

"Edward. . ." Tawag ko.

Tumingin lang siya sa'kin. Nag-iiba na ang kulay ng mata niya.

"Takbo, Blaster. Hindi na ako pwedeng sumama sa'yo. Ikaw na lang ang umalis,"

Umiling ako.

Lalapit pa sana ako sa kaniya pero siya naman ang lumayo.

"Hindi kita iiwan,"

"Umalis ka n. . ."

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla na lang niya akong dinamba.

Kinagat niya ako.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon