CHAPTER 1

8.8K 110 1
                                        

Papunta ako ngayon sa library dahil yung magaling kong kaibigan, hindi na naman nagparamdam nung lunch.

Pumasok na ko saka pumunta sa lagi niyang pwesto dito. As usual nakita ko siyang natutulog na naman.

Tsk. Malapit na exams tapos matutulog lang siya. Oo nga pala mataas grades niyan kahit paganyan-ganyan lang siya.

"Hello Ms. Cehir. Next week na po ang exams, matuto ka namang magreview" inangat niya naman ang ulo niya at tumingin sakin

"Ayoko nakakatamad huhuhu" tutungo na sana ulit siya pero naglagay na ko ng reviewer sa harap niya

"Opssss... Magrereview ka sa ayaw at gusto mo" umirap naman siya at binuklat ang libro. Napatawa na lang ako sa kaniya.

"Hindi ko talaga alam kung bakit kita naging kaibigan" napailing-iling siya

"Kailangan mo daw kase ng isang magandang kaibigan kaya no choice ka" tumingin lang siya sakin at tinaas ang isang kilay

"Hindi naman siguro ako bad influence sayo para magsinungaling ka ano?" tiningnan ko siya ng masama pero tumawa lang siya

"Ewan ko sayo. Tumahimik ka na lang diyan baka mapalabas pa tayo." Hindi ko na siya pinansin at nagbasa na lang.

Matataas na naman grades namin and naikot lang ranking namin between 1st or 2nd. Maaasahan din naman daw kami sa kahit saan sabi ng mga professors namin and we're both college students na.

Napatingin ako sa bintana saka nag-isip-isip.

Ano na kaya nangyari kay Ethan? Kahapon pa siya walang paramdam. Haayysss...

Napabuntong hininga na lang ako saka nagreview na lang ulit.

"Kamusta pala kayo ng boyfriend mo?" Napalingon ako sa kaniya pero nakatingin pa rin siya sa libro.

"Ahh si Ethan?" Nakita ko naman na tumango siya kaya napabuntong hininga na lang ulit ako.

"Wala siyang paramdam simula kahapon." Napatungo ako at pinipigilan ang mga luha ko.

I love him. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Nakakita na ba siya ng iba? Paano na ako? Masyado ba siyang nahirapan sakin?

Naramdaman ko naman na lumipat ng pwesto sa tabi ko si Cehir at saka hinagod ang likod ko.

"Ayayayayay... Ang mga ganyan hindi dapat iniiyakan. Malay mo nagka-emergency lang sa kanila kaya di ka niya makausap." Tumingin lang ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.

Baka nga emergency lang.

"Dahil dyan, libre na lang kita mamaya after class."

"Buti naman naisipan mo dahil kanina hindi ka sumipot ng lunch" tinaasan ko siya ng kilay pero napakamot na lang siya sa batok.

"Kase naman inantok ako hehe" napailing na lang ako sa sinabi niya

"Ewan ko sayo." Inirapan ko lang siya pero tinawana niya lang ako. "Kamusta naman mga chiks mo?'

"Grabe naman, mga talaga hindi pwedeng singular lang?"

"Anong singular pinagsasabi mo? Eh dami daming nagkakagusto sayong babae tapos sakto bi ka pa and may pagka-gwapo ka nga kahit babae ka, hindi mo man lang jowain yung isa sa kanila since gusto mo na ng jowa" Umiling na lang siya sa sinabi ko at tinulak ako ng mahina

"Hatdog ka talaga. Hindi ko pa talaga gusto magjowa hehe." Kumunot na lang noo ko sa sinabi niya

"Edi wow na lang."

Because Of YouStories to obsess over. Discover now