"Tangina. Tangina. Tangina!" Kanina pa ako kinakabahan. Parang gusto ko na lang mamatay.
Nandito na ako sa likod at inaantay ko na lang yung mga kine-kinemerut nung MC.
"Good day everyone!" Panimulang bati ni Miss Garcia. Nagsigawan naman yung mga nandito.
Sa open field ginaganap yung event ngayon, kaya kasya talaga yung lahat ng students, allowed din yung outsiders kaya madami yung nandito.
Actually hindi ko alam ang mga mangyayari mamaya, ang alam ko lang is yung may mga performance yung iba, tapos may tutugtog na mga banda. Ewan ko ba sa mga teacher, ginawa pang secret yung ibang part ng event mamaya. Si Cehir lang ang nag-iisang SSC member na alam ang buong detalye ng event mamaya.
"Today is a special day since it's the last day of La Belle Etoile. So please, everyone let's enjoy the rest of the night!"
At sa muli, nagsigawan na naman sila. Grabe sobrang lakas nung sigaw. Feeling ko mabibingi ako anytime huhu
"So what's our ganap for today Miss Claire?" Sumilip naman ako sa stage ay nakita ko na si Cehir and Claire na yung MC ngayon. They look cute!
"Syempre nakakaexcite yung unang part ng event natin for today."
SHIT! ITO NA ATA YUN TANGINA! TANGINA TALAGA! GAGO KASE EH!
"Ano ba yun?"
"Yung Vice President lang naman natin ay magpeperform ngayon gabi." Napalaki naman ang mata ko dahil mas lumakas pa yung sigawan.
"GOSH BABY KO!"
"TANGINA MINE!" Gago ginawang online selling amp.
"ASAWA KO YAN!"
"CRUSH KO YAN!"
"AKIN KA NA LANG!"
Dami ko palang fans beh, my ghad!
"Hinay-hinay, matuto pong pumila ang lahat!" Natatawang sabi ni Claire kaya hindi ko na rin napigilan na matawa sa sinabi niya.
Sorry may tumapos na po ng pila... Chz
"Guys Chill lang kayo! Kulang na lang mag-away na kayo para kay Miss VP." Napailing na lang ako dahil sa mga kung ano-anong sinasabi nung dalawa.
"LABAS NIYO NA SIYA!"
"ANTAGAL!"
"ASAN NA BB KO!"
"ANG TAGAL! MAGPAPAKASAL PA KAMI!"
Excited? Hindi makapag-intay? Ako nga kabadong-kabado na eh. Sobrang dami ba namang manonood, di keri ng self ko.
"Okay! Let's hear it out for our Miss Vice President!" Ayan na naman sila sa sigawan. Mas kinakabahan ako eh.
Okay self. It's time, kaya mo yan. Fighting!
Pumunta naman ako sa may stage at nakangiti ng malawak, sina Cehir at Claire naman ay pumunta na ng backstage. Para hindi halata na kabado ako ngumiti na lang ako sa harap.
Chance na ito para makakuha ng chicks... Joke hehe
"Hi!" Medyo nahihiya kong bati pagkaupo ko sa harap ng piano.
"LULUHURAN!"
"PAPAKASALAN!"
"PAGSISILBIHAN!"
"KAKAININ!" Ay grabe naman this girl.
"Ay ate girl, bawal po yan." Natatawa kong sabi sa mic at nag-tawanan na rin yung ibang nandun.

YOU ARE READING
Because Of You
De Todo"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: