Third Person
"Nauuhaw na ako,"
Nilingon ni Saji ang nagsalita.
Inirapan siya nito nang makaharap sa kaniya.
"Ano gusto mong gawin 'ko?" Pagtataray pa nito.
Napailing na lang si Sean at hawak-hawak ang tuhod habang naglalakad. Mukha itong matanda na uugod-ugod.
Tagaktak na rin ang pawis nilang dalawa pero patuloy pa rin ang paglalakad. Kung saan man pupunta ay hindi nila alam.
Sa kabilang banda ng resort ay nando'n ang tatlong magkakaibigan. Pare-parehong nanlulumo sa nangyari sa isa nilang kaibigan.
Lalo na si Sage na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
"Tama na, Sage. Huwag ka na umiyak. Hindi natin mababago ang oras kung iiyak ka lang," Pagpapalubag-loob ni Astrea pero lalong lumakas ang iyak ng babae.
"Paunti-unti na tayong nalalagas, Astrea. Hindi 'ko kayang pigilan ang luha 'ko. Hirap na hirap na ako. Hindi 'ko na kaya," Humihikbing usal pa niya.
"Anong gusto mong gawin natin? Kunin si Jinx at isama sa atin? Ganoon ba, Sage? Sa tingin mo ba kapag sinama natin siya matutulungan natin ang isa't-isa? Mas lalo tayong mapapahamak, Sage! Mas lalo tayong malalagas kung isasama natin siya!" Sigaw ni Cyan habang nakaduro sa babae na hindi na kayang huminga ng tuloy-tuloy dahil sa pag-iyak.
Lumapit si Astrea sa lalaki at agarang sinampal sa pisngi ito kaya napalingon siya sa kabilang bahagi dahil sa lakas ng sampal.
Tinusok ni Cyan ng dila niya ang pisngi sa loob saka umigting ang panga.
"Huwag na huwag mong sisigawan ang kaibigan 'ko! Wala kang karapatang pagtaasan siya ng boses!" Sigaw ni Astrea at mabilis na tumabi sa kaibigan para aluin ito.
Lumingon ang lalaki sa dalawa habang umiigting ang panga.
"Bakit? Totoo naman sinabi 'ko, ah? Kung kumilos lang agad yang kaibigan mo, hindi mapapahamak ang kaibigan :ko. Nanunuod lang siya habang lumalaban si Jinx!"
Tumayo ulit si Astrea para sana sampalin ulit si Cyan pero nahawakan ni Cyan ang palapulsuhan ng babae.
Mariing tumingin si Cyan sa mga mata ni Astrea, halata mo ang galit sa mga mata niya.
'Yung kulay brown na kulay nito sa mga mata ay bumibilog.
"Walang kasalanan ang kaibigan 'ko," Pagtatanggol ni Astrea kay Sage.
"Bakit mo siya pinagtatanggol? Nakita mo naman kanina, 'diba? Nakatayo lang siya at pinapanood si Jinx. Baka nga tuwang-tuwa pa siya dahil nahihirapan ang kaibigan 'ko o baka naman. . . magkasabwat kayong dalawa? Kaya sumama kayo sa amin para patayin kaming dalawa?"
Napabaling siya sa kabilang side dahil si Sage naman ang sumampal sa kaniya.
"Insultuhin mo na ako, huwag lang ang kaibigan 'ko. Kahit kailan, hindi namin magagawang pumatay ng tao. Itatak mo 'yan sa kukote mo,"
Dinuro pa ni Sage ang sentido ni Cyan.
Kumawala si Astrea sa pagkakahawak ni Cyan sa palapulsuhan niya bago lumakad at hinigit si Sage.
Limang beses na sinuntok ni Cyan ang pader pagkaalis ng dalawang babae. Pinagsisipa niya rin ang mga bagay na makita niya.
"AH!" Sigaw niya at sinuntok muli ang pader bago sumunod sa dalawa.
Pumunta sila sa may kahuyan at doon nanatili.
Magpapalipas muna sila ng gabi bago lumakad muli papunta sa entrance ng resort.
'Yung dalawang babae ay magkatabi habang nakasandal sa kahuyan.
Si Cyan naman ay nakasandal sa puno, ilang dangkal ang layo sa dalawa.
