027

68 10 0
                                        

Cyan Juarez

"Bilisan mo, hinahanap na tayo ro'n!" Pagmamadali ko kay Jinx.

Kanina pa kami rito ni Jinx sa headquarters, pinabalik kasi kami ni Dark para kumuha ng mga armas. Nagkulang kasi. Masiyado palang marami ang mga zombies sa may dulo paglampas mo sa kaharap nitong building.

Hinabol pa nga kami kanina, naghiwa-hiwalay pa kaming lahat. 'Buti na lang at nagkita-kita rin.

Siguro kapag sinali mo 'yung mga zombies na 'yan sa track and field, mananalo sila. Tangina, mas mabilis pang tumakbo sa'kin.

Wala akong asthma pero siguro magkakaroon na rin bago pa kami makalabas dito, wala na kaming ginawa kundi tumakbo nang tumakbo eh.

Lumabas na ako ng kwarto at gano'n din si Hades, nakasalubong ko naman si Monica at Sage na may dalang plato at baso. Kumain na siguro si Celestine, 'buti naman.

"Gago, bilisan mo! Malilintikan tayo nito 'kay Dark, eh! Kanina pa naghihintay 'yung mga 'yon sa labas!" Inip na saad ko.

Napakabagal talaga kumilos ni Jinx kaya laging nababatukan ni Dark. Tinalo pa ang pagong sa bagal.

"Hades, ikaw muna bahala rito ah? May signal naman na kaya matatawagan niyo kami kung may mangyari mang masama,"

Tumango siya sa'kin habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

"Alam mo naman number naming lahat kaya madali na 'yon para sa'yo," Dagdag ko pa.

Tinapik niya lang ang balikat ko habang nakangiti sa'kin.

Lumingon naman ako ro'n sa loob ng isang kwarto kung nasaan si Jinx.

"Hoy! Ano na?" Inis na tawag ko.

Papasukin ko na sana siya kaso bigla siyang lumabas kaya napaatras ako sa gulat.

Bago ko maibalik ang tingin 'ko sa kaniya ay narinig 'ko na ang malakas na tawa ni Hades kaya dali-dali 'kong tiningnan si Jinx.

Pagtingin ko ay hindi 'ko na rin napigilang humagalpak sa tawa. Mapapasabi ka na lang talaga na ang sakit na ng panga mo katatawa dahil 'kay Jinx, eh.

Nakatingin lang siya sa'min gamit ang napakainosente niyang tingin.

"Why you all laughing?" Tanong niya, gulong gulo.

Bago ko pang magawang batukan siya ay naunahan na ako ni Yuan, 'yung mukha niya parang papatay na eh.

"Kanina pa kayo hinahanap ni Dark,"

Tinuro ko si Jinx. Siya naman kasi talaga may kasalanan kung bakit kami matagal.

"Bakit ako?" Angal agad niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ulol ka! Kanina pa kita pinagmamadali tapos akala 'ko may ginagawa ka na makakatulong sa'ting lahat tapos 'yan lang pala ginawa mong putangina ka?" Inis na saad ko.

Nanggagalaiti ako rito sa lalaking 'to, ako lang talaga matino sa'ming lahat. Kung nandito si Sean panigurado si Jinx pa kinampihan no'n.

Bigla naman akong nilamig dahil sa hangin, ano 'to Sean? Sinabi ko lang na matino ako, nagparamdam ka na agad? Tutol ka ba? Totoo naman na ako lang matino sa'ting lahat.

Lalong lumakas ang ihip ng hangin. Sabi ko nga, titigil na.

Nagsimula na kaming maglakad, habang naglalakad at palapit nang palapit sa pwesto nila Dark ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Kaibigan namin si Dark simula bata kaya kilala na namin siya ng lubusan, kaya nga ako kinakabahan kasi nga ang ayaw pa naman no'n ay 'yung pinaghihintay siya lalo na ngayon na buhay ang nakataya.

What the fuck, kasi 'to si Jinx eh. Hindi naman sa sinisisi ko siya. Lalo tuloy akong kinabahan nung tingnan kami ni Yuan ng masama, isa pa 'to, eh. Siya 'yung mas malapit 'kay Dark kaya mas lalo akong kinakabahan.

Kitang-kita ko na sila Dark sa labas ng bakod, mga nakatalikod sila sa pwesto namin. Habang papalapit nang papalapit ay lumilingon sa'min isa-isa ang mga kasamahan namin sa labas.

Lahat sila ay nagbago ang ekspresyon, parang gusto nila tumawa na bawal naman kasi makikita sila ng professor na nagtuturo sa unahan. Tapos kapag nakita ka, babatuhin ka ng eraser ng white board.

Lumabas na kami, sakto namang paglingon ni Dark. Sa'kin agad tumama ang matalim niyang tingin. Sandali lang 'yon at nalipat agad kay Jinx, kumunot ang noo niya.

"Stupid. . ." Panimula niya.

Patay ka, Jinx. Para ka kasing tanga, eh. Ano kasing pumasok sa isip mo at naglagay ka pa niyan sa leeg mo? Kina-cool mo 'yan?

"Sinong may sabi sa'yong maglagay ka sa leeg mo ng bawang na kwintas? Sa tingin mo ba aswang ang kalaban natin? Hey! Wake up, Jinx!" Inis na saad ni Dark.

Hindi naman sumagot si Jinx kaya napailing na lang si Dark. Nauna siyang tumalikod sa'min kaya sumunod na kami, katabi ko sa paglalakad si Jinx.

Habang naglalakad kami todo mura at tawa si Jinx, nasisiraan na siguro ng bait 'to.

"Did you see that, dude? Hindi niya ako binigwasan, nagbago na si Dark. What a lovely boy!"

Siniko ko siya, napadaing naman agad siya.

Nakuha pa niyang magbiro, ayaw na lang magpasalamat dahil hindi siya sinaktan ni Dark. Kung ako 'yon, hahagis 'ko siya sa bubong.

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon