CHAPTER 18

1.9K 54 0
                                    

"What is it this time?" Irita kong sabi kay Cehir dahil hila hila na naman niya ako kung saan.

Tamong ang ganda na ng kain ko dun sa isang booth eh. Ang mura na tapos ang sarap pa, eh ito namang isa bigla bigla na lang manghihigit.

And pumasok na din ako ngayon para ma-enjoy ko naman yung event. Maayos na naman yung pakiramdam ko, pero may mga pasa pa rin ako kaya nagsuot na lang ako ng long sleeves.

"Don't worry this one will be worth it." Kumindat pa siya sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang magpahatak.

Maya-maya naman ay nandito na kami sa tapat ng isang Lecture Classroom sa building ng BSA.

Ano kayang meron sa loob at ang ingay, rinig na rinig hanggang dito sa labas eh.

"Tara na! Ano? Hanggang loob hahatakin kita?" Inis na sabi niya pero inirapan ko lang siya at sinundan.

I scanned the room and madami dami ring students ang nandito, at may ilan ilan na mga professors.

Tiningnan ko naman ulit si Cehir na naglalakad na ngayon palapit kina Miss Martinez. Luh feeling close? Chancing lang yan eh. Nako nako...

Napailing na lang ako dahil dun saka lumapit sa kanila. Nandito kami sa medyo parteng unahan kaya maganda yung view kase kitang-kita yung mga nangyayari.

"Hi po!" Bati naming parehas ni Cehir sa mga prof.

"Hi!" Bati nina Miss Martinez at Miss Garcia. Syempre ano pa bang ieexpect dun sa isa? Seryosong mukha syempre...

"Sit. This one is pretty interesting." Sabi ni Miss Martinez kaya naman napalingon din ako sa unahan.

It's a bidding game something. Ang gaganda nung items pero taina ang mamahal nung binabato nilang mga price.

20k ampota para sa isang ballpen! Kapag baga ginamit ko yan, perfect na ako sa test?

Hindi makapaniwala na lang akong napalingon muli sa tatlong professor at saka napailing dahil dun sa mga biddings.

Uupo na sana ako sa tabi ni Miss Martinez kaso nauhan ako ni Cehir. Sinamaan ko siya ng tingin pero dumila lang siya. No choice tuloy ako at naupo sa gitna nina Miss Del Rosario at Miss Garcia.

Weird naman ng seating arrangement nitong tatlo. One seat apart, nagte-take ng test yarn?

Pero grabe ang gaganda talaga nilang magkakaibigan at magpipinsan. Andaming nagkakagusto sa kanila and hindi na din naman ako nagulat don. Sino bang hindi magkakagusto sa ganyang klaseng mga prof? Maganda na, matalino na, tapos ang galing pang magturo.

Tumingin na lang ulit ako sa unahan at pinanood yung mga pinaglalaban nilang gamit, pero di naman sila pinaglalaban ng crush nila, joke HAHAHAHAHA

"Okay! For this painting, who wants it? Starts with 10k pesos!" Masiglang sabi nung MC. Nanlaki naman ang mata ko dahil dun.

10k?! Tanginang painting yan, puro guhit lang naman. Kayang-kaya ko pang gawin yun. What if magpaint na lang ako ng ganon tapos ipagbenta ko din ng 10k? Mindset ba mindset?

"12k!" Sigaw nung nasa unahan namin. Napalingon ako dito dahil dun. They really want that simple painting, huh?

"15k!"

"20k!"

"25k!"

"50k!" Biglaan naman akong napatingin kay Cehir dahil sa pagsigaw nito.

Tiningnan ko naman siya ng hindi makapaniwala at binigyan siya ng are-you-even-serios look pero ngumiti lang siya sa akin. Tanginang yan, 50k para sa isang painting tapos nasa isang picture frame lang na maliit.

Because Of YouWhere stories live. Discover now