031

64 11 0
                                    

Saji Mercedes

Hindi 'ko alam kung anong mararamdaman 'ko, kung matutuwa ba ako dahil nandito na siya at kasama na namin o maiinis dahil napakalapit lang pala niya sa amin noon pero hindi 'ko man lang siya nakita.

Katabi 'ko siya ngayon sa upuan, nakain kami ng almusal. Mabuti na nga lang at may stock ng mga pagkain itong bahay na tinutuluyan namin.

"I know na pagod kayong lahat sa mga nangyayari, gusto 'ko man na ako na lang ang kumilos kaso hindi pwede dahil hindi 'ko kakayanin. Kailangan na nating kumilos lalo na ngayon na nadagdagan ang kalaban natin,"

Bumuntong-hininga ako.

Meron nga pa lang grupo ang gustong pumatay sa amin.

Naalala 'ko na naman yung Mark, naramdaman 'ko na agad ang galit na pumupuno sa katawan 'ko.

Siya ang may kasalanan kung bakit sumabog ang headquarters.

Narinig 'ko rin ang pag-uusap ni Shawn, Dash at Dark kagabi. Kilala nila 'yung grupo ni Mark.

Ang naintindihan 'ko ay. . . dating may frat daw 'yon si Kayn at kasama ro'n 'yung pinsan niya nga na si Mark pero hindi nila nabanggit 'yung dalawa pang lalaki na kasama nung magpinsan.

Umiikot lang sa dalawang pangalan ang binabanggit nila.

"Gusto niyo bang hiwa-hiwalay ulit tayo or magkakasama na?" Dagdag tanong pa nito.

Nagtaas ng kamay si Kylie kaya tiningnan namin siya bago siya magsalita.

"I think. . . mas maganda kung magkakasama na lang tayong lahat para maprotektahan natin ang isa't-isa,"

Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya.

Maganda nga 'yung magkakasama kami para hindi na kami mahirapang hagilapin ang isa’t-isa. Lalo na 'yung nangyari sa aming lahat, maraming namatay. Ayoko nang maulit 'yon, kaya hangga’t maaari. Magsama-sama na lang kami.

Pero. . . naisip 'ko rin kung magkakasama kaming lahat, mahihirapan naman kaming kumilos. Mahihirapan kaming tumakbo kung sakali.

Mabigat na buntong-hininga ang binitawan 'ko bago muling tumingin sa harapan kung saan nakaupo si Dark na halatang namomroblema rin.

Alam 'ko na kahit hindi magsabi mga kasamahan namin, mas gugustuhin nilang dumito na lang. Kahit naman ako. Mas gugustuhin 'kong dito na lang at 'wag na lumabas.

Pero. . . hindi pwede dahil bukod sa mga zombies, may dumagdag na kalaban ang kailangan naming harapin.

Naramdaman 'kong may humawak sa kamay 'ko na nakakuyom na pala, tiningnan 'ko kung sino ang humawak. Nakita 'ko si Sean na nakatingin sa harapan, walang pakialam sa reaksyon 'ko nang hawakan ang kamay 'ko.

Aaminin 'kong gumaan ang pakiramdam 'ko ro'n, may kaunti pang pangamba sa katawan 'ko pero nabawasan 'yon kahit papaano sa ginawa ni Sean.

Ngayong buhay nga siya at katabi 'ko, na hawak pa kamay 'ko. Pakiramdam 'ko, safe na ulit ako. Sa tuwing kasama 'ko siya, parang walang kayang manakit sa akin dahil nandiyan lang siya. Handang ipagtanggol ako.

Kahit naman maloko ang isang ito ay hindi magbabago ang nararamdaman 'ko sa kaniya.

Mahal 'ko siya at mamahalin 'ko pa sa bawat araw na lumipas.

Dark Ramirez

Hindi 'ko na alam kung anong uunahin 'ko.

Kung ilalabas 'ko ba ang mga kasama 'ko?

Lalaban sa mga taong gustong pumatay sa amin o hahanapin 'ko ang magulang namin ni Dash. Litong-lito na ako.

Hindi 'ko nga alam kung buhay pa ba ang magulang namin ng kakambal 'ko. Tatlong linggo at mahigit na nga siguro kaming nakakulong dito pero ni bakas ng magulang namin ay wala akong makita.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon