CHAPTER 14

2.2K 51 1
                                        

Bigla akong napabangon ng malaman ko na nasa ibang kwarto ako pero sobrang pinagsisihan ko yung ginawa kong yun dahil muntikan na akong matumba.

"Fuck..." Mura ko dahil sobra akong nahilo dun at feeling ko mamamatay na ako sa sakit ng ulo ko.

Napaupo na lang ulit ako sa kama kung kanino man ito at sinapo ang aking ulo. Matapos kong mahimasmasan ay nilibot ko ang paningin ko.

Color blue... Bulong ko sa sarili ko at saka ko napagtanto na nasa kwarto ulit ako ni Miss Del Rosario.

Ano na naman bang nangyari kagabi? May kagaguhan ba akong ginawa? Pilit kong inaalala yung mga nangyari kagabi pero sakit lang ng ulo ang nakuha ko.

Maya-maya ay bumukas yung pinto at nanlaki ang mata ko kung sino ang nakita ko. Bakit nandito si Miss Marrinez? Akala ko ba nasa kwarto ako ni Miss Del Rosario.

Napahawak na lang ulit ako sa ulo ko nang maalala ko na magpinsan nga pala silang dalawa.

"Hello, sweerheart!" Masigla niyang bati saka lumapit sa akin.

"Hello po." Medyo pabulong ko nang pagkakasabi kase ang sakit pa rin ng ulo ko.

"How are you feeling?" Umupo siya sa tabi ko saka tiningnan ako ng nag-aalala.

"Sobrang sakit po ng ulo ko huhuhu." Nakakaiyak yung sakit ng ulo ko. Nakailang shot ba ako kagabi?

"Can you even remember what you did last night?" Patawa niyang sabi sa akin pero umiling lang ako.

"May ginawa po ba akong hindi maganda?" Tiningnan ko siya ng nagmamakaawa para sabihin man lang niya kung meron man ba akong kagaguhang ginawa kagabi.

"Want to remember it?" Dinilaan niya yung labi niya at nanlaki naman ang mata ko sa sunod niyang ginawa.

Tinulak niya ako pahiga saka pumatong!

TANGINA WALA AKONG MAALALA NA MAY GINAWA AKONG GANTO! AND I WOULD NEVER HUHUHU

"M-Miss..." Tinulak ko siya bahagya dahil ang lapit masyado ng katawan niya sakin. Pinagpapawisan na din ako sa ginagawa niya. Shit...

"You don't remember?" Bulong niya sa kaliwang tenga ko at nanindig naman ang balahibo ko dahil dun.

"I-I would not d-do such t-thing." Kinakabahan na ako dito oh huhu Help me!!!

"Shhh... Chill, nothing really happened. I just wanna tease someone..." Tiningnan ko naman siya ng nagtataka pero tumawa lang siya ng mahina.

Bago paman ako makapagsalita ay biglang bumukas ng malakas yung pinto. Dahil sa gulat ay bigla akong napayakap kay Miss Martinez dahil biglaan din siyang humiga sa ibabaw ko.

"M-Miss g-gusto ko pa po m-mabuhay." Bulong ko kay Miss Martinez dahil sobrang talim ng tingin samin nung isa. Narinig ko lang na tumawa si Miss kaya naman napasimangot ako.

"You!" Biglang hinila ni Miss Del Rosario si Miss Martinez na nasa ibabaw ko pa rin at itinayo sa gilid niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag dun at naupo ako dahil na din sa kaba.

"Chill!" Tatawa-tawang sabi ni Miss Martinez pero sinamaan lang ng tingin nitong isa.

"I didn't even give you permission to go in my room!" Galit niyang sabi pero tumawa lang ulit si Miss Martinez.

"I'm just checking Leigh." Nanggagago ba si Miss? Nasa taas ko siya eh tapos titingnan niya lang daw ako?

"Checking? Do you even check a person on top her?!" Feeling ko konti na lang mananakit na ito si Miss eh.

Because Of YouWhere stories live. Discover now