039

55 9 0
                                        

Third Person

"PARA SA PANGGAGAG0 MO 'TO!"

Sinapak siya ni Dark nang malakas na malakas.

"ITO NAMAN AY PARA 'KAY DIANNE!"

Nakatikim ulit ng malakas na sapak si Kayn 'kay Dark.

Basag na ang ilong nito pati na rin ang kilay at putok na rin ang labi.

Maraming dugo na rin itong nasuka pero wala pa ring humpay si Dark sa pagsapak.

"Hindi pa sapat lahat ng mga sapak na binitawan 'ko sa'yo dahil hinding-hindi mo mababayaran lahat ng kasalanan mo sa amin,"

"AKO ANG PAPATAY DIYAN!" Malakas na sigaw ni Dash bago dinampot ang baseball bat at saka hinampas sa paa si Kayn dahilan nang pagsubsob niya sa lupa.

Hahampasin pa niya sana ulit pero nakarinig sila ng malakas na tunog ng isang helicopter.

Tumakbo agad si Dark at Dash palapit 'kay Saichi nang makita na malapit sa pwesto nila pupunta ang helicopter.

Pare-pareho silang napatakip sa ibabaw ng mga mata dahil sa lakas ng liwanag na dulot ng helicopter.

Hindi nila maaninag ng ayos ang taong bumaba mula sa sasakyang panghimpapawid.

Umalis din naman agad ang helicopter, 'yung lalaki na bumaba kanina ay nakatayo lang.

Hindi pa makilala nila Dash at Dark kung sino "yon.

Dahil malapit si Kayn sa pwesto ng lalaki ay agad niya itong nakilala, mabilis siyang tumayo at ngumiti sa lalaki.

"Big boss. . ." Kumikislap-kislap pa ang mga mata niya nang banggitin niya yon.

Tumawa 'yung lalaki na lalong gumimbal sa kambal.

"Long time no see," Panimula nung lalaki na lumingon na sa kambal.

Doon lang din pumasok sa isip nila kung kaninong boses 'yon at sino ang lalaking iyon.

"Hindi niyo man lang ba ako babatiin? Hindi niyo babatiin si Tito?"

Nakagat ni Dark ang ibabang labi niya nang mag-umpisa nang bumalik sa isipan niya lahat ng mga ginawang kademonyohan ng lalaking kaharap nila ngayon.

Kung bakit sa murang edad nila ay nakaranas agad sila ng sakit na hinding-hinding kayang burahin ng kahit na sino sa isipan nila.

Na sa murang edad ay namulat agad sila sa reyalidad, na kung paano kumilos ang mga tao sa paligid nila na kung paano umikot ang mundo.

Tumulo ang luha ng dalawa, dahil sa liwanag ng buwan ay napansin agad ni Saichi 'yon.

Wala siyang magawa kundi hawakan lang ang kamay ng dalawa para ipaalala na nando'n lang siya sa tabi ng mga ito.

"Ang lakas ng loob mo magpakita pa sa amin matapos ng mga ginawa mo na kahit kailan ay hindi 'ko malilimutan," Matigas na usal ni Dark.

Hindi nagsalita 'yung lalaki at nakatitig lang sa kanila.

"Demonyo ka," Dagdag ni Dash.

Pagkatapos ng matagal na katahimikan ay umimik muli ang lalaki.

"Hindi ako 'yung gumawa sa inyo no'n,"

Naibato ni Dash ang baseball bat sa pwesto ng lalaki, pero dahil sa lakas ng pagkakabato ay malayo ang narating no'n.

"Huh? Kitang-kita namin. Kitang-kita 'ko. Kitang-kita ng dalawang mga mata :ko. Nakita 'ko ang pagmumukha mo, ikaw ang nakita 'ko tapos itatanggi mo?" Inis na bulyaw ni Dash.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon