Pagkagising ko ay wala na akong nakitang Sophi sa tabi ko. Kanina pa ata siya nagising at baka nasa baba na ito.
Tiningnan ko naman ang orasan at napagtanto na mahaba ata ang naitulog ko dahil malapit na magtanghalian. Agad akong tumayo para mag-ayos dahil nakakahiya naman bumaba ng hindi man lang ako nagsisipilyo.
Pagkatapos kong ayusin ang itsura ko ay agad na akong lumabas ng kwarto upang hanapin si Sophi. Maglalakad na sana ako pababa ngunit napatigil ako ng may narinig ako na nag-uusap. Rinig na rinig ko yung sinasabi nila dahil nagsisigawan na ang mga ito.
"SHE FUCKING DESERVE TO KNOW SOPHI!" Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng mapagtanto ko na boses iyon ni Cehir.
Anong ginagawa niya rito? Ano yung sinasabi niya?
Napako na lang ako sa kinatatayuan ko habang naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. Ano bang pinag-uusapan nila?
"Not right now Cehir. May inaayos pa ako!" Sigaw pabalik ni Sophi
"EDI KAILAN MO SASABIHIN? KUNG SAAN HULI NA ANG LAHAT?"
"CAN YOU JUST TRUST ME?" Napahilamos na lang sa mukha si Sophi dahil siguro sa inis.
Anong nangyayari sa kanila?
Napatingin ako sa baba ko at nakita ko si Sky na nakatingin din sa akin kaya naman kinabahan ako.
Sky sinasabi ko sayo, gagawin talaga kitang siopao kahit aso ka pa...
"WHY-"
Biglang napadako ang atensyon nila sa akin dahil sa biglang pagtahol ni Sky. Halata sa mukha nila ang gulat pero ngumiti lang ako ng pilit.
Shit... Bakit mo naman ako tinahulan Sky...
"H-Hi..." Awkward kong sabi sabi saka ngumiti ng maliit.
Ang awkward ha...
"Tell her." Seryosong sabi ni Cehir at halatang nagpipigil. Nagtaka naman ako lalo sa inaasta nila.
So ako yung pinag-uusapan nila? Ano yung deserve kong malaman yung ano...
"No." Matigas na sabi ni Sophi at sinuklay ang buhok pataas dahil na rin ata sa inis.
"She needs to know."
"I already told you! This is not the fucking right time!" Nagsisigawan na naman sila kaya medyo naririndi na rin ako.
Pwede naman silang mag-usap ng mahina at mahinahon eh.
"Then I'll tell her by myself."
"Can you just let me decide?!"
"IT'S FOR HER!" Dahil sa galit ay lumakas na talaga ang boses ni Cehir at halatang nagtitimpi na talaga.
"Fine... Please hear me first Leigh." Bumuntong hininga muna si Sophi saka tiningnan ako ng deretso sa mata.
Hindi ko mabasa ang mata niya pero sigurado ako na ang nangingibabaw ay yung takot at lungkot dito.
"We're engage-" Hindi nagproseso sa isip ko ang sinabi niya at hindi ko na naintindihan ang mga pinapaliwanag niya.
Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit ng puso ko. Parang dinudurog ito ng pino. Sa lahat ng tao, bakit bestfriend ko pa?
Hindi ko na pinatapos yung sasabihin pa niya at tumakbo na palabas at umagos na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"LEIGH!"
"SKYLEIGH!"
Sigaw nila pero hindi ko na sila nilingon at tumakbo lang ng tumakbo habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.
YOU ARE READING
Because Of You
De Todo"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: