Dark Ramirez
"Sumakay na kayo," Usal ko pagkababa ng katawan ni Tito Simon sa backseat.
"Kakayanin ba natin?" Nag-aalalang tanong ni Dash.
Ngumisi ako sa kaniya bago sinara ang pinto ng backseat.
Sinilip 'ko ang likuran ng Montero na nakita 'ko kanina.
Nakaupo na ro'n si Troy at Krishler.
Tinapik 'ko pareho ang balikat nila.
"Kumapit kayo ng maayos, walang kukuha sa inyo sa baba kapag nahulog kayo,"
Tumawa 'yung dalawa habang tumatango.
Bumuka rin ang bibig ni Troy para magsalita.
"Salamat, kapag namatay ako. Hindi 'ko kayo mumultuhin kasi naging mabait kayo sa akin kahit na napakarami 'kong masamang nagawa sa inyo,"
Tumawa ako habang umiiling.
Umalis na ako ro'n at sinilip ang passenger seat.
Nakita 'ko ang babaeng minamahal 'ko at mamahalin 'ko pa hanggang kamatayan 'ko.
Abot ang tingin niya sa orasan ng phone niya, nanginginig na rin ang mga kamay niya.
Hinawakan 'ko ang kamay niya habang nakatingin sa napakagandang mukha niya.
Kahit na puro galos ay wala pa ring pinagbago ang kagandahan niya.
Nagulat siya at napatingin sa akin.
"Trust me," Bulong ko.
Kahit na nag-aalangan siya ay tumango siya.
Ngumiti ako at sinara na ang pinto.
Napaatras ako sa gulat dahil biglang sumulpot sa harapan 'ko ang mukha ni Dash.
"Bullshit," Bulyaw ko dahil sa gulat.
"Saan ako?" Inosenteng tanong nito.
Napabuntong-hininga ako bago siya tinulak papunta sa likuran.
"Dito ka, may nakapwesto sa backseat,"
"Dito ako?" Tanong pang muli nito.
Hindi "ko na napigilan ang inis 'ko.
"Ay hindi, gusto mo ba roon ka sa driver seat? Upo ka sa hita 'ko?"
Binatukan niya ako.
Ngali-ngali 'ko sanang batukan pabalik pero nakatakbo na siya at nakasakay na sa likod kaya hindi 'ko na siya maaabot.
Lakas talaga ng trip ng lalaking 'yon, parang kanina lang ay iyak siya nang iyak.
Ako rin pero 'wag na natin pag-usapan 'yon.
Sumakay na ako sa driver seat at tumingin muli 'kay Saichi.
Nakatitig lang siya sa unahan at mahigpit na nakakapit sa upuan.
Kinuha 'ko ang kaliwang kamay niya at pinatong 'yon sa gear habang hawak 'ko ang kamay niya.
Hindi 'ko na siya nilingon at tumingin ako sa backseat, ganoon pa rin ang pwesto ni Tito Simon kaya hindi 'ko na siya ginalaw.
Pagkatapos ay tumingin ako sa side mirror para makita ang tatlo sa likuran.
Maayos naman ang pwesto nila kaya sinimulan 'ko nang buksan ang makina ng sasakyan.
Apat na minuto na lang ang natitira sa amin kaya hindi ako pwedeng magsayang ng oras.
Makalipas ang sampung segundo ay kinabig 'ko agad ang gear habang hawak pa rin ang kamay ni Saichi.

BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...