Third Person
Lahat sila ay may kaniya-kaniyang mundo.
Si Kylie at Yuan na nag-uusap na. Sa mukha palang ni Kylie ay mahahalata mo na talagang napakasaya niya.
"Sagutin kaya kita agad para boyfriend na kita bukas?" Pagbibiro ni Kylie.
Napailing na lang si Yuan sa sinabi ni Kylie.
"Hindi mo naman kailangang madaliin na sagutin ako, maghihintay ako,"
Mukhang seryoso na si Yuan sa panliligaw niya kay Kylie.
Si Edward at Blaster naman ay tahimik lang na nagmamasid. Siguro masakit pa rin para sa kanilang dalawa ang pagkawala ng dalawang kaibigan.
Si Astrea naman ay lumapit kay Cyan nang makita niya na walang kasama si Cyan.
"May tanong ako sa'yo," Pangunguha ni Astrea ng atensyon kay Cyan.
Lumingon naman agad si Cyan kay Astrea.
"Ano?" Excited na tanong ni Cyan.
Ngumiti naman agad si Astrea at naupo sa harapan nito.
"Ano ang sabi ng isang kalsada sa isang kalsada?"
Naguluhan naman agad si Cyan.
"Meron ba no'n?"
Tumango si Astrea.
"Ano?"
"Edi, hi way!"
Kumaway pa si Astrea para maaction ang sinabi niyang. . . joke?
Si Astrea lang ang tumawa, si Cyan naman ay inisip pa muna bago siya sumagot.
"Eto pa, knock knock!"
"Who's there?"
"Hawaii. . ."
"Hawaii who?"
"I'm fine, how about you?"
Tumawa na naman ng pagkalakas si Astrea, gano'n din si Cyan.
"Corny naman ng kaibigan mo," Bitter na saad ni Jinx sa kausap niyang si Sage.
Tumango naman si Sage habang pinapanood ang tawanan ng dalawa.
Sila naman ay naka-pwesto malapit sa gitna, pinag-uusapan nila kung gaano ka-corny 'yung dalawa.
Habang si Hades at Monica ay nagl-loving loving sa isang tabi.
"Baby, kapag nakalabas tayo rito. Papakasalan na kita," Sweet na saad ni Hades habang hawak-hawak ang kamay ni Monica.
"Talaga? Sure ka diyan, ha?" Paniniguro ng girlfriend niya.
Si Saji naman ay inaalo nila Saichi, Kylie, Dash at Dark.
"Saji, gutom ka ba? Gusto mo kain tayo?" Nagaalalang saad ni Saichi.
Umiling lang si Saji na nakatungo sa balikat ni Saichi.
"Gusto 'ko na umuwi, uwi na tayo,"
Nagkatitigan silang apat.
"Hahanap tayo ng pwedeng labasan tapos makakalabas na kayo, makakauwi na kayo," Paniniguro ni Dark.
Agad naman siyang siniko ni Dash sa tagiliran.
"Kanina ka pa. Tayong lahat ang lalabas hindi lang kami, kapag ako napikon sa'yo sisikuhin kita. 'Yung tatalsik atay mo,"
Lahat sila ay natawa na lang.
Natuwa sila dahil mukhang maayos na ang pakiramdam ni Saji.
"Ano na gagawin natin? Itutuloy pa ba natin 'yung plano na umalis sa grupo ni Dark?" Nagaalalang tanong ni Elyse.
Umiling si Celestine.
"Hindi na tayo aalis, mukhang kailangan nila ng maraming kasamahan. Tutulong tayong hanapin ang daan palabas,"
Nagusap-usap pa silang apat.
Si Shawn naman na nag-iisa lang, nakaupo siya habang may tinitipa sa phone niya.
"In. . . my. . . observation. . . I. . . think. Wrong, delete it," Nalilitong saad ni Shawn habang nakatutok sa phone niya.
BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...