Yuan Rusco
"Ano na plano natin?" Tanong ko kay Dark.
Pareho lang kaming nakamasid sa mga babaeng kasamahan namin.
Bumuntong-hininga siya.
"Hahanap tayo ng pwedeng labasan," Maikling sagot niya.
Napaayos ako ng upo saka humarap sa kaniya.
"Paano sila Tita at Tito? Titigil ka na ba sa paghahanap?" Nag-aalalang tanong ko.
Umiling siya kasabay ng pagharap sa'kin.
"Hahanap tayo ng pwedeng labasan ng mga kasama natin o niyo, ako na lang ang maghahanap sa parents namin ni Dash,"
Agad akong nagprotesta.
Hindi pwede 'yung iniisip niya, baka mapahamak siya kung mag-isa lang siyang maghahanap.
"Sasama ako sa'yo, hindi pwedeng ikaw lang ang mag isa,"
"Basta, yun na ang plano 'ko. Ikaw ang inaasahan 'kong tutulong sa'kin na makalabas ng ligtas ang mga kasamahan natin,"
Pinitik ko ang noo niya kaya nagulat siya saka ako sinamaan ng tingin.
"Para saan 'yon?" Inis na tanong niya.
"Para magising ka sa katotohanan, pwede kang mamatay kung mag-isa ka lang. Kung kasama mo ako, magkasama tayong mamamatay. Gets mo ba?" Maangas na tanong ko.
Hindi siya sumagot at tinalikuran niya lang ako.
Kahit kailan talaga 'tong si Dark, masiyadong pikon.
Binalik ko na lang ang tingin 'ko 'kay Kylie, I mean sa mga kasamahan namin.
Kahit kailan napakaganda talaga ni Kylie. Kahit na napaka-ingay niya at napaka-kulit, nangingibabaw pa rin ang ganda niya.
Nagulat ako dahil bigla siyang tumingin sa'kin, gago naka eye to eye ko siya. Umiwas ako ng tingin at nagkunyaring inililibot 'ko ang tingin sa buong room.
"Tingin ka pa sa'kin, ha?"
Tumingin ako sa kaniya na ngayong nasa harapan ko na. Wala na sa tabi 'ko si Dark.
Inirapan ko siya at tumingin naman ako 'kay Jinx at Cyan, nagkukwentuhan silang dalawa.
"Hindi mo ba ako papansinin?"
Ramdam kong naupo siya sa tabi 'ko.
"Ano na, Yuan? Dapat nga ikaw ang lumalapit sa'kin,"
Hindi ko pa rin siya pinansin.
"Hindi mo ba nahahalata na gusto kita? Tangina talaga. Gusto nga kita,"
Doon na ako napalingon sa kaniya.
"Nung una pa lang, gusto na kita. Ngayon na umamin na ako. Ligawan mo 'ko dahil ako na ang umamin,"
Napanganga ako sa sinabi niya.
Kapal din pala ng mukha nito ni Kylie. Okay lang, maganda naman.
"Ano? Liligawan mo ba ako o hindi?"
Tapang, ah?
"Liligawan, kawawa ka naman eh,"
Nakita ko sa mukha niya ang saya.
Napa-aray ako nung hampasin niya ako sa balikat.
"Alam mo bang ang saya-saya 'ko?"
"Hindi halata," Pamimilosopo ko.
Pero walang effect sa kaniya 'yung sinabi ko, talagang masaya siya na liligawan 'ko na siya.
Ibang klase talaga 'tong babae na 'to.
Wait, do I like her? Maybe?
I don't know.
I admit that she's pretty. For me, she's perfect.
Wala sa kaniya 'yung mga gusto ko sa babae pero bakit ako pumayag na ligawan siya?
Tangina, lakas ng tibok ng puso ko.

BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...