032

64 11 0
                                    

Saichi Salvatore

Nakatitig lang ako sa mga kasama 'ko ngayon.

Hindi maproseso ng utak 'ko ang lahat.

Kinagat si Hades ng isa sa mga infected pero nadala namin siya at ngayon, ilang oras na kaming nandito wala pa ring nangyayari sa kaniya.

Katabi 'ko si Monica na kanina pa iyak nang iyak, nasa harapan 'ko naman si Jorji na walang ekspresyon sa mukha.

'Yung kambal ay nag-uusap. Parehong nakakunot ang mga noo nila at parang nagtatalo pa.

Sa kabilang bahagi ng silid, nandon si Shawn at Hades.

Nakahiga si Hades sa semento habang ineeksamina ni Shawn ang buong katawan niya.

Ang akala 'ko ba ay dalawang minuto lang ay eepekto sa katawan ng tao ang virus? Anong nangyayari?

Hindi 'ko alam kung anong mararamdaman 'ko, kung matutuwa ba ako kasi hanggang ngayon ay walang nangyayari sa kaibigan 'ko at ligtas siya o malulungkot dahil hanggang ngayon hindi pa namin alam ang nangyayari sa kaniya kung bakit gano'n?

Niyakap 'ko na lang si Monica para patahanin pero hindi siya tumigil.

Ilang segundo pa ay tumikhim si Shawn kaya napalingon kaming lahat sa pwesto nila.

Inaalalayan na niyang tumayo si Hades at pagtayo ay tumingin sa amin.

Ngumiti siya pero halatang pilit kaya ngiwi nagawa niya.

Humarap siya 'kay Dark na kasalukuyang nakatingin na sa kaniya at hinihintay ang sasabihin.

Lumunok pa muna siya bago hinawi ang buhok pataas kaya may nalaglag na kaunting buhok sa mukha niya at bumaba ng kaunti ang suot niyang salamin kaya itinaas niya 'yon.

"Hades is genetically immune,"

Iyon pa lang ang sinasabi niya ay parang may kung anong banda na sa dibdib 'ko.

Tinatambol ang dibdib 'ko na parang mamaya ay makakarinig ka na ng tunog ng disco.

Walang nagsalita kaya kinuha na niya 'yung pagkakataon na 'yon para ituloy ang sasabihin.

"Sanay na ang katawan niya sa virus kaya hindi na umeepekto sa kaniya,"

Napanganga ako.

Totoo? May gano'n pala.

"Kahit kagatin siya ng mga zombies ay hindi siya magiging infected?" Nahihirapang tanong ni Monica.

Nilingon siya saglit ni Shawn saka tumingin sa katabing si Hades bago tumango.

Lalo akong napanganga, parang malalaglag na panga 'ko sa narinig 'ko. Hindi ako makapaniwala.

"Pero kahit na gano'n, 'wag na 'wag kang papakagat muli Hades dahil iyon lang ang magagamit mo para makalabas dito. At huwag masiyadong pakampante dahil mamamatay ka pa rin kapag sinaksak ka o barilin,"

Napangiti ako.

Ligtas ang kaibigan 'ko!

Hindi rin naman tumagal ang katahimikang namayani sa amin dahil nakarinig kami ng malakas na lagabog sa bintana ng silid.

May anino akong nakita kaya napaatras ako.

Dalawang tao ang nando'n sa bintana na parang may hinahanap.

Ang mga ulo nila ay hindi nila alam kung saan ibabaling.

"Don't move," Bulong ni Dark kaya hindi ako gumalaw, pinigilan ko rin ang paghinga ko na parang maririnig nila kapag hindi ko pinigil.

Kumapit sa braso 'ko si Monica kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatingin din siya sa bintana na mahahalata mo sa mga mata niya ang takot.

Dinampot ni Dark ang baseball bat niya at gano'n din si Dash na tinutok sa bintana ang rifle na hawak.

Dahan-dahan silang lumakad papunta sa bintana. Nang makalapit ay dahan-dahan din ang pagbukas ng bintana.

Jalousie ang bintana kaya kapag nasa labas ka ay makikita mo ang pagbukas at kung sino ang nagbukas.

Naghintay kami sa paglingon ng dalawa pero parang wala na silang balak na tumingin pa sa amin.

Sino ang dalawang tao na nasa labas ngayon ng silid na tinataguan namin?

Hindi na nakapagpigil si Jorji kaya nakisilip din siya.

Pagsilip ay tumingin sa amin na parang nagtatanong kung sino ang dalawang taong 'yon kaya si Shawn ang pumalit sa pwesto ni Jorji at sumilip.

Parang nanigas na rin siya sa kinatatayuan niya katulad ng kambal, hindi na rin niya nakalingon agad sa amin.

Ano bang meron? Bakit ganoon sila magreact?

Lumakad na rin ako papunta roon at tiningnan ang dahilan ng pagtigil nila.

Napakunot ang noo 'ko.

Infected na ang mga iyon. Namumuti ang mga mata at puro sugat ang katawan, sira-sira na rin ang mga suot na damit pero kahit na ganoon ay lumilitaw pa rin ang mapuputi nilang kutis na halatang mayayaman sila.

Lalong kumunot ang noo ko.

Kamukha ni Dark ang lalaki at kamukha naman ni Dash 'yung babae.

Wait. . .

Tatanungin 'ko sana silang tatlo pero nakita 'ko ang pamumula ng mga mata ng kambal, tumutulo na rin ang luha ni Dash sa mga mata.

Si Dark ay buong mukha pati na rin ang mga tenga. Halatang pinipigilan niyang lumabas ang emosyon niya.

Bubuka pa lang sana ang bibig 'ko pero naunahan na ako ni Dark.

May ibinulong siya.

"Mom. . . Dad. . ."

At doon ako nanghina.

Itong dalawang hindi mapakali sa labas na parang may hinahanap at inaamoy ay magulang nila? 'Yung magulang nilang matagal na nilang hinahanap? Hindi sila makalabas dahil naiisip nila ang magulang nila. Sila pala talaga.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon