CHAPTER 42

1.8K 40 0
                                    

WARNING! ⚠️
Guns | Death

Cehir's POV

"NAPAKATANGA MO!"

Hindi ko na napigilan na suntukin yung isa kong tauhan na sinabihan ko na bantayan si Leigh.

"S-Sorry, b-boss-" Nakatayo pa rin siya pero nagdudugo na yung ilong niya dahil sa suntok ko.

Tangina! Siya rin yung pinagbantay ko dayi kay Leigh and nawala rin niya! Hindi ko siya pinaalis dahil malaki rin ang naambag niya. Pero tangina ang gago na naman niya ngayon!

"TANGINA NAPAKABILIS NA NGA LANG NG GAGAWIN MO! TITINGNAN MO LANG KUNG NASAN SIYA! TAPOS NGAYON MALALAMAN KO NA NAWALA MO SIYA! GAGO KA TALAGA!" Tinulak-tulak ko siya ng malakas at susuntukin na sana pero agad na may pumulupot na braso sa balikat ko.

"Calm down Cehir..."

"Just get out." Muli kong binalingan yung tauhan ko at binigyan siya ng nakakamatay na tingin habang nakaturo sa pintuan.

"B-Boss-"

"Labas! Sinasabi ko sayo, once na may masamang nangyari sa kaniya, isasama kita sa papatayin ko. Pinagbigyan kita dati pero ginawa mo na naman ngayon, hindi na talaga ako magdadalawang isip." Hindi na siya nagsalita at agad na lumabas. Buti na lang, kase kung hindi, baka napatay ko na siya ngayon.

"Tama na love..." Hinaplos ni Ally ang pisngi ko kaya napahinga ako ng malalim.

I'm just scared again...

"Sorry... Ayoko lang talaga mangyari yung dati."

"We all don't want that to happen again. Calm down first okay? Pinalabas ko na yung mga tauhan nina daddy para mahanap siya." Tumango ako saka niyakap siya at binaon ang mukha sa leeg niya.

"Thank you, love..."

"I'm always here, hmmm?" Hinaplos haplos niya ang likod ko para pakalmahin ako which is really effective.

Gosh. I really love this girl. Siya lang ang kayang maypakalma sa akin sa mga ganitong oras.

"Si Sophi?" Umangat ang tingin ko sa kaniya at napabuntong hininga naman siya sa naging tanong ko.

"She's in her room... After what happened, alam kong naggagawa siya ng plano. I also feel na maya-maya ay lalabas na yun at siya mismo maghahanap kay Leigh." Parehas kaming nakatingin sa taas kung saan ang kwarto ni Sophi.

I know na siya na naman ang pinakanahihirapan sa amin dito. Sobrang sinisi niya yung sarili niya nung may nangyaring hindi maganda kay Leigh dati. Halos hindi na rin siya makakain ng maayos dati kase gusto niya na siya yung unang makikita ni Leigh kapag nagising siya. But when Leigh waked up, hindi namin inaasahan na ganon ang magiging kalagayan niya. Hindi niya kami makausap ng maayos.

I already said na parehas kami ng age. Pero graduate na sina Ally at Sophi kase pinilit ko silang makapagtapos na. Nagpaiwan ako at tumigil muna para kapag papasok ulit si Leigh ay may kasama pa rin siya. Pinaltan muna namin panandalian ang age namin para hindi magtaka si Leigh.

Bumuntong hininga na lang ako habang kinakalikot ang laptop ko dahil kinakausap ko pa sina dad para magpalabas din ng tauhan para makita si Leigh. They know na gagawin ko talaga ang lahat hanggat hindi ko pa siya nakikita.

"Claire?!" Gulat akong napatingin sa biglang pagpasok niya sa bahay namin.

"Pres... Nakita ko siya... Dinala siya nung Dennise sa kung saan." Nanlaki naman ang mata ko at agad na nilapitan siya.

Because Of YouWhere stories live. Discover now