CHAPTER 35

2K 52 3
                                        

"Sweetheart?" Tawag sakin ng baby ko at naramdaman ko naman na lumapit siya sa akin.

"Yes hon?" Sagot ko habang hindi siya nililingon dahil naglalaro pa ako ngayon.

Maya-maya naman ay umupo siya sa lap ko at pinabayaan ko na dahil ganyan talaga siya kaclingy especially kapag naglalaro ako, kaya minsan hindi ako makapagfocus eh kase she's being a tease sometimes huhu

"I'm hungry~" Maktol niya saka siniksik ang ulo sa leeg ko.

Gosh. She really likes that spot when she's sitting on my lap.

"Kakakain lang natin ng dinner ah." Hinagod ko bahagya ang likod niya saka binalik ulit ang tuon sa computer ko.

"But still..."

"Okay fine. Let me finish this first, hmmm?" Hinalikan ko siya sa noo saka naglaro na ulit para mabilis na matapos. Ayokong pag-intayin ang mahal kong reyna.

"Can I try?" Bigla siyang nag angat ng tingin saka umikot para makaharap yung computer ko.

"Here." Kinuka ko ang kamay niya saka pinahawak sa mouse at ang isa naman ay sa keyboard.

Gosh! I really like it kapag tinatry niya ring maglaro.

"How to play this?" Taka niyang tanong at kung ano ano ang pinipindot sa kaya naman natawa ako.

"Press E for their skill and Q for their burst, their burst deals much more damage, but it still depends on the character." Paliwanag ko sa kaniya habang tinuturo ang mga keys pati yung screen.

"Here, she's a healer while she's my main dps." Muling sabi ko habang tinuturo yung characters. Tumango tango naman siya saka naglaro.

Pinapanood ko lang siya habang malawak ang ngiti kase nagpapanic siya kase mamamatay na yung mga characters.

"They died..." Nakabusangot niyang sabi pero tinawanan ko lang siya saka ginulo ang buhok kaya mas napanguso siya. Cutie talaga ng baby ko.

"It's fine HAHAHAHAHA. Let's just go and eat outside." Natatawa kong sabi saka hinila na siya palabas ng bahay niya.

"I'm cold." Reklamo niya ng makapasok kami sa kotse niya.

"Bat ka kase nakashorts?" Taas kilay kong tanong sa kaniya pero nagkibit balikat lang siya.

"Because... I don't know either." Napabuntong hininga na lang ako saka hinubad ang jacket ko.

"Come here." Lumapit naman siya bahagya at sinuot ko naman sa kaniya ang jacket ko at saka hinalikan siya sa noo.

"How about you?" Tiningnan naman niya ako ng may pag-aalala pero nginitian ko pang siya.

"I'll be fine, don't worry." Nagpout siya kaya pinisil ko ang pisngi niya at nagsimula na magmaneho.

"Saan tayo kakain?" Nilingon ko siya saglit ng magsalita siya saka binalik ulit ang tuon sa kalsada.

Tangina... Bawat araw mas gumaganda siya!

"Saan mo ba gusto?"

"Anywhere."

"Anywhere, tapos kapag naman nagsuggest ako, aayaw ka." Maktol ko but she just giggled.

Pasalamat siya cute at sobrang mahal ko siya.

Because Of YouWhere stories live. Discover now