"Meron din namang tinatawag na. . . Stupid Zombie. Ito ang mga kabaliktaran ng mga Intelligence Zombie, kung 'yon ay mga nag-iisip. Ito naman ay hindi, basta atake lang sila sa target kaya ito ang mabilis mamatay,"
Napaisip ako. Inalis ko 'yung kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko saka ako bumaril.
Head shot.
"Magaling ka na, shawty," Manghang saad niya.
Ngumisi na lang ako.
"Ano pang uri ang meron ang mga zombies?" Tanong ko. Interesado akong malaman ang tungkol sa kanila. Nakakaakit alamin, masiyadong malalim ang katauhan nila.
"May tinatawag ding Smarter Zombie,"
Pagkasabi niya no'n ay tumawa siya. Anong nakakatawa? Nakita niya sigurong naguluhan ako sa inasal niya kaya tumigil siya.
"Hindi 'ko alam kung bakit tinawag ni Shawn na smarter ang mga 'yon kung gayo'ng mas bobo pa sila sa Stupid Zombies," Napatango ako.
May nahagip ang mga mata ko, zombies sila pero hindi man lang sila katulad nitong mga nasa harapan. Mga nagmamasid lang sila. Ito ba ang tinatawag ni Dash na Intelligence Zombies?
"Kung iniisip mo na sila ang Intelligence Zombies, hindi," Lumingon ako sa gilid ko. Si Dark ang nagsalita kaya pala napakalalim ng boses.
"Sino sila? Bakit nakatingin lang sila dito sa'tin?" Tanong ko. 'Yung isa ay naka eye to eye 'ko pa. Lumingon ako sa taas dahil may nakaakyat na. Agad 'kong tinarget ang ulo niya.
Head shot. Hulog siya dahil sa pagkakabaril ko.
Tumingin ulit ako roon kung saan ko nakita 'yung naka eye to eye 'kong zombie, wala na sila doon. Nasaan na 'yung mga 'yon?
Nag-teleport?
"Sila ang mga All-rounders. Lagi mo silang makikita sa gabi dahil sa gabi sila umaatake. Makikita mo rin silang umiikot sa labas, pinag-iisipan nila kung paano makakapasok. Mas matalino pa 'yan sa lahat kaya mag-ingat ka sa mga 'yan. Magaling magpaikot ang mga all-rounders," Paliwanag ni Dark.
Tumango na lang ako. Patagal nang patagal nasisiyahan ako sa ginagawa namin. This is the first time I have ever held a gun.
Sumasama kami dati 'kay Saji pag nag-eensayo siya sa paghawak ng baril pero ni minsan hindi pa ako humawak. Ngayon lang.
Nang maubos na namin lahat ay pumasok na kami. Bumalik kami doon sa kwartong pinasukan namin kanina. Bumungad sa'min ang mga pagkain sa lamesa, "Kami ang nagluto niyan ni Shawn," Masayang saad ni Jorji.
"Kain na tayo," Aya ni Jorji. Umupo na kaming lahat. Pumasok na pala silang dalawa hindi ko man lang napansin. Nasiyahan ako masiyado roon sa ginawa namin pero hindi ibig sabihin noon ay ayoko nang lumabas dito.
"Nga pala, Dark. Paubos na ang mga pagkain natin," Lahat kami ay napatingin 'kay Jorji.
Nahiya tuloy akong kumain.
"Bukas, aalis tayo. Maghahanap tayo ng mga pagkain at gamit na pwede nating pakinabangan. Bilisan niyong kumain para makapagpahinga na. Maaga tayong aalis bukas," Pagkasabi niya no'n ay binilisan na namin.
Siguro si Dark ang itinuturing nilang lider ng grupo. Pagkatapos namin kumain ay nagkaniya-kaniya na kami ng pwesto. Naupo ako roon sa may locker, 'yon ang ginawa 'kong sandalan.
Tumabi sa'kin 'yung mga kaibigan ko. "Sorry, guys. Ako talaga may kasalanan kung bakit tayo napadpad dito," Nakatungong saad ni Sage.
Pare-pareho namin siyang binatukan, "Ano bang sinasabi mo?" Natatawang tanong ni Kylie.
Nag-pout si Sage, "Kasi 'diba ako ang nagyayang pumunta tayo rito? Kung hindi ako nagyaya edi sana wala tayo rito at nakikipag-bakbakan sa mga zombies," Nakikita kong malapit na siyang umiyak.
Hinigit ko siya at isinandal sa dibdib 'ko, "Don't blame yourself, okay? Kung sino man ang may kasalanan nito ay hindi ikaw, hindi tayo at hindi sila," Patungkol ko sa grupo nila Dark.
"Ang may kasalanan nito ay 'yung mga walang puso na gumawa nitong zombies na ito," Ang sarap talaga nilang sapakin.
Hindi pa pala alam ng pamilya ko kung anong nangyayari dito. Sasabihin 'ko ba? Baka kasi lalo silang mag-alala at pumunta pa rito. 'Wag na lang muna siguro.
"Kaya nga, normalize sisihin ang mga putanginang gobyerno," Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Kylie. Si Kylie ang nagpapagaan ng loob namin sa tuwing nalulungkot kami.
"Sige na, matulog na tayo baka mapagalitan pa tayo ni Dark kapag bangag tayong gumising bukas," Natatawang saad ko. Tumango lang sila at pumwesto na. Si Sage ay naka-unan sa legs 'ko.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ako makatulog, hindi ako sanay. Lahat ng kaibigan ko ay tulog na, ewan 'ko lang do'n kila Dash.
Dahan-dahan kong inalis ang pagkakahiga ni Sage sa legs 'ko, pagkatapos ay tumayo ako.
Lumabas ako ng building. Akala ko ako lang ang hindi tulog, pati din pala 'yung kambal.
Hindi ako pumunta sa tabi nila, nandito lang ako sa may poste. Rinig ko mula rito ang pinag uusapan nila. Hindi naman ako chismosa, 'diba?
"Anong gagawin natin? Mag-iisang linggo na tayo rito pero hindi pa rin natin nahahanap sila Mom and Dad," Kahit na hindi ako ang kausap ni Dash ay nararamdam ko ang lungkot sa boses niya.
Kasama pala nila ang magulang nila nung pumunta rito? 'Buti na lang at hindi kasama ang pamilya naming magkakaibigan.
"Sigurado akong buhay sila Mom and Dad, hindi tayo titigil hangga't hindi natin sila nakikita," Desididong saad ni Dark. Ilang oras ko palang sila nakakasama pero hanga na agad ako sa kanila, ang tibay nila.
"Paano kung infected na rin sila? Anong gagawin natin, Dark?" Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Dark. Makakapanood pa ata ako ng live sapakan.
"Tigilan mo nga pagsabi niyan, baka mamaya hindi ako makapagtimpi bigla na lang kitang sapakin," Cool na sabi ni Dark. Tumawa naman si Dash.
"'Wag mo akong tawanan, hindi magandang biro 'yon Dash," Inis na saad niya. Pero ang Dash tuloy pa rin sa pagtawa.
"Alam 'ko naman na lumalaban sila Mom and Dad para sa'tin, hindi sila basta-basta sumusuko at alam 'ko rin na katulad natin ay hinahanap din nila tayo," Napangiti ako. The way they talk and the way they smile.
Malalaman mo na agad na malakas ang loob nila, na hindi sila basta-basta sumusuko.
"Halika na rito, Saichi. Tapos na kaming mag-usap ni Dark," Napatalon ako sa gulat.
Paano nila nalaman na nandito ako? Kanina pa nila alam na nakikinig ako? Nakakahiya naman.
Lumakad ako palapit sa kanila, "Hindi 'ko naman intensyon na pakinggan 'yung usapan niyo, narinig 'ko lang," Napaka-defensive ko naman ata? Bahala na, basta nakapagpaliwanag ako.
Tumawa si Dash, "Wala naman kaming sinasabi na nakikinig ka sa usapan namin," Natatawang saad ni Dash. Wala ba? Tsh, ano ba 'yan.
"Hindi pa ba kayo inaantok?" Pag-iiba ko sa usapan.
Umiling si Dash, "Hindi pa,"
Sinilip ko naman si Dark, nakatungkod ang dalawang kamay niya sa likod niya, bahagya rin siyang nakatingala sa kalangitan at nakapikit. Tulog ba siya?
"Nag-iisip 'yan, hayaan na muna natin shawty," Bulong sa'kin ni Dash. Napatango na lang ako.
Ilang minuto rin siguro kaming tahimik, si Dark na ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa'ming tatlo.
"Matulog na kayong dalawa, ayokong may kasamang aantok-antok," Lumingon ako sa kaniya. Hindi pa naman ako inaantok, eh.
Sanay ako sa puyatan.
"Hindi ka ba matutulog?" Tanong ko pero mukhang wala siyang balak matulog.
"Magbabantay ako," Wow, ha? Napakahaba ng sinabi niya.
"Sasamahan kita," Si Dash. Nakakahiya naman na ako lang ang matutulog sa'ming tatlo. Hindi pa naman ako inaantok.
"Sasama na rin ako sa pagbabantay," Saad ko.

BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Fiksi IlmiahWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...