"Buti na lang at hindi kami ang endgame kung hindi, Kylie Sumalangit na ang magiging pangalan 'ko. Nakakahiya naman sa mga nagawa 'kong katarantaduhan," Tumawa lang kami nang tumawa sa mga pinagsasabi ni Kylie.
Lumipas ang ilang oras ay nasa byahe pa rin kami, "Daan muna kaya tayo sa isang fast food?" Saad ko. Gutom na rin kasi ako at sure ako itong mga kasamahan 'ko ay gutom na rin.
"Sandali na lang, banda roon pa ang Jollibee," Saad ni Hades, tumango na lang ako. Sa wakas ay makakakain na kami.
Balak sana naming magdrive-thru na lang kaso mas maganda pala kapag doon na mismo kakain, makakakain pa kami ng ayos.
Pumasok kami sa Jollibee, napagkasunduan na rin namin na si Sage na lang ang oorder.
Habang nakaupo kami at naghihintay kay Sage, itong mga kasamahan 'ko ay nakaisip na naman ng kalokohan. Aaminin 'ko, namiss 'ko to.
"Saisai, tawagin mo si Sage. Gawin natin 'yung tiktok trend," Tumatawang saad ni Kylie.
Tumawa kaming lahat. Lumingon ako kay Sage na nakatalikod sa pwesto namin.
Sinitsitan ko siya, "Sage, hoy!" Pero ayaw lumingon. Tinawag na rin siya nung lima pero ayaw talaga lumingon. Alam 'ko na kung paano 'to palingunin.
"Ganda, lingon dito!" Mabilis pa sa alas-kwatro siyang lumingon. Sabi na, eh. Tumawa kami.
"Shawty, oh?" Sabay-sabay naming sabi.
Sumayaw naman si Sage.
Tawa kami nang tawa, yung mga staff naman ng Jollibee ay mukhang nalilito kung bakit gano'n si Sage.
Dumating na rin naman ang order namin kaya natahimik na kaming lahat. Pagkatapos ay umalis na kami.
Ilang minuto na lang naman daw ang byahe namin sabi ni Hades, base daw 'yon sa GPS.
Hanggang sa nakarating na nga kami.
Napakaganda, labas pa lang. Pinagbuksan kami ng gate ng guard pero hindi nakalampas sa'kin ang weird na ngiti nung guard. Ang creepy naman.
Pagpasok namin ay napaka-tahimik, anong oras na kasi. 1:00 pm na, panigurado mga nag-papahinga na ang mga tao.
Pinark agad ni Hades ang van saka namin kinuha ang kaniya-kaniyang gamit at pumasok sa hotel, ang tahimik din. Nakakapanibago.
Umakyat kami sa suite namin at inayos ang mga gamit, nagbihis na din kami.
Pagbaba namin ay wala kaming nakasalubong na mga tao ni isa, ano kayang meron? Baka nga nagpapahinga pa ang mga tao.
Nagkibit-balikat na lang ako.
May nilatag si Monica na tela, doon daw kami mauupo after no'n ay ibinaba na ni Hades 'yung basket na may lamang mga pagkain.
Nag-kwentuhan at kumain lang ang ginawa namin, "Ang sakit ng tyan 'ko, naparami ata kain 'ko," Lahat kami ay napalingon kay Saji.
"Pumunta ka muna sa cr, may cr naman ata rito sa baba. Dito ka na lang sa baba para hindi ka na umakyat," Saad ko. Tumango ang mga kaibigan 'ko.
Tumayo siya habang hawak hawak ang tiyan.
"Gusto mo bang samahan kita?" Tanong ko pero umiling na lang siya.
Tinuloy na lang namin ang kwentuhan pero natigil lang 'yon nung may marinig kaming sumigaw, malakas at pamilyar.
BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...