Ang aga nagising nitong kasama ko sa hindi ko malaman na dahilan. Mamaya pang 9am simula ng competition pero gising na siya 5am pa lang. Syempre nung nagising siya, nadamay ako huhuhu.
Nakahiga pa rin kami ngayon sa kama. Nakasandal siya sa headboard habang magcecellphone tapos ako naman nakahiga sa pagitan niya then yung ulo ko nasa tiyan niya.
Nakapikit ako ngayon kase taina inaantok pa ako. Need ko ng energy para mamaya. Ayoko naman na maging lutang ako later. Baka wala pa akong maisagot. Tapos narinig ko na baka raw by pair yung competition. Nakakahiya naman kapag wala akong naitulong sa kasama ko diba?
Sana manalo--
"Ouch!" Maluha-luha naman akong tumingin sa kaniya na ngayon ay nag-aalalang nakatingin na rin sa akin habang hinahaplos ang ilong ko.
"I'm so sorry hon... Gosh!" Yumuko naman siya at hinalik-halikan ang ilong ko na ngayon ay alam kong namumula na dahil sa pagkakabagsak nung phone niya.
"Feeling ko mapapango ako eh." Nakanguso kong sabi habang hinahaplos ang ilong ko na ilang beses niyang nahalikan.
"Sorry... It slipped. It's not my intention." Sincere niyang sabi saka hinalikan ang ilong ko tapos ang labi ko.
Wala na... Porket alam niya kung paano ako papaamuhin eh. Isang halik niya lang, tiklop na agad ako eh huhuhu.
"It's fine." Nakangiti kong sabi pero naluluha pa rin ako dahil ang sakit talaga.
Nanahimik akong matutulog tapos mahuhulugan ako ng cellphone sa ilong. Hustisya huhuhu.
Joke lang! Kapag so Hon ko ang may gawa, okay lang. Kahit nga suntok pa ibigay niya sa akin eh, sasaluhin ko pa rin.
Umupo naman ako saka humarap sa kaniya ng nakangiti pero nag-aalala pa rin siyang yumakap sa akin.
"Gosh! I'm really sorry."
"It's fine, okay? Aksidente lang naman yun kaya okay lang." Nakangiti kong sabi habanh hinahaplos ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo.
"I'm still sorry..." Nakapout niyang sabi sa akin saka hinalikan ang ilong ko. Napangiti naman ako ng malaki dahil ang cute niya tapos sobrang caring pa niya.
"Okay lang talaga. Tara na magready na tayo para mamaya." Nginitian ko siya saka hinalikan ulit sa noo.
"Okay! I'll cook us breakfast."
"Thank you! You're the best talaga." Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya na ikinatawa naman niya saka humiwalay na sa akin.
"Go take a bath first while I'm cooking." Tumango ako saka inalalayan siya na makatayo sa kama namin.
"Okay! I love you po." Nakangiti kong sabi saka pinagbuksan siya ng pinto.
"I love you more." Napangiti naman ako mg malaki ng halikan niya ulit ang ilong ko bago bumaba.
Nakangiti naman akong naghanap ng maayos na damit saka ako na rin ang kumuha ng damit para sa kaniya. I already know her style kaya hindi na rin mahirap sa akin na maghanap ng papasuotin ko sa kaniya. I made sure na maayos din yung damit at hindi siya magiging uncomfortable.
After ko makapag-ayos ay bumaba na ako para makakain na rin kami ng breakfast at makapagready na para sa competition namin mamaya.
"Goodluck later." Niyakap niya saka saka nakangiting tumingin sa akin.
"Thank you!"
"Do your best. I don't care what rank you'll get. As long as you enjoyed, okay?" Malambot niyang sabi saka hinaplos ang pisngi ko na ikinangiti ko.
YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: