Jinx Cerva
Kung hindi pa siguro ako sampalin ni Cyan, hindi mapoproseso sa utak 'ko ang lahat.
Una, sumabog ang headquarters.
Pangalawa, nagkaroon kami ng panibagong kalaban.
Tatlo, naiwan namin si Celestine.
Naiwan si Celestine, I was about to carry her.
Kaya pa raw ni Shawn gamutin ang mga sugat niya kaso pinigilan ako ni Celestine. Okay na raw siya, tanggap na raw niya.
Pang apat. Putangina, hindi 'ko expected 'to.
'Yung taong simula bata kasama na namin ni Cyan sa kalokohan, 'yung taong kahit laging nangbabara ay ayos lang sa amin. 'Yung taong akala namin ay patay na.
At 'yung taong 'yon ay nandito sa harapan namin, nakangiti pa.
"Pwede ba? Tantanan mo nga kami sa ngiti mo. Mukha kang tanga," Inis na saad ko.
Lalo lang lumawak ang ngiti niya sa sinabi 'ko.
Tuwang-tuwa talaga 'to kapag naiinis niya kami.
"Wala bang group hug diyan? 'Diba, dapat proud kayo sa akin kasi kasama niyo ako ngayon? Na nagawa 'kong lumaban kahit mag-isa lang ako?"
Narinig 'ko ang mahinang pagtawa ni Cyan na nasa tabi 'ko.
"Parang magpapasalamat pa kami sa'yo dahil nandito ka at kasama ka namin ngayon?" Pambabara ni Dash.
Sigurado akong maayos na ang lagay no'n dahil nambabara na.
Lumingon si Sean 'kay Dash na may ngiti sa mga labi.
"Balita 'ko, nadaplisan ka? Masakit ba?" Tanong nito kaya nabaling ang tingin namin kay Dash, naghihintay sa sagot niya.
"Gusto mo barilin kita ngayon tapos tanungin kita kung masakit?"
Lahat kami ay natawa kahit si Saji na inis 'kay Sean ay tumawa.
Hindi rin nakalampas sa pandinig 'ko ang mahinang pagtawa ni Dark.
"Kaya ka siguro nadaplisan kasi masama ugali mo. 'Yung bala na mismo lumapit sa'yo para tamaan ka, kaso masiyadong malakas kapit mo 'kay satan kaya umilag siya ng kaunti,"
Mabilis na binato ni Dash si Sean ng kutsara, na hindi 'ko alam kung saan niya nakuha 'yon.
"Gago, kaya ka rin siguro nakaligtas sa maraming zombies sa grocery kasi masamang damo ka. Sabi nila ang masasamang damo, matagal mamatay," Banat naman pabalik ni Dash.
"Tama na nga 'yan, hahagis 'ko kayo sa labas," Awat ni Dark sa dalawa.
Natawa na lang ako habang napapailing.
Tumayo ako para libutin ang buong paligid.
Tahimik dito at sa tingin 'ko ay hindi masiyadong napupuntahan ang lugar na ito.
I wonder, kung paano nahanap ni Sean ang lugar na ito?
Puro alikabok na ang buong lugar, malapit na rin magdilim.
Tinry 'kong pindutin ang switch ng ilaw kaso wala talagang kuryente.
Lumakad ako papunta sa isang cabinet na may nakapatong na frame, nakataob 'yon kaya kinuha 'ko para tingnan.
May picture ro'n ng isang pamilya. May nanay, tatay at isang anak. Mga nakangiti sila sa camera. Nasaan na kaya sila?
Inayos 'ko ang pagkakatayo ng frame sa cabinet saka 'ko dinampot ang gusot-gusot na papel na nadadaganan ng basag na vase sa sahig.
Hindi cko pa nabubuklat ang papel pero dahil basa ng kaunti 'yon ay kita ang nakasulat sa loob, 'Mahal 'ko po kayo,'
Natigil lang ang ginagawa 'ko nang may tumapik sa balikat 'ko kaya nilingon 'ko 'yon.
Si Sean.
"Oh, kumain ka na,"
Tiningnan 'ko 'yung inabot niya.
Isa iyong tinapay, hindi 'ko lang alam kung ano 'yon dahil madilim na.
Kinuha 'ko 'yon.
"Baka expired na 'to, ha?" Pagbibiro ko.
Tumawa naman siya agad.
"Malalaman natin kapag sumuka ka na riyan,"
Siniko 'ko ang tiyan niya kaya napa-aray siya.
Walang pinagbago sa kaniya. Ay, meron pala.
May tumutubo na sa baba at ilalim ng ilong niya na buhok.
Matagal na nga pala kami rito, sigurado ako na meron na rin ako.
"Kumusta? Nakausap mo na ba si Saji?"
Bumuntong-hininga siya at sumandal sa cabinet kaya sumandal na rin ako.
"Hindi niya ako pinapansin. Naiintindihan 'ko naman siya kasi ilang araw din akong nawala at ngayon, magpapakita ako?"
Tumango ako bilang sang-ayon sa sinabi niya.
"Umiyak kaya 'yan. Kung hindi ba naman isa't kalahating tanga ka, bakit mo kailangang magtago?" Paninisi ko.
Ngumisi lang siya.
"Naisip 'ko na kailangan 'kong kumilos na ako lang mag-isa. Naisip 'ko rin, na kaya 'kong humanap ng paraan para makalabas tayo rito nang ako lang ang gumagalaw,"
Natahimik kami. Marami akong gustong itanong sa kaniya pero minabuti 'ko na lang na manahimik. Tinawag na rin naman siya nila Kylie.
Sumunod ako sa kaniya at bumaba sa basement ng bahay, malinis 'yon at walang kahit na anong gamit.
'Yung maliit na bintana sa gilid ay may takip na rin. Naglagay din sila ng bonfire sa gitna.
Malawak naman ang loob kaya pwede naman siguro 'yon.
Naupo ako sa may gilid ni Sage. Napalingon naman agad siya nang maramdaman ang presensya 'ko.
Ngumiti lang siya at tumingin ulit kila Kylie.
Kinuwento ni Sean lahat ng pinagdaanan niya nung nahiwalay siya sa amin.
"So, ikaw 'yung nakita namin nila Dark at Jinx na kumaway sa amin?"
Tumango si Sean.
"Tarantado ka, akala namin kung sino,"
Binato pa siya ni Cyan sa inis.
Nagtagal pa ng ilang oras ang kwentuhan namin hanggang sa naisipan na naming matulog.
Sumandal ako sa may pader, katabi 'ko pa rin si Sage. Nakapikit na siya.
Dahan-dahan 'kong hinawakan ang ulo niya para isandal sa balikat 'ko.
BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...