CHAPTER 6

2.6K 70 2
                                        

"Kanina ka pa?" Bungad sakin ni Cehir ng makaupo siya sa harap ko.

Nandito kami sa canteen since walang klase ngayong week kase exams. Exam pa namin ay Wed at Thurs, monday pa lang ngayon. Ayaw ko na namang magreview kase ilang araw na ako nagrereview, hindi na kakayanin ng utak ko.

"Oo taina. Akala ko nga dito na ako tatanda eh." Umirap ako pero tumawa lang siya.

"Ito naman. Usapan natin 7:00am eh parang 6:30 nandito ka na eh." Pailing-iling niyang sabi saka nilapag sa unahan ko yung pagkain.

"Edi wow... Parang ang bait mo naman ngayon. Ano meron? " Taas kilay kong tanong sa kaniya pero umirap lang siya.

"Pake mo ba? Para ka ng stick dyan, napakapayat mo." Tiningnan ko naman katawan ko tapos tumingin sa kaniya.

"Hindi naman ah."

"Anong hinde? Wala ka na ngang dibdib tapos ang payat pa ng katawan mo." Sinamaan ko siya ng tingin pero tumingin lang din siya ng masama.

"Eh kung magsuntukan na lang kaya tayo?" Tumayo naman ako at akmang susuntukin na siya pero biglang may nagsalita sa gilid namin kaya napatigil ako.

Paglingon ko ay nanlaki naman ang mata ko dahil nandun yung nga professor namin.

SHOCKS ANG HOT NILANG LAHAT. Compliment lang naman. Straight ako ano ba.

"Ehem."  Tikhim ni Miss Garcia saka tumingin samin ng masama.

"A-ay hello po mga m-miss." Kaway ko sa kanilang sabi tapos lumingon naman ako kay Cehir pero ngumisi lang siya saka dumili. ABA LINTEK NA ITO PASALAMAT SIYA MAY NGA PROFESSOR.

"Dito pa talaga kayo mag-aaway?" Tanong ni Miss Martinez. Napakamot na lang ako ng ulo saka tumingin sa kaniya.

"Ganon po talaga ang bonding namin, diba Cehir?" Pinandilatan ko naman ng mata si Cehir pero ngumisi lang siya saka tumingin sa mga prof.

" Actually po muntikan na po talaga niya akong suntu-" Napatigil naman siya sa pagsasalita ng bigla kong sinipa yung paa niya sa ilalim ng table. Tumingin siya sakin ng masama pero nginitian ko lang siya.

"Huwag po kayong maniwala kay Cehir. Mahilig po magsinungaling yan eh." Napatawa na lang yung dalawang professor sa kakulitan namin.

Napatingin ako sa isa pa nilang kasama. Tahimik lang itong nakatayo sa tabi nila na wala man lang kaemosyon-emosyon. Naramdaman ata niya na nakatingin ako kaya nilingon niya ako, napaiwas naman ako ng tingin. Bat biglang bumilis tibok ng puso ko? Baka kinakabahan lang ako kay Miss, ang seryoso kase eh huhuhu

"Ano po pa lang kailangan niyo? Nakakagulat naman po kase na bigla po kayong lumapit sa table namin hehe." Tanong ni Cehir kaya napaupo naman ako ng maayos at napatingin sa kanila.

"Sorry to interrupt yung bonding niyo HAHAHAHA Pero kung okay lang sana na sa inyo kami makiupo? Wala na kaseng vacant na tables, and kayo kase yung may pinakamatinong ugali eh." Tawa tawang sabi ni Miss Garcia kaya napatango na lang kaming dalawa ni Cehir.

Umipod naman kami para mabigyan ng space yung 3 professor.

"Matino pala tayo?" Pabirong sabi sakin ng Cehir ng makaupo ang mga Professor namin.

"Ako lang, mukha kang takas mental eh." Tawa kong sabi sa kaniya kaya napatawa na din yung dalawang professor, sinamaan lang ako ng tingin ni Cehir. Nilingon ko naman Si Miss Del Rosario pero tahimik lang itong nakain

Bali nasa gitna ako nina Miss Martinez at Miss Del Rosario, si Miss Garcia naman ay nasa tapat namin katabi ni Cehir.

SHUTA HINDI AKO MAKAKAGALAW NG MAAYOS NITO. MAHIYAIN PA NAMAN AKO HUHUHU

Because Of YouWhere stories live. Discover now