CHAPTER 7

1.9K 55 0
                                    

"Wake up."

Nagising naman ako ng may natapik tapik sa pisngi ko.

"Hmm?" Iminulat ko naman yung mata ko at nakita ko si Miss Del Rosario sa harap ko.

"Stand up. It's lunch already." Umupo naman ako at nag-unat-unat, siya naman ay umupo ulit sa swivel chair niya.

"Are you hungry? I'll order food." Napatingala naman ako sa kaniya pero busy lang siya sa phone niya.

"Thank you po sa offer, pero sasabay na lang po ako kay Miss Martinez. Nagsabi pa naman po ako na sasabay ako sa kaniya." Nginitian ko siya pero nakatingin lang siya sa akin ng masama.

Luh? Ano na naman ginawa ko?

"Ok." May mas lalamig pa pala yung boses niya huhuhu Sobrang lamig nung pagkakasabi niya nun.

"Uhmm... S-sige po u-una na po ako." Hindi niya ako pinansin at sa laptop lang siya nakatingin kaya tumayo na ako at lumabas sa office niya.

Wala pa naman sa mood si Miss, baka mamaya sakin pa magalit yun, nakakatakot na.

Naglalakad ako para mahanap yung office ni Miss Martinez. Hindi ko alam kung saan yung office niya huhuhu Ayaw ko naman magtanong sa iba, shy ako.

Pagkatapos naman ng ilang minutong paglalakad ay nakita ko na yung office niya dahil sa tulong nung name na nandun sa pinto.

Kumatok muna ako, syempre to show some respect. Narinig ko naman yung "come in" niya kaya pumasok na ako.

Pagkapasok ko ay seryoso lang siyang nakatingin sakin pero nung napansin niya ata na ako yun ay bigla itong ngumiti.

"Hello miss hehe." Tumayo naman siya saka lumapit sa akin at niyakap ako.

"Hi!"

Natigilan naman ako dahil sa ginawa niya kaya para akong naestatwa sa kinatatayuan ko pero narinig ko lang itong tumawa ng mahina.

"Glad that you're here. I already ordered foods for us." Hinila niya ako paupo sa sofa niya saka tumabi naman ito sa akin.

Pinaglagyan niya ako ng pagkain sa pinggan habang ako ay tinitingnan lang siya.

Actually dati ko pang professor si Miss Martinez eh, simula 1st year college ako. Ilang years na din kaming magkakilala. May pagkasweet siya sa akin, hindi ko alam kung bakit, eh ang cold cold niya sa ibang students, daming takot sa kaniya.

"Miss ang sweet niyo naman po. Tapos kapag po sa ibang students ang cold cold niyo. Magtinda na lang po kaya kayo ng yelo." Sinamaan niya lang ako saka kinurot sa tagiliran kaya napadaing ako sa sakit.

"Shut up!" Umirap siya at inayos na ang pagkain na para naman sa kaniya.

"Miss naman ang sakit." Ngumuso ako habang hinimas-himas yung tagiliran ko.

Ang sakit parang mapupunit na nung kinurot niya eh huhuhu

"Just eat." Nagsimula naman siyang kumain kaya ngumit ako saka kumain na din.

"WAH ANG SARAP MISS!" Hindi ko na mapigilan na pumalakpak habang kumakain pero siya patawa-tawa lang.

"What a kid." Pailing-iling niyang sabi kaya naman napanguso ako.

"Hindi na naman po ako bata." Nag-act ako na nagtatampo pero tumawa lang siya.

"You're still a baby to me." She giggled and pinched my cheeks.

Because Of YouWhere stories live. Discover now