016

76 12 0
                                        

Dark Ramirez

Pagbukas ko ay may message pala sa'kin si Dad. Binuksan 'ko 'yon.

DAD

From Dad :

Nasaan kayong magkapatid?

Nandito kami ng Mom mo sa isang store, mag-ingat kayo.

Hahanapin namin kayo.

Matagal na 'yung nessage niya sa'kin.

To Dad :

I miss you.

Nasaan kayo ni Mom? Sana nasa mabuting kalagayan kayong dalawa.

Habang nag-tatype ako ng message para kay Dad ay may nagpop up naman na message, inalis ko 'yon at nagpatuloy sa pag-tatype.

To Dad :

I love you.

From ignore this mother fucker: I love you too, twinem.

Napapikit ako sa inis, na wrong send pa ako.

Tangina talaga nito ni Dash.

Tumingin ako sa harapan ko, nakita 'ko siyang nakatingin sa'kin habang nakangiti, bumulong siya. Hindi 'ko rinig pero kita sa bibig niyang nagsabi siya ng, "I love you,'

Sinipa ko siya dahilan ng pagtumba niya, imbes na magalit siya ay tumawa pa siya.

"Ikaw ang nagsabi ng i love you, katakot kaya i-reject baka kasi magalit ka kaya nag i love you too na lang ako," Natatawang explain niya.

Sinimangutan ko lang siya.

"By the way, may message rin ba sa'yo si Dad? Sa'kin kasi meron, eh," Saad niya habang nakatingin sa phone at nagkakamot ng batok.

Tumango lang ako sabay pakita sa kaniya ng screen ng phone ko.

Tumingin naman siya, nakita ko sa mukha niya ang asar at saya.

"Kaya pala minsan hindi mo 'ko ni-rereplyan, ganiyan pala contact name 'ko sa'yo,"

Agad kong tiningnan 'yung phone 'ko, hindi 'ko pa pala na-eexit 'yung convo namin. Nilipat 'ko 'yon sa convo namin ni Dad saka 'ko ipinakita sa kaniya.

"Nawalan kasi ng signal kaya hindi agad ako naka-reply sa kaniya," Saad ko.

Tumango siya.

"Ako rin, ganiyan lang din message sa'kin,"

"Hahanapin daw nila tayo pero hanggang ngayon hindi pa rin tayo nagkakasama,"

"What are we going to do now?" Tanong ko.

Pumitik siya sa hangin.

"Bago 'ko sagutin yang tanong mo, sagutin mo muna y'ung tanong 'ko,"

Napakunot ang noo ko. Minsan ang sarap itakwil ni Dash bilang kapatid, ang gulo niya.

Minsan makikita mong seryoso siya minsan naman tumatawa mag-isa, ayoko magkaroon ng kapatid na baliw.

Kapag tinanong mo kung bakit siya tumatawa mag-isa, isasagot niya, 'nag joke kasi 'yung utak 'ko,'

Tangina, baliw.

"Ano ba tanong mo? Kapag hindi ka nagseryoso basta ka na lang tatalsik diyan sa inuupuan mo," Pagbabanta ko.

Tumawa naman agad siya. Kalokohan na naman nga.

"Bakit ba gano'n contact name mo sa'kin, ha? Alam mo bang masakit 'yon sa part 'ko? Akala 'ko dati hindi mo hawak phone mo kaya hindi ka nakakapag-reply tapos malalaman 'ko ngayon na gano'n pala contact name 'ko sa'yo?" Pagmamaktol niya.

Sinipa ko siya.

"Napaka-arte mo talaga, dinaig mo pa ang babaeng may period,"

Lalo siyang nagwala sa sinabi ko.

"Ang random naman kasi ng mga message mo sa'kin, nasa trabaho ako tapos bigla ka na lang magsesend ng picture ng mga isda kasama ka na may hawak na baso na may lamang tubig,"

Sinipa ko na naman siya.

"Tapos sasabihin mong, 'twinem, look. pinainom 'ko 'yung mga isda kasi mukhang uhaw na uhaw na,' tangina, sinong hindi ma b-bwisit do'n?" Dagdag ko.

"Bakit? Nauuhaw kasi sila kaya 'ko pinapainom, 'diba ikaw kapag nauuhaw ka iinom ka rin?" Katwiran niya.

Lalong nag-init ang ulo ko.

"Kaya nga sila isda at nasa tubig para hindi na painumin, papakainin na lang. Tangina mo, nag-iinit ulo 'ko sa'yo. Lumayo ka muna sa'kin," Inis na saad ko.

Tumawa siya.

"Chill ka lang, twinem. Kaya mahal na mahal kita eh,"

Akmang lalapit siya sa'kin para yakapin ako pero tinulak ko siya at tumayo.

Lumapit ako sa pwesto nila Hades at Yuan.

"Napikon ka na sa kakambal mo?" Pangaasar pa sa'kin ni Yuan.

Tinanguan ko lang siya.

Tumawa sila pareho ni Hades.

"Dito ka na lang. Ako na ang lilipat,"

Umupo ako sa pwesto ni Hades habang pinapanood ko siyang lumapit 'kay Dash.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon