Kylie Sylvestre
Pagsilip pa lang ni haring araw ay nagsimula na ulit kaming maglakad ni Yuan. Ang sabi niya ay susunod pa rin kami sa plano ni Dark.
Kahit mainit ay patuloy kami sa paglalakad.
Wala na akong pakialam kung mahilo kami.
Nakakapit ang kanang kamay 'ko sa kaliwang braso niya. Mabuti na nga lang at malakas ang pakiramdam ng kasama 'ko.
Kahit kaluskos ay dinig niya, hindi katulad 'ko na kapag hindi pa sumulpot sa harapan 'ko mismo ay hindi 'ko malalaman na may zombie na.
"Sana nando'n na sila," Bulong ko.
Sigurado akong dinig 'yon ng kasama 'ko dahil napalingon siya sa akin at muling humarap sa harapan.
Pinagsisipa 'ko ang mga bato na nadadaanan namin.
Ramdam 'ko na rin ang butil-butil na pawis 'ko sa noo at basa na rin ang likod 'ko dahil sa pawis.
Tirik na kasi ang araw, napalayo rin kasi ang takbo namin kanina dahil sa mga zombies.
Hindi naman namin alam na may mga zombies na nakapalibot sa tinataguan namin kaya kailangan pang magbutas sa taas para roon lumusot.
Nahirapan pa kaming bumaba dahil talagang nakaikot sila. Kung hindi pa bumato ng bato si Yuan sa kabilang bahagi para roon sila pumunta ay hindi kami makakaalis do'n.
Hinabol pa kami kaya lalo kaming nahirapan.
Dahil sa ginagawa 'kong pagsipa ay nadapa ako.
Nauna pa ang mukha 'ko sa pagbagsak kaya hindi na ako magtataka kung marinig 'ko ang malakas na tawa ni Yuan.
Hindi nga ako nagkamali, dahil pagkatapos 'kong bumagsak ay tumawa siya ng pagkalakas-lakas.
Ako naman ay hiyang-hiya na nakadapa sa lupa.
Sana lamunin na ako ng lupa ngayon.
Nakakahiya naman. Bakit kasi ang tanga-tanga 'ko?
Ilang segundo rin akong nakadapa ro'n nang itayo na ako ni Yuan.
Tumatawa pa rin siya.
Inis 'kong dinampot ang lupa na may dahon pa saka binato sa kaniya.
Oh? Natigil din sa pagtawa.
"Lamunin mo yang lupa. Inuna mo pa talaga ang pagtawa bago ako tulungan?" Ungot ko.
Hindi siya nagsalita at pinagpag ang mukha niya na puno ng lupa.
Pinagpag 'ko na rin ang sarili 'ko bago tumingin sa kaniya.
Nagulat ako dahil napakalapit ng mukha niya sa akin, ngumisi siya dahil doon.
Umayos siya ng tayo at pinagpagan ang tuhod 'ko bago inayos ang pagkakatali ng sintas 'ko, na hindi 'ko alam na natanggal na pala ang pagkakatali no'n.
Pagkatapos noon ay lumakad kami, wala pang limang hakbang ang nagagawa namin nang makita namin kung ano ang nasa harapan namin.
"Yuan. . ." Tawag ko sa kaniya.
Wala siyang naging tugon doon at tutok ang atensyon sa nasa harapan namin.
Dahil sa sobrang saya na nararamdaman 'ko ay nagkakandarapa akong tumakbo papalapit doon.
Naririnig 'ko ang pagtawag sa pangalan 'ko ni Yuan pero wala na akong pakialam doon.
"HEY! CAREFUL, BABE!"
Mabilis 'kong binitawan ang dala 'kong baril at saka nagtaas ng dalawang kamay na parang sumusuko sa mga pulis.
Wala na akong naririnig na kahit na ano kundi tibok lang ng puso 'ko na parang gusto na atang lumabas mula sa katawan 'ko.
Lahat sila ay nakatutok ang mga hawak na baril sa amin ni Yuan na nasa tabi 'ko na.
Katulad 'ko ay nakataas na rin ang mga kamay niya at habol-habol ang hangin.
May sinabi sila sa walkie talkie bago lumakad papunta sa amin ang isa sa kanila at inumpisahan nang kapakapan kami.
Nang matapos ay may sinabi ulit siya sa walkie talkie.
"Negative. . ."
Hindi 'ko masiyadong naintindihan ang sinabi sa kabilang linya.
Pagkatapos sabihin ng isang boses doon ay sinenyasan niya kami.
"Sumunod kayo sa kaniya, gagamutin mga sugat niyo,"
BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...