Habang sila Saichi ay tumatakbo pa rin.
Nakaakit kasi ng mga zombies ang malakas na sigaw ni Jorji dahil sa pagkakadapa.
Buhat-buhat ni Dash sa likod si Jorji dahil hindi na kaya ng babae tumakbo.
Hindi na rin nila pwedeng gamitin ang mga baril nila dahil mawawalan na rin ng bala 'yon, kakaunti na lang ang natira at wala na silang bala na ipapalit.
"Bilis! Bilisan niyo!" Sigaw ni Dark sa likuran.
Nauuna sa kanila si Hades bago sumunod si Saichi at sa likuran niya ang apat na sila Monica, Dash, Shawn at Jorji.
"LUMIKO KAYO! BILISAN NIYO!" Sigaw pa ulit ni Dark.
Lumiko sila sa may kahuyan at nagtago sa likuran ng malaking bato.
Hihingal-hingal silang nakasilip sa gilid, tinitingnan kung may nakasunod ba.
Nang isang minuto na ang nakalipas, walang lumalabas na zombies ay pinaapak ni Dark si Saichi sa bato.
"Bakit?" Tanong ng babae.
Naguguluhan sa nangyayari.
"Just follow me. . ."
Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Saichi bago itinaas para makapatong sa bakod.
Lumingon muna siya sa gilid bago bumaling ulit sa babae.
"Umakyat ka, hintayin mo si Jorji. Itataas 'ko siya,"
Tumango agad si Saichi at nagsimulang akyatin ang bakod.
Nang makatungtong na sa bubong ng isang cottage ay lumuhod siya para hintayin si Jorji.
Hinawakan ni Dash sa bewang si Jorji. Si Dark naman ay umalalay sa may paanan.
Nakakapit naman agad si Jorji sa bakod, napakunot pa ang noo dahil sa sakit ng bukong-bukong.
Kinuha ni Saichi ang kamay nito bago inalalayang umakyat, nakaalalay pa rin naman ang dalawang lalaki kung sakaling babagsak ang babae.
Nang makaakyat na ay si Monica ang sinunod nila, pagkatapos ay si Shawn.
Sunod si Hades at Dash. Nang si Dark na lang ang naiiwan sa baba ay may bigla namang dumamba sa likuran nito kaya muntikan na siyang ma-out of balance.
Mabilis naman ang naging pagkilos niya at nakailag sa infected.
"DARK!" Sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan niya.
Lumingon siya roon habang umiilag sa infected.
"Umalis na kayo! Susunod ako!"
Nakakuha siya ng bato at pinukpok sa ulo ng infected, pero parang bato ang infected na 'yon at hindi man lang nasaktan. Tuloy-tuloy pa rin sa ginagawang pagsugod 'kay Dark.
"UMALIS NA KAYO, SUSUNOD AKO!" Ulit nito pero walang kumikilos.
Si Dash ay handa nang bumaba nang sumigaw ulit si Dark.
"HUWAG KA NANG MAKULIT, BATA KA! UMALIS NA KAYO, SUSUNOD NGA AKO!"
Wala pa ring kumikilos kaya bumato siya ng bato sa taas dahilan ng pagtinag nilang lahat, 'yung iba ay nagulat pa.
"SABI KASING UMALIS NA! MALAKING BATO NA IHAHAGIS 'KO SA INYO, TINGNAN MO!"
Wala na silang nagawa kung hindi sundin ang sinabi ni Dark. Isa-isa silang tumalikod, huli ay si Saichi habang nakaalalay sa kaniya ang kakambal ng minamahal niya.
"SAICHI!"
Agad na napalingon ang babae nang tawagin ni Dark ang pangalan niya.
Ngumiti sa kaniya si Dark dahil sa mabilis na lingon ni Saichi.
"Ingat ka, babalikan kita,"
Ngumiti sa kaniya ang babae bago tumango.
"Ikaw na bahala sa kanila, Dash. Aasahan kita. Dapat buo yang mga 'yan pagbalik 'ko," Pananakot pa nito.
Tumawa si Dark bago tumango at tumalikod na.
Pare-parehong mabibigat ang loob nila nang bumaba muli sa bakod, sa kabilang side naman na puro puno na.

BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
कल्पित विज्ञानWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...