"Miss, sasama ka pa rin manood?" Tanong ko sa kaniya pagkapasok ko sa office niya.
"I don't know. I'm busy right now." Sabi niya nang hindi ako nililingon dahil nakafocus siya sa laptop niya.
"Ah, sige." Medyo nagtampo ako kase inaasahan ko talaga na makakasama siya sa akin manood.
Umupo na lang ako sa sofa para magpalipas ng oras kase hindi na rin niya ako pinansin. Maya-maya pa naman yung play kaya dito na lang muna ako.
"Hi, love." Bati ko kay Sky nang lumapit ulit siya sa akin. Dala pa rin kase rito ni miss eh, baka walang mag-aalaga kaya dinala niya rito.
Kumalong naman ito sa akin saka dinilaan ulit ang mukha ko kaya naman napangiti ako dahil dito.
"You're my happiness na!" Nakipagkulitan na lang ako kay Sky para naman malibang ako kase hindi man lang ako binabalingan ng tingin nung isa.
Fuck!
Hinawakan ko ang noo ko dahil bigla namang sumakit yung ulo ko sa hindi ko malamang dahilan. Nung isa pa ito eh. Ano na ba nangyayari sa akin? Magpatingin na kaya ako sa doctor? Feeling ko hindi na ito healthy...
Pero sinawalang bahala ko na lang ito saka tumayo at saka tumingin ulit kay miss na busy pa rin sa laptop.
"Alis na po ako." Tumango lang siya sa akin kaya naman bumuntong hininga ako saka bagsak balikat na lumabas ng office niya.
Why is she giving me a cold treatment? May nagawa na naman ba ako?
Bahala siya... Makapunta na nga lang sa play. Hindi ko alam kung about saan yung play pero feeling ko romance.
Pagkapasok ko sa room ay napahinga ako ng maluwag dahil kaunti pa lang ang tao. Buti na lang, kase magandang umupo sa unahan para makita mo talaga ng maayos yung mga actors and actresses.
Nakahanap naman ako ng magandang pwesto sa parteng gitna sa unahan kaya doon na ako naupo. Okay, perfect spot.
Nilibot ko naman ang paningin ko dahil baka makahanap ako ng mga kakilala pero wala masyado. Sinabihan ko si Cehir kung makakapunta siya pero sabi niya ay may aayusin siya kaya hindi rin daw siya makakapunta.
"Lonely?" Napatingin ako sa biglang tumabi sa akin saka ngumiti ng bahagya.
"Yeah."
"Sorry for yesterday if I made you uncomfortable." Sinseridad niyang sabi kaya naman napatingin na lang ako.
"It's fine~ But I still can't believe that you paid 30M for me." I playfully rolled my eyes but she just chuckled.
"Just for fun." Kibit balikat niyang sabi saka tumawa kaya napailing na lang ako at ngumiti.
Tanginang yan! Just for fun yung 30M?!
"Alam mo kung about saan yung play?"
"Nope. Ang alam ko lang ay romance daw yung genre." Tumalumbaba naman siya dun sa arm rest nung upuan habang nakatingin sa unahan.
"Kilala mo yung mga gaganap?" Tumingin siya sa akin saka nagkibit balikat.
"Not all of them, but for sure magagaling yung kasali."
"Ahhh okaayy." Tatango tango kong sabi pero tiningnan niya lang ako ng nakakunot ang noo.
"You're the Vice President and you don't even know anything about that?" Taas kilay niyang sabi kaya naman natawa ako ng bahagya.
"Alam mo namang hindi ako mahilig pumunta aa meetings unless it's really important." Dumila ako sa kaniya pero sinamaan nita lang ako ng tingin.

YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: