028

74 12 0
                                        

Mark Santiago

"Alam mo na ang gagawin mo, Mark. 'Wag kang papalpak kung hindi wala ka nang babalikan," Pagbabanta pa sa'kin ni Kayn habang nakangisi.

Tumango ako at inayos ko ang gamit na dala 'ko.

Lumingon ako ro'n sa babaeng nakatali sa upuan, nakatingala siya sa'min. Walang ekspresyon ang mukha at bahagya ring nakangiti. Paano niya nagagawang ngumiti kung gayong puro sugat at pasa na ang buong katawan niya? Abnormal ata, 'to.

Hinablot ni Kayn ang buhok nung babae at pilit na tiningala sa kaniya.

"Bakit ba ayaw mong sabihin kung nasaan sila? Hindi na sana kami mahihirapan ngayon,"

Inirapan lang siya nung babae.

"Mauuna na ako, baka abutin pa ako ng dilim," Paalam ko.

Binitawan na ni Kayn 'yung buhok ng babae pagkatapos ay sinampal niya saka siya nagpagpag ng kamay at nakapamulsang humarap sa'kin.

"Bilisan mo, hihintayin ka namin,"

Tumango ako at tumalikod na.

Kapag natapos na namin 'to at nakuha na namin 'yung pera, mapapagamot ko na si Mama. Mawawala na ang sakit niya kaya kailangan galingan 'ko ngayon kung hindi papalpak kami at masisira ang plano, hindi pa namin makukuha ang maraming pera.

Habang naglalakad ako ay marami akong nakakasalubong na zombie, kailangan ko ring ingatan ang sarili 'ko. Tangina, kilala 'ko si Kayn lalo na sa pagdating sa pera, kapag namatay ako agad ay hindi niya bibigyan ng suporta ang pamilya 'ko.

Sasabihin no'n, wala naman na ako kaya hindi na niya hahatian ang pamilya ko. Masyadong matalino si Kayn pagdating sa pera at madaya rin siya.

Maayos naman akong nakarating sa pagtataguan ko. Pumasok ako sa cr ng mga babae. Maingat 'kong tiningnan isa-isa ang mga cubicle ng cr, nang wala naman akong makita ay pumwesto ako sa dulong cubicle at nagkulong.

Astrea Guevarra

"Naiihi ako," Bulong ko kay Kylie.

Agad naman siyang lumingon sa'kin saka bumaba ang tingin sa ano ko.

Agad ko siyang hinampas sa braso, tumawa naman siya ng mahina.

"Tanga ka, mukha ba akong inidoro at sa'kin mo pa sinasabi?" Saad niya.

Nakagat ko na lang ang labi 'ko sa sobrang inis, naiihi na nga 'yung tao tapos nakuha niya pang magbiro? Eh, kung sampalin 'ko kaya siya left and right?

"Naiihi na ako, sasabog na pantog 'ko,"

Nabitawan ko na ang hawak 'kong armas at ang ano 'ko na ang hinawakan 'ko. Malapit na!

Gago, tutulo na!

Nakuha naman ni Kylie ang hitsura ko kaya lumapit siya 'kay Yuan na nakaupo sa isang tabi, umiinom ng tubig.

Akala ko ay ipapaalam na niya ako pero mas inuna niya pang kunin 'yung plastic bottle na iniinuman ni Yuan at do'n uminom.

Nagpapapadyak na lang ako sa nararamdaman ko.

Please, gabayan niyo po ako. Makakapatay po ako ng kaibigan.

Inuna pa talaga niya ang kalandian niya? Oh my god! Hindi ko na talaga kaya. Tumakbo na ako sa pwesto ni Dark na katabi lang ni Yuan.

Lahat sila napatingin sa'kin pati na rin si Kylie na gulat na gulat. Para bang nasa isip niya, 'hala, gago. Nakalimutan ko, sorry. Hindi 'ko kasi napigilan ang kalandian 'ko,'

"Dark, lalabas na siya!"

Naguluhan naman siya sa sinabi ko.

"I mean! Oh my god! Lalabas muna ako para umihi!"

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon