Third Person
Buong mundo ay nakaabang at nakatutok sa sari-sariling television nila. Pati na rin ang mga sundalo ay nakatutok sa unahan.
Tunog ng relo at ingay ng mga kuliglig lang ang maririnig sa buong lugar.
Sari-saring wika ang maririnig mo sa mga balita pero iisa lang ang laman.
"Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang ating mga sundalo at pulisya sa paglabas ng tatlo na sila Dark Ramirez, Dash Ramirez at Saichi Salvatore. Makakaligtas pa kaya sila? Ating hintayin ang susunod na mangyayari, ipanalangin nating lahat ang kaligtasan nila. Ito po si Gissele Romero ang tagapagbalita ninyo,"
"Prions tous pour leur sécurité,"
Nakuha ng isang sundalo ang atensyon ng lahat.
Nagpalagutok kasi ito ng mga daliri niya sa kamay.
"Kinakabahan ka?" Tanong ng katabi niya.
Agaran itong tumango bago umayos ulit ng tayo.
"Ako rin,"
Tumawa sila pareho pero natigil din dahil lumapit sa pwesto nila si General Alfred Mercedes.
"Focus, guys,"
Tumango sila at tinutok muli ang paningin sa loob.
"Bitawan niyo nga ako!" Mariing bulong naman ng isang babae sa loob ng hospital.
Nagpupumiglas siya sa dalawang lalaking nakahawak sa kaniya.
Pati mga pasyente ay nakikisilip na rin sa mga nangyayari.
"Diyos 'ko, kaawaan niyo po ang tatlong batang iyon," Mariin na bulong ng isang matanda habang nakatutok sa television na nasa lobby.
"Makakaya ba nila?" Pagkausap ni Monica kay Hades.
Yumakap ng mahigpit ang lalaki sa nobya niya.
"Magtiwala tayo, sigurado akong makakaya nila 'yan,"
"Ilang oras na lang?" Nag-aalalang tanong ni Kylie kay Jinx.
Tiningnan ni Jinx ang relo niyang pangkamay bago humarap sa isa pang relo na nakasabit sa pader ng hospital.
"10 minutes na lang,"
Sa loob ng walong minuto ay nakatutok lang ang buong mundo sa balita.
Nawawalan na rin ng pag-asa ang iba, ang iba naman ay patuloy pa rin ang pananalig na makakaligtas ang tatlo.
What they didn't know was that the three people they we"re waiting for, we're getting ready to go out.
BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...