Saji Mercedes
"Sino ang pwedeng maiwan dito kasama si Celestine?" Tanong sa'ming lahat ni Dark.
Walang sumagot o nagtaas ng kamay.
"Wala?" Tanong pa ulit niya.
Ayokong magpaiwan dito, gusto ko silang samahan. Ayokong maging pabigat sa grupo.
"Ako na lang, pwede?"
Lahat kami ay napalingon kay Sage. Nakatungo lang siya at nanginginig ang mga kamay.
Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya.
"Dito na lang din kami, sasamahan 'ko sila," Presinta ni Hades.
Magaling naman si Hades, eh. Panigurado, hindi niya pababayaan ang mga kasama niya.
"Sige, ang maiiwan dito ay si Celestine, Hades, Sage at Monica. Sino pa ang gusto?"
Wala nang nagtaas ng kamay kaya tumango si Dark at tumayo.
Nagsimula na kaming ayusin ang sarili.
Kumuha ako ng isang karton at binalot ko 'yon sa braso 'ko saka 'ko nilagyan ng maraming tape.
'Yung iba ay mga matitigas ang binalot nila sa mga braso nila katulad ng stainless. 'Yung mga lalaki ay naglagay din ng matigas na bagay sa mga kamay nila, para siguro kahit sumuntok sila ay patay agad ang mga zombies.
Pagkatapos ay lumapit ako kay Saichi para tulungan siya.
"Hindi ka ba giniginaw, Sai?" Tanong ko.
Lumingon siya sa'kin at umiling.
Naka-shorts na black, sando'ng black at black na boots lang kasi siya. Maayos naman ang ayos niya pero nagaalala pa rin ako baka kasi may makalusot at kagatin siya.
Masiyadong revealing ang suot niya.
"Wala ka na bang pants?" Tanong ko pa ulit.
Umiling siya habang binabalot ng tape ang binti niya.
'Yung dating soft girl na si Saichi, ngayon iba na siya. Parang naging bad bitch na.
Naka-braid ang buhok niya kaya kitang-kita mo ang maamo niyang mukha.
Habang tinutulungan ko si Saichi ay may lumapit sa'min kaya tiningala 'ko 'yon, si Kylie.
May hawak siyang wipes at tissue.
Maayos na rin ang hitsura niya, may mga dugo pero kakaunti na lang kaya kitang-kita mo ang mga galos niya sa katawan.
Kinuha ko yun at nagsimula na linisin ang katawan 'ko, maaamoy kasi kami kung patatagalin pa namin ang mga dugo sa katawan naming lahat. Si Kylie ang tumulong 'kay Saichi na linisin ang katawan.
Nang matapos ako ay naupo muna ako habang naghihintay sa iba naming kasamahan.
Nahagip ng mga mata ko 'yung mga lalaki na walang suot na pang-taas, hindi rin nakalampas sa mga mata 'ko ang mga nakaukit sa mga katawan nila. Tattoo.
UNO ang nakaukit kay Dark.
DOS kay Dash.
Pati rin pala si Shawn ay walang damit pang itaas. May binabalot kasi siya sa katawan niya.
TRES naman kay Shawn.
KWATRO naman si Yuan.
SAIS kay Jinx.
SYETE kay Cyan.
Sino si cinco? Binalikan ko ulit sila para hanapin 'yung cinco pero wala akong nakitang nakaukit sa katawan nilang cinco.
Wait, parang nakita ko na 'yon. Inisip 'ko kung kaninong katawan 'ko yun nakita.
Kay Sean. Oo, 'kay Sean nga.
Nung nagtanggal siya ng shirt sa harapan ko, nakita 'ko yun sa kaniya.
Lahat pala sila ay may tattoo sa katawan, pare-pareho pa kung saan nakalagay. Sa ilalim ng kaliwang dibdib.
Para saan 'yon? Anong meaning no'n? At bakit sila may tattoo?
"Hey, Saji!" Saway sa'kin ni Jinx kaya agad akong umiwas ng tingin.
Gago, nakakahiya 'yon. Sana kainin na ako nitong upuan.
Tinawanan ako nung iba. Akala ko tapos na pero may biglang tumabi sa'kin, si Jinx.
Gago, ang awkward nito, nahuli niya akong nakatingin sakanila habang nakahubad tapos ngayon ay nakaupo na siya sa tabi ko na walang shirt.
Sean! Kunin mo na ako, please! Gago, ayokong magtaksil sa'yo.
"Oh, bakit ayaw mo akong tingnan? Parang kanina lang tinititigan mo kami," Pangaasar pa niya lalo.
Tinalikuran ko na siya, tatayo na sana ako pero hinila niya ang braso 'ko kaya napaupo ako ulit sa tabi niya.
Sean! Please! Ayoko rito! Kunin mo na ako, isama mo na lang ako sa'yo kung nasaan ka man. God! Ayokong magkasala sa'yo, ayokong magtaksil! Loyal ako!
"Hoy, bakit ka umiiyak?" Natatawang tanong sakin ni Jinx.
Hindi ko siya sinagot at umirap lang ako sa hangin.
Lahat sila ay tinawanan na kami. Papamulto ko kayo 'kay Sean. Tinitingnan 'ko lang naman tattoo nila, eh.
"Magbihis ka nga! Nakakadiri ka, loyal ako. Bwakanangshit ka!" Inis na saad ko.
Tumawa lang siya at tinapik ang balikat ko saka tumayo.
Lahat pala sila ay pinapanood kami habang tumatawa.
Kinilabutan ako ro'n, ah?
Sean, ikaw ba 'yan? Mahal naman kita, eh.
'Wag ka namang ganyan.
BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...