Jasmine Della Fuerte
Tumalsik ang hawak kong baril, ramdam 'kong may tumutulo na kung ano sa kamay 'ko kaya agad 'kong tiningnan 'yon. Nadaplisan ako, dumudugo ang kamay 'ko.
"PUTANGINA! PAPATAYIN 'KO TALAGA KAYO!"
Sigaw ni Celestine.Haharangan ko sana si Celestine pero naunahan na ako ni Elyse.
Natamaan si Celestine sa kanang binti. Tumayo ako kahit na kumikirot ang kamay ko.
Lakas loob akong humarap sa kaniya. . . sa kanila.
"Tigilan niyo na kami,"
"Ang tapang mo pa rin pala talaga, ha? Dapat pala pinuruhan na kita,"
Dahil sa galit ko sa kaniya ay naitaas 'ko ang kanang kamay 'ko. Kahit dumudugo, wala akong pakialam, basta masampal 'ko lang siya.
Nasampal ko siya, malakas. . . sobrang lakas.
Lahat ng lakas, galit at sakit. Inipon ko sa sampal na 'yon.
Hindi pa ako nakuntento, sasampalin ko ulit sana siya pero naunahan na niya ako.
Sinikmuraan niya ako.
Napaupo ako sa sahig, hindi ako nagpatalo.
Tumayo ulit ako at sinuntok siya.
Pero dahil malakas siya, talo ako. Ang ending, ako ang nagsusuka ng dugo.
"Tumigil ka na, Jasmine," Pagmamakaawa ni Celestine.
Umiling ako.
Para sa mga kaibigan namin na walang awa niyang pinatay, gaganti ako. Para sa kanila, kahit buhay ko ang kapalit.
Nadampot ko ang baril na hawak 'ko kanina, mabilis 'kong tinutok sa kaniya 'yon.
Sumenyas ako kay Celestine na tumakbo na siya kapag nakatalikod ang mga kaharap ko.
"Hindi ako magaalinlangan na iputok sa inyong lahat 'to," Galit na saad ko.
Hindi man lang sila natakot.
Kaya ang ginawa ko ay pinaputukan 'ko ang kaliwang tuhod nung may hawak kanina kay Marie. Napaluhod siya.
Lahat sila ay nabaling sa'kin ang atensyon, do'n ko na sinenyasan si Celestine na umalis na. Mabilis siyang nakaalis.
"Dahil sa inyo, namatay ang mga kaibigan 'ko kaya ang dapat sa inyo. . . MAMAMATAY!"
Ipuputok ko pa sanang muli pero may sumipa sa tiyan 'ko.
Do'n na nila ako hinawakan sa buhok, napasigaw ako sa sakit.
"BITAWAN NIYO AKO!"
"Dalhin niyo 'yan, kakailanganin natin yang babae na 'yan,"
Nagpumiglas ako sa may hawak sa'kin. Kapag ako nakawala sa kanila, mas malala pa ang gagawin ko sa kanila.
"Para saan, boss?" Nakangising tanong nung katabi niya.
Lumingon sa kanila 'yung boss kuno at binatukan siya.
Hindi ko napigilan ang sarili 'ko, tumawa ako ng malakas. Agad naman silang lumingon sa'kin, 'yung may hawak sa'kin ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok 'ko.
"Tanga ka ba? Pera ang kapalit nilang lahat. Panigurado may mga kasamahan pa 'tong babae. Kapag naubos na natin lahat ng nabubuhay dito, magkakaroon na tayo ng limpak-limpak na pera,"
Dahil nasa likuran nila ako.
Sinipa ko sa likod ng tuhod 'yung boss nila, babagsak sana siya pero mabilis ang katabi niya at nahawakan agad siya sa siko.
Tumigil kami sa paglalakad. Mabilis siyang lumapit sa'kin at sinampal ako. Nakagat ko na lang ang labi 'ko sa sakit.
"'Yan lang ba kaya mo? Bakla ka siguro?" Pangaasar ko pa lalo.
Sinampal niya ulit ako, masakit.
Tumawa ako habang bumabagsak ang luha sa mga mata ko.
"Tears of joy ata 'to. Bakla ka nga, 'no? Bakit? Guilty ka?" Dagdag ko.
Sasampalin pa sana niya ako pero pinigilan na siya nung nasa kanan niya.
"Tama na, boss. Baka mapuruhan, hindi natin matutunton ang mga kasamahan niyan kapag napuruhan,"
Ilang segundo lang ang itinagal kong nakatayo dahil may humampas na sa batok 'ko, matigas, malakas.
Dumilim ang paningin ko at do'n na ako bumagsak.
Kayn Xenon
"Hi, big boss. Baka pwede mo na dagdagan ang bayad. May napatay na kami," Saad ko habang nilalaro sa kamay ang ballpen.
"Ang sabi 'ko, lahat patayin niyo at ibigay sa'kin ang ulo ng huling mapapatay niyo," May awtoridad na saad niya.
Napangisi ako.
"Malapit na, big boss. Padagdag na lang, ha?" Habol ko.
Bumuntong-hininga siya.
"Gawin niyo ang inuutos 'ko, dadagdagan 'ko ng 5K, 1M na. Siguraduhin niyong magagawa niyo ang inuutos 'ko para madagdagan pa yang 1M,"
Napahiyaw ako sa saya.
Pinatay ko na ang tawag at saka 'ko ininom ang beer na nakapatong sa mesa. Malapit 'ko na mahawakan ang limpak-limpak na pera.
May kumatok sa pinto kaya ibinaba ko ang paa 'ko na nakapatong sa mesa. Pumasok din naman agad siya. . . si Mark.
"Ano? Gising na?"
Tumango siya.
"May nakuha na kayong sagot kung nasaan ang iba niyang mga kasamahan?"
Umiling naman siya.
"Ayaw pa rin magsalita, inaasar lang kami. Baliw ata 'yung babaeng 'yon, kung hindi mangaasar, tatawa," Umiiling na saad niya.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay narinig 'ko agad ang tawa nung babae.
Nagkamali pa ata kami ng binuhay, baliw nga ata 'to.
"Wala kayong mapapala sa'kin, nagaaksaya lang kayo ng oras at laway niyo!" Sigaw niya saka tumawa.
Kumuha ako ng upuan at saka naupo sa harapan niya, sinamaan niya ako ng tingin.
"Nasaan ang iba mong kasamahan?" Seryosong tanong ko.
Tumingin siya sa mga mata ko.
"'Diba pinatay niyo? Pinatay niyo ang mga kaibigan 'ko! Wala kayong awa!" Sigaw niya kasabay ng pagwawala.
Lumingon ako kay Mark na nasa likuran ko.
"Patay na ba 'yung isang babae? 'Yung tinamaan sa binti?" Tanong ko.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Hindi namin alam," Sabay na sagot nilang tatlo.
Tumawa 'yung babae kaya nabaling ang atensyon namin sa kaniya.
"MGA BOBO! MGA MUKHANG PERA KASI KAYO KAYA HINDI NIYO ALAM KUNG NAPATAY NIYO BA SILA! WHAT IF BUHAY PA SIYA? WHAT IF HUMINGI SIYA NG TULONG SA IBA AT BIGLA NA LANG SILA SUMULPOT DITO AT PATAYIN KAYONG APAT? HALA!" Nanlalaki ang mga mata niya habang sinasabi 'yon.
BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...