Nandito ako ngayon sa library mag-isa. Si Cehir kase pinatawag ni Dean, para ata sa mangyayaring event next week after ng exams. Siya din kase ang President ng SC. Hindi ko nga alam kung bakit siya lang eh, VP pa naman ako huhu
Busy ako sa pagbabasa hanggang sa may naramdaman ako na umupo sa harap ko.
"Cehir akala ko ba pinatawag ka?" Sabi ko dito nang hindi nililingon.
"Babe, can we talk?" Tumaas ang tingin ko sa nagsalita. Ethan.
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Nakita ko yung nangyari. Ano pang dapat mong ipaliwanag diba?" Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi mautal.
Ang sakit... Lagi ko na lang siyang iniintindi... Pero ngayon, pagod na pagod na ako.
"Per-" pinutol ko yung sasabihin niya
"Ethan, hindi ako tanga. Alam kong sasabihin mo lang na hindi mo yun sinasadya. Hindi ako bobo para paniwalaan ka. P-please lang, ayoko na. Tapos na tayo." Naluluha na ako sa mga sinasabi ko pero siya nakatingin lang sa akin. Kitang-kita sa mata niya yung lungkot. Wala na sa akin yun, di ako naaawa, ang nararamdaman ko lang ngayon ay pagod at awa sa sarili ko.
"Pero mahal kita." Nginitian ko lang siya ng mapait.
"Kung mahal mo talaga ako, hindi mo dapat magagawa yun. Ayoko na Ethan, lagi na lang kitang iniintindi, pagod na ako. T-tapos na tayo." Pagkasabi ko nun ay kinuha ko na ang gamit ko saka naglakad palabas ng library. Tanginang mga luha ito, ayaw tumigil.
Pinagtitinginan na ako habang naglalakad pero hindi ko sila pinapansin. Ang sakit... Ginawa ko naman lahat ah.
"Sky..." Natigilan ako ng biglang may tumawag sa akin. Inangat ko ang tingin ko at lalo pa akong napaiyak. Hindi ko napansin na nasa room na pala ako ng SC officers.
"C-Cehir..." I hugged her immediately and she just caressed my back. "G-Ginawa ko naman l-lahat. B-Bakit g-ganon?" Nahikbi na ako at hindi ko na kayang magsalita. Bakit? May mali ba sakin?
"Shhhh. Everything will be fine." We stayed like that hanggang sa nakatulog ako.
Nagising na lang ako ng may natapik-tapik sa pisngi kom it was Cehir.
"Lods. Last subject na natin ngayon, kay ma'am Del Rosario. Baka mapagalitan tayo, hindi pa naman siya katulad ng ibang teachers." Tumawa siya saka tinuoungan niya ako makatayo.
"Gaano katagal ako nakatulog?" Tanong ko sa kaniya habang kinukusot pa ang mata.
"3 hours?" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. 3HOURS?!
"3 HOURSSS????" GAGO ANG HABA NAMAN!
Tinawanan niya lang ako saka hinila papunta sa classroom.
Pagdating namin sa classroom ay agad kaming umupo dahil muntikan na kaming ma-late. Shutaina.
"Buti na lang umabot tayo." Tinanguan ko na lang si Cehir dahil hingal na hingal pa ako, tinakbo namin yung building namin kase medyo malayo yun sa SC office.
Nilibang ko na lang ang sarili ko sa libro habang iniintay yung professor namin. Tagal naman nu bayaan...
"Good afternoon." Natingin ako sa harapan ng biglang may nagsalita. She's finally here.
"Good afternoon Miss Del Rosario." We all said in unison.
"We will start our lesson today. I expect everyone to listen attentively. I don't want anyone sleeping during my class." Nagsimula na siyang magdiscuss and all I can say is she's too good at teaching. Ang bilis kong nagegets yung mga lessons. Straight to the point siya magturo.

YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: