Special Chapter

135 13 0
                                        

After two years. . .

Saichi Salvatore

Dinala nila ako ng mga kaibigan sa salon, ewan 'ko ba sa mga ito. Kung anu-ano naiisip.

Naghihinala na nga ako.

Kapag tatanungin kung anong meron, iba-iba sila ng sagot. Kesyo, gusto akong makasama, kesyo trip nila at kung anu-ano pa.

Nung isang linggo ay magkakasama rin kami, pumunta kami sa sementeryo para dalawin mga kaibigan namin.

Galing din kami sa mental hospital, dinalaw namin si Tito Saint.

Doon siya dinala dahil sa sakit niya, hindi raw pwedeng ikulong dahil sa kalagayan baka raw lumalala pa.

Kaya dinala roon para gamutin.

"Ano ba gagawin natin?" Inip kong tanong nang ipaupo nila ako isang upuan kaharap ang salamin.

Kitang-kita 'ko ang hitsura 'ko, halatang pagod.

Dami kasing trabaho, daming clients 'ko ngayong linggo.

Kinidnap nga lang ako ng mga kaibigan 'ko sa office 'ko, bigla akong hinila. 'Buti na lang at wala akong kausap na client, inaayos 'ko lang ang mga design para sa bahay ng clients 'ko.

Lumapit ang isang binabae sa pwesto 'ko at marahan na hinaplos ang mahaba 'kong buhok.

"Anong gagawin natin sa buhok mo, Madam?"

Tumingin siya sa akin mula sa salamin.

Ano nga ba? Biglaan kasi 'to, eh.

"Paputol po hanggang batok sana," Sagot ko pagkaraan ng tatlong minuto.

Suminghap ang mga kaibigan 'ko dahil sa sagot 'ko.

Tama naman sagot 'ko, ah?

Ano pa ba gagawin namin dito sa salon?

Tatambay? Kakain? Ayoko namang ipakulay ang buhok 'ko, baka kasi masira.

"Tama ang desisyon niyo, Ma'am. Napakaganda ng buhok niyo, ang healthy," Nakangiting usal niya.

Ngumiti na lang ako.

Inabala 'ko ang sarili 'ko sa mga magazine na tinambak ng mga kaibigan 'ko sa harapan 'ko, para raw hindi ako mainip.

"Tapos na, Madam. Tingnan niyo sarili niyo, napakaganda niyo. Bagay na bagay ang gupit,"

Inalis 'ko ang tingin 'ko sa magazine at tumingin sa salamin.

Bago pa man ako makareact, nagtilian na ang mga kaibigan 'ko.

"Oh my god! Bagay sa'yo, ang ganda mo!" Tili ni Kylie habang nakahawak sa magkabilang balikat ko at ngiting-ngiti na nakatingin sa akin.

Tiningnan 'ko ang sarili sa salamin, bagay nga sa akin 'yung gupit. Never pa kasi sa talambuhay 'ko na magpagupit ng ganitong kaikli kaya nakakapanibago talaga.

Binayaran nila Saji 'yung salon bago kami lumabas at pumunta sa isang resto sa loob ng mall, kakain muna raw kaming lunch bago tumungo sa susunod na pupuntahan namin.

Kung ano man 'yon ay wala akong idea.

Umorder lang sila ng kung anu-ano, siyempre hindi nawala ang tawanan habang kumakain.

Pumasok bigla sa isip 'ko si Dark, kinuha 'ko agad ang phone 'ko sa bulsa saka 'ko siya tinext na nasa resto kami sa loob ng mall. Baka kasi nag-aalala na sa akin.

After 'ko isend ang message 'ko ay doon 'ko nakita ang huling usap namin. Kanina pang umaga 'yon.

Napanguso ako.

May kakaiba talaga 'kay Dark. Alam 'kong busy siya sa work pero hindi siya ganito, na hindi ako naaalalang i-message or tawagan.

Tumingin ako sa mga kaibigan 'ko na nakaabang na pala sa akin.

Lalo akong ngumuso.

"'Yung mga boyfie niyo ba, ganito rin? Busy din?" Tanong ko.

Umiling si Saji.

Siyempre, si Sean pa ba? Eh, ayaw nga no'n mahiwalay sa mga mata niya si Saji, tinalo pa ang pulis.

Si Kylie naman ang tumango bago sinamaan ng tingin ang iba kaya napatango na rin lalo na si Jorji na wala namang boyfriend at si Hades na girlfriend ang meron. Hindi 'ko na lang pinansin 'yon at tinapos na ang pagkain.

Sumakay na kami sa van na dala ni Hades, dahil siguro sa kabusugan at pagod 'ko ay paglapat pa lang ng likod 'ko sa upuan ay tumiklop na ang mga talukap ng mga mata 'ko.

Nagising ako nang maramdaman 'kong tumigil ang sasakyan, kinusot 'ko muna mga mata 'ko bago lumingon sa paligid.

Bumungad sa akin si Sage at Kylie na nakangiting pinagmamasdan ako.

Nilingon 'ko ang paligid nang dumampi sa balat 'ko ang napakalamig na hangin.

"Nasaan tayo?" Tanong ko pagkatapos humikab.

Ngumiti sila at inalalayan akong makababa ng sasakyan.

"Secret," Mapang-asar na sagot ni Kylie kaya tumawa si Sage.

Ako naman ay gulong-gulo na.

Bago pa man ako makasagot muli ay may tumakip sa mga mata 'ko kaya wala na akong makita kundi kulay itim.

"Hoy! Teka! Ano 'to?"  Nag-aalalang tanong ko.

"Just walk, Sai. Nandito kami ni Kylie para alalayan ka," Mahinhin na usal ni Sage.

May tiwala naman ako sa kanila kaya tumango ako.

Naramdaman 'kong inaakay na nila ako, nagpadala lang ako. Kung anong sabihin nila ay sinusunod 'ko.

Ang hindi 'ko lang malaman ay bakit pataas ang dinadaanan namin at may mga hagdan.

Ilang minuto rin 'yon saka kami tumigil sa paglalakad. Nakarinig na rin ako ng musika na pamilyar sa akin.

Kinapa 'ko ang magkabilang gilid 'ko pero hindi 'ko na maramdaman ang presensya ng dalawa.

"Hoy! Iniwan niyo ako? Mahuhulog ako!" Sigaw ko habang nangangapa pero walang sumagot.

Nagsimula na akong mainis kaya dali-dali 'kong kinalas ang buhol ng blindfold sa mata 'ko.

Nasilaw pa ako sa liwanag kaya pumikit muli ako bago nagmulat.

At pagmulat 'ko ay bumungad sa akin ang mga nagkalat na petals sa sahig, mga kaibigan 'kong nag-ipon sa gilid.

At si Dark. . . na nakaluhod sa harapan 'ko. . .

"What are you doing, love?" Nagtatakang tanong ko pero ngumiti lang siya habang tumutulo ang luha niya sa mga mata.

Maiiyak na rin sana ako pero narinig 'ko ang pagsabay ni Sean, Jinx at Cyan sa kanta na ikinasira ng tono.

Sinaway sila ni Saji kaya tumigil ang tatlo at natuon na naman ang tingin 'ko sa lalaking nakaluhod pa rin sa harapan 'ko.

Pinanood 'ko lang ang kilos niya, may kinuha siya sa bulsa niyang black box.

Napatakip ako sa bibig 'ko at napaiyak.

Nang buksan niya 'yon ay bumungad sa akin ang nagniningning na diamond ring.

"Wearing this ring means wearing my surname for the rest of your life,"

"Will you marry me, Saichi Salvatore?" Naiiyak na tanong niya.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sunod-sunod na tango ang ibinigay 'ko.

"Yes, yes. I will marry you,"

Niyakap niya ako ng mahigpit at pagkatapos ay isinuot na sa akin ang singsing.

Napuno ng hiyawan at iyakan ang paligid.

Our lips met, sealing the engagement with a kiss.

"I love you," Dark whispered in between kisses.

"I love you," I answered.

"To more years with you, love,"

I heard him chuckled before repeating what I said.

"To more years with you, mahal 'ko,"

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon