004

223 23 0
                                        

Saji Mercedes

Sobrang sakit na talaga ng tiyan ko. Lumingon ako sa gilid 'ko, wala talagang mga tao.

Tatawanan ko talaga sila kapag ninakawan sila.

Papasok na sana ako ng cr pero biglang may kumalabog sa loob, sa sobrang gulat ko kaya napaatras ako.

Limang segundo rin siguro akong nakatayo lang do'n, cr 'yon ng mga babae. Anong meron? Nilakasan ko ang loob 'ko, humakbang ako dahan-dahan saka ako kumatok.

"Miss? Okay ka lang ba?" Kumatok lang ako nang kumatok pero wala talagang sumasagot.

Naisipan ko nang buksan 'yon, dahan-dahan 'kong pinihit ang door knob.

Doon lang ako sa sahig nakatingin, kinakabahan ako sobra. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman 'ko, sobrang bilis ng tibok ng puso 'ko.

Pagbukas ay hindi muna ako tumingin, bumilang muna ako ng lima bago ako tumingin. Nanlaki ang mga mata ko nung makita 'ko 'yung bumungad sa'kin.

Lalaki, nakaluhod siya at parang may kinakain.

Puro dugo ang likuran niya at 'yung suot niyang damit, sira-sira.

Sinilip ko kung ano ang kinakain niya.

Napangiwi ako nung makita ko, tangina. Totoo ba 'to?

Aalis na sana ako para humingi ng tulong pero bigla siyang humarap at tumayo sa harap ko, napaatras ako. 'Yung mukha niyang puro sugat at 'yung bibig niyang napakaraming dugo ang tumutulo.

Nakakatakot ang hitsura niya, hindi ko na napigilang sumigaw, sumigaw ako hangga’t sa makakaya 'ko.

Sa sobrang tahimik ay pati sariling boses ko ay naririnig 'ko na pati na rin 'yung nililikha niyang weird sound.

Umatras ako, 'yon lang ang kaya kong gawin ngayon. Bakit ba ako naduduwag? Para saan pa 'yung pagpasok 'ko noon sa taekwondo class? Gusto 'kong tumakbo pero hindi 'ko maigalaw ang aking mga paa.

Napapikit na lang ako nung bigla siyang tumakbo papalapit sa'kin, 'yung weird na nililikha niyang tunog ay papalapit nang papalapit sa'kin. Katapusan ko na nga ba?

Lumipas ang ilang minuto pero wala pa rin akong nararamdaman, namanhid na ba ako kaya hindi 'ko maramdaman ang paglapit niya sa'kin? Kinapa ko ang sarili 'ko habang nakapikit, wala akong naramdaman na masakit.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata 'ko, wala na siya sa harap 'ko. Panaginip lang ba 'yon? Pero hindi. Nakabulagta siya sa sahig, sigurado akong binaril siya dahil sa tama sa ulo niya.

Lumingon ako sa likuran ko, doon 'ko nakita ang isang lalaki. May hawak siyang rifle, "Oh, shawty," Manghang saad niya.

Mabilis akong lumapit sa kaniya, inagaw ko ang hawak niyang baril pagkatapos ay ibinalibag 'ko siya, "Puta! Aray!" Daing niya sa pagkakabagsak.

Hindi ko siya pinansin, nakadapa siya kaya mabilis akong pumatong sa likod niya at nilagay ang dalawang kamay niya sa likod at mahigpit 'kong hinawakan, "Kalma ka lang, baby. Ligtas ka na," Pang-aasar niya.

Nainis ako kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya kaya napadaing na naman siya sa sakit, "Masakit! Ayaw 'ko na!" Daing na naman niya.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon