008

149 17 0
                                        

Dash Ramirez

"Jorji, Shawn at Yuan. Kayo ang magkakasama. Pumunta kayo sa isang store na may pagkain at kung may makita kayong gamit na pwede nating pakinabangan, kunin niyo," Lahat kami ay nakikinig lang sa sinasabi ni Dark.

"Hades, Monica at Kylie. Kayong tatlo, pumunta rin kayo sa store. Katulad nung una 'kong sinabi, kumuha kayo ng pagkain at gamit na pwede nating pakinabangan," Tumango lang 'yung tatlo, "Ayos lang ba na kayong tatlo ang magkakasama?" Tanong pa ni Dark.

"Ayos lang, kasama naman namin si Hades. Sure naman kaming hindi niya kami pababayaan," Sagot ni Kylie. Tumango lang sa kaniya si Dark.

"Sean, Jinx, Cyan at Saji. Kayong apat ang magkakasama. Kayong tatlo, 'wag muna kalokohan ang unahin niyo. May tiwala ako sa inyong apat kaya bahala na kayo kung saan niyo gustong pumunta,"

"Si Dash, Sage, Saichi at ako ay doon pupunta sa hotel. Mag-iingat kayong lahat. 'Yung mga cellphones niyo, 'wag niyong lowbatin. 'Yon lang ang way natin para makapag-usap, gamitin niyo lang 'yon kapag may emergency. Malinaw?" Kaya si Dark ang ginawa naming lider dahil marunong siyang mamahala ng grupo.

Tumango kaming lahat. Tumayo na kami at kumuha ng kaniya-kaniyang armas. Kumuha ako ng dalawang rifle, baka kasi kailanganin mamaya ni Dark, baseball bat lang kasi dala niya.

Lumabas na kami, sinigurado ko muna kung maayos ang pagkakakabit ng kadena sa bakod.

"Kapag may nakita kayong survivors, isama niyo rito basta siguraduhin niyong hindi siya infected, mag-ingat din kayo sa mga all-rounders hindi natin alam kung anong tumatakbo sa isip ng mga 'yon,"

Naghiwa-hiwalay na kaming lahat. Pareho kami ni Dark na nakaantabay sa gilid, likod at harapan. Baka kasi mamaya biglang may sumulpot, mahirap na. May dalawang babae pa naman kaming kasama.

"May key card ang lahat ng rooms ng hotel, I'm sure may key card kayo. Nasaan ang inyo?" Tanong ni Dark. Doon siya nakatingin sa gilid.

"Nandito sa'kin," Sagot ni Sage sa tanong ng kakambal ko.

Hindi ko maiwasang tumingin 'kay Saichi.

Seryoso lang siyang nagmamasid sa paligid.

Kitang-kita ko ang buong mukha niya dahil nakataas ang mahaba niyang buhok. . . naka high ponytail siya.

Narating din naman namin agad ang hotel, magulo na hindi katulad nung huling punta namin kung saan namin nakilala sila Saichi.

Dumiretso si Dark sa information desk kung saan nakalagay ang mga key cards, sumunod kami sa kaniya.

Lumiban siya roon sa desk saka naghanap.

Kaming tatlo ay nakabantay sa kaniya.

"May nakita ka ba, twinem?" Tanong ko.

Ngumisi ako nung may makita kaming dalawang zombies, mga nakatungo sila. . . may inaamoy.

Unang tingin ko palang ay alam 'ko na agad kung anong klaseng zombies ang dalawang 'to. . .  Stupid Zombies. Hinayaan 'kong si Saichi ang bumaril, magaling na siya.

"May nakita na ako," Bulong ni Dark kasabay ng pagtalon paliban sa desk.

Dumiretso agad kami sa elevator, "Anong floor yang hawak mong mga key cards, buddy?" Tanong ko.

"Unahin natin ang second floor," Sagot niya.

Humarap ako sa button. Nandiri ako nang makakita ako ang nagkalat na dugo sa button.

Kinuha ko 'yung tissue na nagkalat sa loob ng elevator, 'yon ang ginamit 'kong pamunas sa button saka 'ko pinindot ang 2 at ang arrow pataas.

"Hindi pwedeng mabahidan agad ng dugo ang daliri 'ko," Bulong ko kasabay ng pagngisi.

Tumunog na 'yung elevator, ibig sabihin nasa second floor na kami. Ako ang sumilip sa labas.

Tumingon ako sa kaliwa't kanan.

Nang wala naman akong nakitang kahina-hinala ay lumabas na ako at sinenyasan silang sumunod.

Si Dark ang nauuna, sumunod si Saichi at Sage.

Ako ang nasa hulihan.

Tumigil kami sa paglalakad. Nang mabuksan ni Dark 'yung room ay chineck niya muna.

Pagkatapos ay sumenyas siya sa'min na pumasok na, pagkapasok ko ay sumilip muna ako sa labas. Kailangan nating siguraduhin na walang nakasunod, nang wala naman akong nakita ay dahan-dahan 'kong isinara 'yung pinto ay humarap doon kila Dark.

Nagsisimula na silang maghalungkat kaya naman gumaya na rin ako sa kanila, "Sara mo 'yung bintana at kurtina, Sage," Utos ni Dark.

Sumunod naman agad si Sage.

Pare-pareho kaming napalingon sa gawi ng cr nang may tumunog. Sinenyasan ako ni Dark na silipin, dahan-dahan akong lumakad papunta roon. Siniguro kong wala akong ililikhang kahit na anong tunog.

Pagkatapos ay sumandal ako sa may pader, naka-pwesto na silang tatlo kung sakaling may biglang lumabas at sugurin ako. Sumilip ako sa may pinto, blur ang glass door kaya hindi ko maaninag ng ayos.

Tinitigan ko 'yon ng matagal, hanggang sa may nakita akong gumalaw. Infected.

Humarap ako sa tatlo para sabihing infected ang nasa loob, humanap ako ng kahoy na pwedeng ikawang sa pinto para hindi siya makalabas.

Nadampot ko 'yung sirang paa ng lamesita.

Dahan-dahan ulit akong bumalik doon at hinarang ang kahoy.

Napasinghap ako nang may biglang kumalabog sa loob ng cr. Lakas ng tibok ng puso 'ko roon, ah? Kung sinisinok lang ako ngayon, tanggal agad.

Kinuha na ni Dark yung isang bag, kumuha rin ako ng isang bag. Isinukbit ko 'yon sa balikat 'ko saka ako nangunang lumabas.

Lahat ng madaanan naming room ay binubuksan namin, may mga na-eencounter kaming infected pero mga stupid lang.

"Bukas na ulit tayo bumalik dito, masiyadong madami na ang dala natin. Hindi na kakayanin," Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Gumamit na lang ulit kami ng elevator pababa.

Nang makababa kami ay dahan-dahan pero mabilis kaming lumakad, hindi kami pwedeng abutan ng dilim. Habang naglalakad kami ay nakakita ako ng grupo ng mga kababaihan.

Tangina, may mga dalang baril.

Agad kaming nag tagong apat. Sumilip ako para tingnan 'yung grupo ng mga kababaihan.

Nakita ko sila malapit sa may pool, kumakain.

Wait, What? Kumakain? Sinilip ko ulit para kumpirmahin ang nakita 'ko. Tama ang nakita 'ko, kumakain sila ng tinapay. 'Yung isa pa ay umiinom ng juice.

"Mga survivors?" Tanong ni Sage.

Nagkibit-balikat ako. Hindi ako sigurado pero wala pa naman akong nakikita na zombies na nakain ng tinapay at nainom ng juice.

Humarap ako kay Dark, "Lalapitan ba natin?"

Hindi siya sumagot pero nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya.

Agad akong lumingon sa likuran ko, laking gulat 'ko nung muntikan 'ko nang mahalikan ang isa sa mga babae. Buti na lang umiwas labi 'ko. Hindi pwedeng siya ang makakuha ng first kiss 'ko, may nakalaan na para dito.

"So, dirty huh," Maarteng saad nung muntikan ko nang mahalikan. Ay, talaga? Siya pa nandiri sa'kin?

"So cheap, huh," Hindi ako papatalo. Sabihan ba naman akong dirty? Kahit nga may zombie na nagkalat, hindi ko pa rin nakakalimutang maghugas ng kamay before and after kumain.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon