Tinawag ko na sila mama at Papa para kumain.
"Wow! Sinong nagluto?" Tanong ni Mama na doon pa rin nakatuon ang tingin sa niluto kong sinigang. Favorite kasi nila 'yon ni Mama at Papa kaya 'yon ang naisipan 'kong lutuin.
Itinaas ko ang kamay 'ko, confident ako kasi ang sabi ni Manang masarap daw ang luto 'ko.
Ginulo ni Papa ang buhok ko na agad 'ko naman siyang sinamaan ng tingin habang inaayos 'ko ang nagulo 'kong buhok. Tumawa naman silang tatlo sa inasal 'ko.
Habang kumakain kami ay hindi nawala ang tawanan, kinukwento na naman kasi ni Papa ang story nila ni Mama. "Alam niyo bang ang pinaghirapan 'kong makuha ang matamis na oo ng Mama mo?" Nakatingin sa'kin si Papa habang sinasabi niya, Tumango lang ako. Saulo ko na nga 'yung story nila, halos araw-araw kasi ni Papa kinukwento, proud siya na naging asawa niya si Mama.
"Lahat ng sabihin ng Lolo at Lola mo ay ginagawa 'ko. Hindi naman mahirap, masaya ako habang ginagawa 'ko lahat kasi alam 'ko, worth it 'yon pagdating ng panahon." Makikita mong kumikislap ang mga mata ni Papa.
"Pero sa pagbubuntis pala ng Mama mo ako mahihirapan," Lahat kami ay natawa. 'Diba?
Kahit wala pa si Papang sinasabi ay natatawa na kami, gano'n siguro talaga kapag alam mo na ang susunod. "Inakyat 'ko ang bundok at hinanap ang prutas na gusto ng Mama mo at ang nakakatawa pa do'n, gusto niya 'yung manggang walang buto," Kahit na ilang beses ko na narinig ay hindi 'ko pa rin mapigilan ang humagalpak ng tawa.
"Ikaw naman, mahal. 'Yon kasi ang nagustuhan 'ko no'n," Tumatawang saad ni Mama.
Mamimiss ko sila ng 1 week.
Tinapos na namin ang pagkain, si Manang na ang nag-presinta na maghuhugas ng pinagkainan. Pumayag ako dahil may kailangan pa akong ayusing mga gamit.
Pumasok ako sa kwarto ko. Nakita 'ko do'n ang mga nagkalat 'kong mga gamit, ang hindi 'ko alam ay nakasunod pala sa'kin si Mama.
"Grabe naman, anak. Parang hindi ka babae,"
Sumimangot ako sa sinabi ni Mama. Nagmadali kasi ako kanina gawa ng magluluto nga ako kaya ganiyan 'yan kagulo.
Lumapit si Mama doon at siya ang nag-ayos ng gamit ko, naupo ako sa kama at nilagay lahat ng kailangan 'ko sa maleta. "Mamimiss ka namin, alagaan mo ang sarili mo ha?" Si Mama talaga, parang ayoko na tuloy umalis. Para naman kasing pupunta ako sa abroad.
Tumango na lang ako. Uso naman ang phone, pwede naming gamitin 'yon para makapag-usap, may skype naman.
Ilang oras din siguro kaming nagaayos ng gamit ko, pagkatapos no'n ay lumabas na si Mama at ako naman ay dumiretso sa banyo ng kwarto 'ko. Naglinis ako ng katawan at nagbihis, sinuot 'ko ang pajamas 'ko.
After no'n ay humiga na ako, sigurado akong mahaba-haba ang byahe namin bukas kaya kailangan ko ng sapat na tulog, maaga rin kasi ang alis 'ko.
Pagkahiga 'ko ay nakatulog na rin agad ako.

BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
خيال علميWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...