024

75 12 0
                                        

Hades Dominguez

'Hoy, ako pa! Ang dadaya niyo. Hindi niyo man lang ako hinintay,'

'Wag ka na tampo, ano ba gusto mo?'

'Gusto 'ko 'yung ice cream, cookies and cream ha?'

'Napaka-arte mo naman, paano kung wala?'

'Anong wala? Cookies and cream ang flavor ng ice cream na kinakain niyo?'

'Hindi kaya, strawberry 'to,'

'I hate you all!'

Saka sila sabay na nagtawanan.

Sa totoo lang, kanina pa namin naririnig yang mga boses ng mga babae sa phone ni Celestine.

Kanina niya pa pinapanood kung ano man 'yon.

Pero sa tingin ko, boses 'yon nilang magkakaibigan.

Simula kanina nung makita namin siya, umiiyak at nagmamakaawa siya kay Dark which is ngayon lang namin nakita.

May tama rin siya sa binti niya, nagamot naman na ni Shawn.

"Hindi pa siya kumakain?"

Lumingon ako ro'n, si Monica.

Umiling ako at sabay kaming bumuntong-hininga.

"Kanina pa siya riyan, baka magkasakit siya sa ginagawa niya," Nagaalalang saad ni Monica.

Agree ako sa kaniya, tapos na kaming lahat kumain. Siya na lang ang hindi. Pinipilit namin kanina kaso ayaw talaga. Ayaw niya nga rin magsalita puro iling lang siya.

Kanina pa rin siya nagmumukmok do'n sa gilid, umiiyak. Kapag may lalapit sa kaniya, siya ang lumalayo.

Nakakaawa si Celestine ngayon. Hindi pa namin alam kung bakit wala ang mga kasama niya, todo iyak lang siya nung dumating dito.

Hindi rin alam nila Dark ang gagawin dahil hindi nila maintindihan si Celestine dahil sa pagiyak.

Tahimik lang kaming lahat, pinapakinggan 'yung mga boses na nanggagaling sa phone ni Celestine.

Lahat kami ay napalingon sa may pinto nang tumunog 'yon, pumasok si Dash. May dala siyang pagkain, para 'kay Celestine ata 'yon.

"Sana kumain na siya," Nagaalalang saad ni Monica.

Ginulo ko lang ang buhok niya at ngumiti.

"Celestine, kumain ka na," Akag ni Dash.

Naupo siya sa tabi ni Celestine.

As usual, lumayo siya kay Dash. Wala naman siyang kagat. Yun ang sabi ni Shawn at also kanina pa siya diyan. Two minutes lang ang itinatagal. Mag 1 hour na nga siya diyan, eh.

"Ayoko, busog ako,"

Paulit-ulit na lang ang sagot niya.

"Please, Celestine. Kumain ka muna kahit kaunti lang. Baka kasi mapano ka kapag walang laman ang tiyan mo,"

"Busog ako, mahirap ba intindihin 'yon?"

Lahat kami ay napa-ayos ng upo dahil sa medyo lumalakas na boses ni Celestine.

"Hindi mo 'ko kailangang taasan ng boses. Kung ayaw mo, sige. Ilalapag 'ko na lang dito para kapag nagutom ka, may makakain ka," Mahinahon pa rin si Dash sa pag sasalita.

Tumayo siya at ngumiti kay Celestine.

"Ayoko, alisin mo 'yan sa harapan 'ko. Busog ako, wala akong balak kumain,"

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon